Magkahawak kami ni Kiel at tumatakbo papunta sa library. Napapansin ko lahat din ng tao ay tumatakbo papunta dun. Nakabukas ang malaking pinto na main door ng library at dun nagsisipasok lahat ng tao. Kapansin-pansin din ang mga taong tumatakbo na galing sa maliit na pinto sa gilid ng library.
Nakita ko si Dad na isa sa mga tumatakbo palabas ng library.
"Dad!" I called. Pero mukhang hindi niya ako nadinig dahil hindi siya lumingon.
Ano ba talagang nangyayari? Bakit nagtatakbuhan lahat ng tao?
Pumasok din kami ni Kiel sa loob ng library. Sa loob, may hagdan pababa at doon nagpupunta lahat ng tao. Ano kayang meron dun at dun sila nagpupuntahan?
"Yza, dito tayo." Hinila ako ni Kiel papunta sa isang pinto at pumasok. Pagpasok namin ay walang laman ang kwarto.
"Anong meron dito?" Tanong ko sa kanya. Kaming dalawa lang ang nandito.
"Humawak ka sakin, magteteleport tayo," utos niya at agad naman akong humawak sa kamay niya. Astig, pero pa'no kaya kami magteteleport?
Nang bigla na lang siyang pumikit at sa isang iglap, nasa rooftop na kami.
Ang galing! Kaya ko rin kaya yung ginawa niya?
"Ang galing mo ah! Pa'no mo nagawa yun? May powers ka rin pala?" Manghang tanong ko sa kanya.
"Every people here in Dream High have powers. Iba iba lang ang kapangyarihan ng bawat isa. Pero ang pinaka makapangyarihan ay ang mga Glamours."
"Glamours?"
"Yes. Yun ang tawag sa kanila. Wait. Dito ka muna. You'll be safe here. I need to go."
"What? You're leaving me here?"
"Babalik ako agad." Pumikit siya at pumikit. In one blink, he's out of my sight. He teleported again.
Ano kayang gagawin ni Kiel at iniwan ako dito?
Nagulat ako nang may maramdamang humawak sa braso ko. Napatingin ako sa mukha niya at naka mask siya.
"Who are you? Bitawan mo ko!" Pagpupumiglas ko habang hawak niya ko sa braso. Sino ba 'to? Hindi siya pamilyar saakin. Sigurado akong hindi ko pa siya nakikita noon pa man.
"You need to come with me."
"Eh sino ka ba? Ba't naman ako sasama sayo eh hindi nga kita kilala!" Sigaw ko.
"Wag ka na lang madaming tanong. Alam kong g'wapo ako kaya sumama ka na sakin."
"G'wapo?! Naka-mask ka nga eh kaya pa'no ko makikita yung gwapong mukha na sinasabi mo?!"
"You'll see it later." Kumindat pa siya. Hindi ko naiwasan ang pag-ikot ng aking mga mata sa taas ng tingin niya sa sarili.
"You should feel lucky and be proud."
"What? Why?"
"Because a handsome guy like me is in front of you," saad nito nang may malaking ngiti.
"Talaga? Nasaan ang handsome guy na sinasabi mo? 'Di ko makita e." Napalabi ito at bakas ang inis sa mukha.
"Tsk. Just shut your mouth and come with me."
"No way! I don't even know you at the first place so why am I coming with you?" Nagpupumiglas pa rin ako pero masyadong mahigpit ang hawak niya.
"Hoy Red! Ano na ang tagal mo dyan! Dalian baka mahuli pa tayo dito!" Bigla namang lumabas sa pinto yung isang lalaki na naka mask din. Kasama niya siguro iyon. Why are they both wearing masks?
"Just wait! Napakaarte kasi ng babaeng to eh ayaw pa sumama. Kung tinutulungan mo na lang ako dito e'di sana nakabalik na tayo." Sagot nung Red na may hawak ng braso ko.
Lumapit samin yung lalaki at hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at may naramdaman akong kuryente. Sa isang iglap ay nagdilim ang paningin ko at wala na kong maramdaman.
