Spoken Poetry!

18 1 0
                                    

Note: di po ito kasali sa story:)

Spoken Poetry:

ISANG TAON NA PALA.....

Isinulat ko ang tulang ito para sa kanya... Sa kanya na hanggang ngayon ay mahal ko pa!

Hindi ko namamalayan ang mga araw na dumaraan...
Ang mga oras, minuto at segundong kaybilis lumipas!
Hindi ko namamalayan, isang taon na pala akong nagmamahal...
nagmamahal ng isang taong kahit kailan hindi ako minahal...
nagmamahal ng isang taong kahit kailan hindi ako minamahal...
nagmamahal ng isang taong kahit kailan hindi ako mamahalin!

Isang taon na pala!
Isang taon na pala simula nung nagkagusto ako sa kanya!
Na simula sa konting paghanga lamang...
hanggang sa nakaramdam na ako ng kakaiba!
Kakaibang sa simula hindi ko maipinta, ngunit kalauna'y napagtanto ko-
-
-
-
-
-MAHAL KO NA PALA SIYA!
Isang taon na pala!

Isang taon na pala na hindi kami nagpapansinan...
Na sa tuwing magkakasalubong kami sa daan,
ni kahit "HI" man lang ang masabi namin sa isa't isa, di pa namin magawa,
Isang taon na pala!
Na sa tuwing magsasalubong ang aming mga mata,
at agad ding ang mga tingin ay ibabaling sa iba...
Na sa simula akala ko pareho lamang kami na nahihiya sa isa't isa,
Pero... isa lang pala iyong-
-
-
-
-
-MALING AKALA:(

Isang taon na pala...
na ako'y nakakaramdam ng galit, lungkot at karamihan ay saya!
Saya na sa tuwing nakikita ko siya,
halos maglundag lundag ang puso ko!
Ang puso ko na siyang dahilan ng aking pagtawa-
-
-
-
-DAHIL SA KANYA!
Isang taon na pala!

Isang taon na pala...
na naaapektuhan ng puso ko ang aking mga mata,
na nagiging sanhi ng pagkabulag ko sa kanya!
Isang taon na pala...
na ang puso ko ay naiimpluwensyahan ang aking isip na siyang dahilan ng aking PAGKATANGA!
Tama nga sila...
Tama sila na kapag nagmamahal ka,
hindi mo maiiwasang maging tanga!
Dahil sa pag-ibig, hindi isip kundi puso ang pinapagana!

Isang taon na pala...
na sinasabi ko sa sarili ko na ayaw ko na sa kanya,
pero sabi ko lang pala...
dahil hindi ko magawa-gawa!
Isang taon na pala!

Isang taon na pala...
na halos maibigay ko na lahat ang rason...
lahat ng rason na kahit kailan, hindi magiging kaming DALAWA,
pero sadyang ang puso ko, siya ang karga-karga!
Isang taon na pala!

Isang taon na pala akong umaasa!
Isang taon na pala akong nagpapakatanga.........
sa isang tao na kahit kailan....
hindi ako binigyan ng-
-
-
-
-HALAGA AT IMPOSTANSYA!
Isang taon na pala!

Isang taon na pala...
na nagseselos ako sa mga taong nasa paligid niya!
Isang taon na pala...
na baliw na baliw ako sa kakaisip sa kanya!
Isang taon na pala...
na halos ipagtulakan at asarin ako ng mga kaibigan ko sa kanya!
Isang taon na pala...
na nakakaramdam ako ng ganito!
Isang taon na pala...
na hinahanap hanap siya ng mga mata ko!
Isang taon na pala...
na siya ang nasa isip ko!
Isang taon na pala...
na siya ang tinitibuk-tibok ng puso ko!
Isang taon na pala...
na siya ang-
-
-
-
-MAHAL KO:(

Sana dumating din yung araw...
Yung araw na wala na akong pakialam sa kanya!
Na kahit makasalubong ko siya...
Na kahit kami ay magkatinginan pa...
O kahit ano pa...
Wala na akong maramdaman pa!
Dahil sa loob ng isang taon na minahal ko siya,
Kahit na konting pagmamahal, wala akong napala!

_noriel ganal_

Wala lang.trip ko lang poh! Original ko poh to! Nainspired po kasi ako eh:)

Kissed By Accident?Where stories live. Discover now