"Eto po ate, kuya!" Nakarating na kami sa bahay na sinabi ng bata.
"Palabasin niyo ko dito! Tulungan niyo 'ko!" Dinig naming sigaw ng babae mula sa loob ng bahay.
"Blaster, kaya mo bang buksan ang pinto?" Lumingon ako kay Blaster at nagtanong.
"Boss, halika muna," utas niya. Hinila niya ako palayo. Huminto kami ilang metro mula sa bahay.
"Bakit?" Nagtatakang tumingin ako sa kanyang ikinilos.
"Gagamitin ko na yung powers ko ah? Susunugin ko yung pinto---"
"Blaster!" Pigil ko. The house will be on fire for sure! Napahalakhak siya.
"Joke lang boss! Kailangan ko lang ng pang-kalikot dun sa pinto. Meron ka ba dyan?"
Nag-isip ako ng gamit na pwedeng ipangkalikot doon. Naalala ko ang clip na nasa buhok ko. Kinuha ko ito at iniabot sa kanya.
"Eto. Pwede na ba?" Kinuha niya ito at ngumiti.
"Nice! Ang galing talaga ng boss ko!" Bumalik na kami sa may pinto. Sinubukan na ni Blaster kalikutin ang doorknob na naka-lock. Maya maya ay narinig namin ang pag-click sa pinto hudyat na nabuksan na ang lock.
Pagbukas ng pinto, bumungad ang isang pamilyar na babae. Isang babaeng chinita at maputi. Hanggang balikat ang haba ng kanyang buhok. Mamula-mula din ang kanyang mga pisngi at labi. Isang simpleng babae at walang kaarte-arte sa kanyang katawan ang nasa harap namin ngayon.
"Salamat! Salamat sa inyo!" Sambit niya. Nang maalala ko ang kanyang pangalan. She's...Claude? Hindi ako sigurado kung tama ba ang pagkakatanda ko sa kanyang pangalan.
"Yza!" Agad akong niyakap ni Claude. Nang mayakap niya ako ay naging malinaw na sa aking isipan na siya iyon. Claude is my classmate on my old school, when I wasn't in Dream High yet.
Unti-unting kumalas siya sa yakap at hinarap ako. Iginala niya ang kanyang mga mata mula sa ulo hanggang paa ko at ibinalik ang kanyang paningin sa aking mga mata.
"Kamusta ka na? Alam mo ang daming nagulat kasi bigla ka na lang nawala sa school. 'Yun pala nag transfer ka na. 'Di ka man lang nagpaalam samin." Halata ang pagtatampo sa kanyang boses. Nag-pout pa ang kanyang labi.
"Okay naman. Sorry ha. Madalian kasi kaya di na ko nakapagpaalam," nagkakamot sa batok na banggit ko.
"Pasok kayo," Iginaya at pinapasok niya kami sa bahay nila.
Pagkapasok ay pinaupo niya kami sa kanilang sofa. Simple lang ang kanilang bahay. May tv set sa kanilang sala, isang pang-animang tao sa lamesa nila sa kusina. Isang simpleng bahay para sa isang pamilya.
"Pwedeng magtanong? Bakit ka nalock-an?" Tanong ni Blaster nang dumating si Claude na may hawak na mga basong may lamang juice at iniabot saamin.
"Kasi si Johaira, lumabas siya tapos na lock niya pala ang pinto. Wala pa naman kaming susi," pagpapaliwanag niya. Johaira pala ang pangalan ng bata na kapatid niya. Naupo siya sa upuan katapat namin. Inumpisahan na namin ni Blaster na uminom ng juice na inilahad ni Claude.
"Salamat talaga sa inyo. Yza, sasabihin ko sa mga kaklase natin na maayos ka na ngayon sa bagong school mo."
Pagkatapos ng ilang minutong kamustahan, nag-paalam na kami ni Blaster.
"Sige salamat." Sambit namin kay Claude. Tumayo na kami at nag-umpisang humakbang palabas.
"Teka!" Natigil kami sa paghakbang ng pigilan kami ni Claude. Humarap muli kami sa kanya.
"Oh bakit? May problema ba?" Tanong si Blaster. Ibinuka ni Claude ang kanyang bibig at itinikom muli ito. Tila ba nagdadalawang-isip siya kung itutuloy ba ang sasabihin.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...