"Hoy babae! Gigising ka o gigising ka?" May narinig akong boses galing sa malapit saakin. I opened my eyes. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. I found myself in a dark room and I'm lying on a bed. Nakita ko ang lalaking naka upo sa upuan, naka taas ang mga paa sa lamesa sa kanyang harap at nagbabasa sa hawak niyang libro.
"Buti naman gumising ka na, masyadong pa prinsesa feeling sleeping beauty na kailangan ng prince charming na hahalik para magising. FYI, alam kong prince charming ako pero kahit mamatay man ako hinding hindi kita hahalikan dyan para magising. Ano ka swerte?"
"...." I didn't say anything. Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko siya kakausapin. Nakakainis siya eh. Napakadaldal parang hindi lalaki. Sinubukan kong umusod at sumandal sa headboard ng kama.
I continued roaming my eyes inside the room. Walang nang ibang laman ang buong kwarto kundi ang lamesa, ang upuan nung lalaki at ang kamang kinauupuan ko..
Nasaan ba ko?
Oo nga pala! Ang huli kong naaalala ay nung nasa rooftop kami nitong lalaking 'to at nung hinawakan ako nung lalaking kasama niya ay bigla na lang akong nawalan ng malay. Kinuryente ako nung lalaki. Siguro ay yun ang dahilan kaya ako nawalan ng malay bigla. Ni-kidnap nila ko!
"Nakatulog ka lang naging pipe ka na. O baka naman na speechless ka lang dahil nakita mo na ang gwapo kong mukha?"
"Hindi ko pa nga nakikita mukha mo ta's speechless? Wag masyadong mag assume ha. Masakit kasi eh." I rolled my eyes. Ubod ng hangin ang lalaking ito. Nasobrahan din sa confidence.
"So gusto mong makita. Ang hirap talangang maging gwapo. Lahat ng babae gustong gusto nasisilayan ang gwapo kong mukha."
"Dami daming sinasabi. Akala mo namang ikaw na ang pinaka gwapo sa buong mundo," I said.
"Sus! Lamang lang ng ilang paligo yung pinaka gwapong lalaki sa mundo kung sino man yun no! Basta gwapo pa rin ako."
Nagbukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na may dalang pagkain.
"Hey, here's your food. Kain ka na. Hindi dapat nagugutom ang mga magagandang babae tulad mo," The guy said and he winked. Feeling niya siguro ang gwapo din niya. Tsk!
"Yung akin? Nasa'n ang food ko? Bakit yung panget lang ang merong pagkain?" Tanong nung Red sa kararating lang na lalaki.
"Aba Mr. David, ano ka sinuswerte? Ikaw mismo ang kumuha ng pagkain mo. Para lang kay miss beautiful 'tong dala ko." Sagot nung lalaki na kapapasok pa lang.
Lumapit siya sakin at iniabot ang pagkain.
"Damot! Tara na nga! Hoy panget! Dito ka lang, hindi ka pwedeng umalis dito." Inakbayan nung lalaking tinawag na Mr. David yung lalaki na nagbigay sakin ng pagkain. Teka, ano daw? Panget? Ako? Ang ganda ganda ng pangalan ko ta's 'panget' lang ang itatawag niya sa'kin? Tsaka, sa ganda 'kong 'to? Panget ang itatawag niya sakin?!
Naglakad sila palayo at sinarado ang pinto. Napatingin ako sa pagkain na ibinigay nila saakin. Nakaramdam ako ng gutom ako kaya kinain ko na ito.
Binilisan ko ang pagkain dahil hindi ako pwedeng magtagal pa dito. Kailangan kong makatakas. Hindi porket walang ginagawang masama saakin ang mga lalaking yun ay dapat ko na silang pagkatiwalaan. Alam kong kinidnap lang nila ko.
I need to get out of here as soon as possible. I tried opening the door and I'm really surprised that it's not locked. Napaka careless naman ng mga lalaking yun.
Lumabas ako ng pinto at bumungad sakin ang isang mahabang hallway. Nagmasid muna ako sa paligid. Nang masiguro kong walang makakakita saakin dito, nag-umpisa na kong maglakad ng walang ingay.
I'm walking quietly when I heard someone talked.
"Where do you think you're going?" Nakarinig ako ng boses mula sa aking likod. Lumakas at bumilis ang pintig ng puso ko. Lagot.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...