Chapter 19 : Flower

149 7 0
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko. Napapikit muli ako sa liwanag na sumalubong saakin. Unti-unti ko uli itong idinilat at iginala ang mga mata sa paligid. Natagpuan ko ang sariling nakahiga sa kama. Puti rin ang buong paligid ng kwarto. Am I in a hospital?

"Yza!" Halos hindi na ko makahinga sa higpit ng yakap sakin ni Rylee.

"Hindi na makakahinga niyan si Boss sa'yo eh," I heard Blaster voice. Nagpunta siya palapit sakin.

"Where are we?" I asked. This room wasn't familiar to me.

"Nandito na tayo sa Dream High," sagot ni Rylee. Kumunot ang noo ko. Dream High? We're back?

"Where are the others?" Naguguluhan kong tanong nang mapansing sila lang ang nandito. Nasa'n sina Kiel at Red?

"Si Kiel ay busy," Rylee answered. Napatango ako.

"And how about Red?" Tanong ko. Kita ko ang gulat sa mukha nila.

"W-we don't know where he is..." Nakatungo niyang tugon. Kumunot ang noo ko.

"Boss, nawala na lang siya bigla ng dinala tayo nung Claude na 'yun dun sa kwarto! Malamang sumama na siya sa kanila. After all, he's a Phiyr. Malamang ay sasama siya sa kanila," sambit ni Blaster nang may halong panggigigil. Pansin ko ang nakakuyom niyang kamao.

"Baka nga siya pa ang nagbigay ng tip sa mga ka grupo niya kaya naatake nila tayo," Rylee muttered. Napailing ako.

Red can't do that. Kilala ko siya... Hindi siya traydor. Siguro nga, ako lang talaga ang naniniwalang mabuting tao si Red. That he's on our side even if he's a Phiyr. Na wala siyang masamang balak saamin. Alam kong hinding-hindi niya sisirain ang tiwala ko sa kanya.

"Yza!" Nagbukas ang pinto at nakita kong pumasok si Ate Yanna, Ate Yvonne, at Dad.

"Sige po, aalis muna kami," paalam nila Blaster at Rylee at humakbang palabas.

Agad namang tumakbo at yumakap sakin ang dalawa kong ate.

"How are you, Yza? Masakit pa rin ba ang binti mo?" Tiningnan ko ang binti ko at sinubukang igalaw. Napangiwi ako nang may naramdamang kirot mula dito.

"Medyo masakit," I answered.

"Don't worry. Ilang araw lang gagaling na din ang sugat mo. Sa ngayon magpahinga ka muna," sabi ni Dad.

"That arrow was really dangerous. Kapag napana ka ay malamang mawawalan ka ng malay." Sabi ni Ate Yanna. Tama siya. Nung napana ako ng arrow na yun ay nag-iba ang pakiramdam ko. I thought I was going to die at that moment.

"May lason kasi ang arrow na 'yun. Kaya ikaw, Yza mag-iingat ka sa susunod. Kung hindi ka agad nadala dito malamang naging kritikal ang lagay mo."

"Paano niyo nalaman na napana ako?" I asked.

"Kinuwento na saamin ni Kiel ang nangyari." Sinabi rin kaya ni Kiel na naging kasama namin si Red na isang Phiyr?

"Magpagaling ka na agad ha?" I nodded.

"Siya nga pala, hindi na kayo babalik uli sa outside world." Ano?

"Ha?"

"Hindi na pwede, Yza. Pagkatapos ng nangyari sa'yo hindi na kayo babalik dun. Pwede kang mamatay dahil sa mga Phiyr na yun," Nagpayo sila ng mga dapat at hindi dapat gawin. Nagpaalam na sila at lumabas ng kwarto. Inilipat na ako sa kwarto ko. Padadalhan na lang din daw ako ng pagkain. They told me that I shouldn't run, or overuse my foot that has the wound.

Kaya nagpalipas lang ako ng oras sa pamamagitan ng panonood ng anime. Ilang araw din pala kaming nawala sa Dream High. I want to walk around the school again. But how can I do that if I have a wounded foot?

Sabi nila ilang araw pa daw bago gumaling ang sugat ko. Ibig sabihin, ilang araw pa ang lilipas na nakatambay lang ako sa kwarto.

"Hello!" Halos mapatalon ako sa inuupuan ko ng may marinig na boses. What's that? Si Red ba 'yun? Is he an invisible man again? Ano na namang ginagawa nun dito?

"Red?"

"Hindi ako si Red," dinig kong sabi ng nagsalita. Ghad! Sino yon? Wala namang ibang tao dito sa kwarto kundi ako! Umakyat ang kaba sa aking dibdib at tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. Hindi lang ako ang tao sa kwartong ito. At ang taong 'yon ay hindi si Red. Kung ganoon, sino?

"S-sino ka? Where are you?"

"Sa tabi mo." Lumingon-lingon ako sa paligid. Sa kaliwa at sa kanan. Pero wala naman akong nakitang kahit ano. Sino at nasaan ba talaga ang nagsasalitang iyon?

"Buksan mo na kasi ako para makalabas na 'ko dito," sabi ng boses. Buksan? Anong tinutukoy niya?

"Anong bubuksan ko?"

"Yung box." Box? Napatingin ako sa tabi ko na may bedside table. Doon nakalagay ang box na binigay ni Red noong nagpunta siya ditong invisible sa kwarto ko.

'Yung box na 'yun ang nagsasalita? Red gave me a speaking box?

Unti unti kong binuksan ang kulay pulang medyo maliit na box. Nagulat ako ng may bulaklak na unti unting tumatayo. Isa itong sunflower.

"Hay salamat! Nakaka bored na sa loob eh. Ilang araw na ata akong nandito lang," Totoo ba 'tong nasa harap ko? Ang bulaklak ay may mata at bibig na nagsasalita?!

"Galaw galaw din ha? Baka ma stroke." Totoo nga! The flower's really talking!

"Y-you can talk.."

"Oo. Ikaw si Yza?" I nodded my head. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa bulaklak na nasa harap ko. Tsaka, pa'no niya nalaman ang pangalan ko?

"Hi Yza! Ako nga pala si.... Hmm..."

"What's your name?"

"Ayun nga eh, pinag iisipan ko pa. Wala akong pangalan," Eh?

"Ah alam ko na pala ang pangalan ko!"

"Ano?"

"Ako na lang si Sun. Tama! Sun ang pangalan ko." Okay?

"Pinadala ako dito para bantayan ka," Bantayan?

"Bantayan? Bakit naman?"

"Hindi ko din alam eh. Basta simula ngayon, ako na ang magbabantay sa'yo." Bakit hindi sinabi saakin ni Red na may bulaklak na nagsasalita pala ang box na binigay niya sakin? At bakit kailangan akong bantayan?

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon