Chapter 1 : Just a Dream But...

804 24 7
                                    

"Yza! Wake up!" Napabalikwas ako ng bangon nang dahil sa paggising sakin ni Tita Flabelle.

"May napaginipan ka bang hindi maganda? Parang nababangungot ka eh," Tita Flabelle asked.

"Opo, nakita ko s---si Lorena... Nahulog siya sa rooftop.. May tumulak sa kanya..." Mangiyak ngiyak kong sabi kay Tita habang iniilalarawan sa kanya ang napaginipan ko.

"Shh.. Tahan na. Hindi naman yun mangyayari."

"Pero...pano kung magkatotoo yun? Ngayon lang ako nagkaroon ng gantong panaginip na parang totoo talaga. Tita... Mamamatay siya sa pagkahulog .... Kung mangyayari man 'yon, pa'no na si Tita Rhea?" Si Lorena at Aling Rhea na lang kasi ang magkasama sa buhay. Si Tita Rhea ang kaibigan ni Mommy. Si Lorena naman ang anak ni Tita Rhea. May sakit si Tita Rhea kaya si Lorena ang nagta-trabaho.

"No... It's just a dream. Hindi yun magkakatotoo. 'Di ba sabi nga nila, kabaliktaran ang mangyayari sa napaginipan mo? Hindi lahat ng napapaginipan mo ay nagkakatotoo." Siguro nga ay tama siya. Tsaka kung may makita man akong pagkakaparehas na makikita ko mamaya sa panaginip ko kanina, coincidence lang naman siguro yon. Wala naman akong powers para mapaginipan ang future...kaya bakit naman magkakatotoo yung napaginipan ko about kay Lorena?

Bakit naman ako magkakaroon ng ganung panaginip na parang totoo at bangungot pa? Nagdasal naman ako kagabi bago matulog.

I started getting ready to go to school and bid my goodbye to Tita, Lola and Lolo.

Pagdating ko sa school nakita ko si Lorena sa loob ng room na naka-tungo sa armchair niya. I saw the headband that she's wearing. Katulad ito ng suot niya sa aking panaginip. Eto na ba yung sign na yon? Magkakatotoo na ba yung napaginipan ko? Pero pa'no naman kung masyadong lang akong OA?

But the dream that I had earlier is really weird. Parang totong-totoo talaga ito.

Sa pagkakatanda ko, mangyayari iyon ng uwian na. Dahil sa nakita ko sa panaginip ko, wala nang ibang tao sa school kundi si Lorena at ang tutulak sa kanya sa rooftop. Pero ang taong tutulak sa kanya...hindi ko siya kilala. He wears a black cap. Hindi rin siya naka-uniform. Naka black hoodie siya at naka black pants. Ibig sabihin, may posibilidad na hindi siya estudyante dito at hindi siya taga dito. But, my guts are telling that maybe that person is here inside the school. Maybe a teacher, or a part of the faculty.

After our class, I glanced at Lorena putting her things inside her bag. Inilagay ko na din ang mga gamit ko sa bag. Nang magsimula ng maglakad si Lorena, isinuot ko na agad ang bag ko sa likod at hinabol siya hanggang sa magsabay kaming maglakad.

"Oh, hi Yza!" Bati niya.

"Hello. Pauwi ka na?" Kailangan kong masiguro na uuwi na siya at hindi na siya babalik dito sa school. Dahil kapag bumalik siya dito, maaaring mangyari ang nasa panaginip ko.

"Oo. Gusto mo sabay na tayo?" Tanong niya nang may ngiti sa labi.

"Sige," tugon ko. Parehas lang naman kasi ng terminal na pupuntahan kaya pwede kaming magsabay.

Nag-kwentuhan kami ni Lorena habang naglalakad. Magkakilala kami dahil close friend ni Mommy ang Mommy ni Lorena, na si Tita Rhea. Minsan ay iniimbitahan kami sa bahay nila o si Mommy ang nag-iimbita para pumunta sila sa bahay kaya nagkakilala kami.

Nang nakarating kami sa Terminal, nag-kwentuhan pa kami habang nag-aabang kami ng taxi. Pumara ako sa taxi na dumaan. Nag-offer ako sa kanya na siya na ang sumakay sa pinara kong taxi pero tumanggi siya. Mauna na daw ako kaya di ko na siya pinilit. Nagpaalam na ako kay Lorena at sumakay na ng taxi. Hindi naman kasi kami parehas ng subdivision kaya magkahiwalay kami ng sasakyang taxi.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon