Chapter 21 : Powerful Leaders

163 6 0
                                    

"Sorry dahil bigla akong nawala. Sorry kung ngayon lang ako nagpakita sa'yo. Sorry sa lahat...." Tumungo siya. I can feel his sincerity with his words.

"Anong nangyari? Bakit bigla kang nawala?" Tanong ko. Nag angat siya ng tingin.

"S-something happened.." Mabigat ang loob niyang sagot.

"Anong nangyari?" Hindi ko alam pero may parte sakin na nagsasabi na siya nga ang dahilan kung bakit kami naatake sa bahay. Kung bakit kami nahuli ng mga Phiyr. A part of me is telling me that trusting him is not good. Pero may parte pa rin saakin na naniniwala na mabuti siyang tao at hindi sisirain ang tiwala namin sa kanya. A part of me is telling me that he's on our side.

"Kailangan kong bumalik saamin. Kahit ayaw ko, may sumundo saakin at pinabalik ako dun. Hindi ko alam kung saan kayo dinala ng mga nanloob sa bahay.." Paliwanag niya. Is he telling me the truth?

"Are you saying the truth?" Dali dali siyang tumango. Hindi ko alam pero may parte pa rin sakin na nagsasabing nagsisinungaling siya at hindi na dapat siyang pagkatiwalaan.

"Yes! I'm telling the truth. Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo?" I shrugged. His eyes are telling me that he's annoyed.

May narinig kaming kaluskos sa paligid. Nagkatinginan kami ni Red. He should go back now! Baka may makakita pa sa kanya dito.

Tumango si Red at may ininom sa maliit na bote na kinuha niya mula sa kanyang bulsa. He suddenly disappeared. Naging invisible na siya.

Napatingin ako sa paligid at sinubukang hanapin kung saan galing ang ingay. Ngayon ko lang napansin ang mga bulaklak at halaman na nakapalibot dito. Ang ganda!

"Yza?" I saw Rylee with her surprised face.

"What are you doing here? Dapat ay hindi ka lumalabas!" Sigaw niya.

"Naglakad lakad lang ako. Ang boring sa kwarto." Tugon ko. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa kwarto.

"Magagalit sa'yo ang mga ate at dad mo pag nalaman nilang lumabas ka ng kwarto mo!" Banta niya. Hindi ko alam na makakatanggap din pala ako ng sermon mula sa kanya. Nakakasawa na kasi makarinig ng sermon mula kay dad, mom at kina ate.

"Yun ay pag nalaman lang nila. Hindi mo naman sasabihin sa kanila 'di ba?" Ngumiti pa ko. Hindi naman niya siguro ako isusumbong.

"Ewan ko sa'yo!" Inis niyang sambit. Nakarating na kami sa kwarto. Pagkapasok namin, nakita ko ang mga mata ni Sun na umirap. Buti at hindi napansin ni Rylee. Ako lang ang nakakaalam na nakakapagsalita ang bulaklak sa kwarto ko. It's a secret between me and Sun only.

Umalis na si Rylee at halos mabingi na naman ako sa mga paulit-ulit niyang paalala. Hindi naman ako mamamatay kung lumabas ako at maglakad lakad kahit hindi maganda ang kondisyon ng paa ko ah?

"Anong nangyari?" Sun asked.

"Si Red nga ang sumulat. Kaso sandali lang kami nagkausap. Bawal siyang mahuli eh."

"Alam mo naguguluhan ako kung ano ba ang dapat kong paniwalaan. Sabi ng iba, hindi dapat ako magtiwala kay Red. Pero bakit ganun? Feeling ko wala namang mali sa pagtitiwala ko sa kanya?"

"Alam mo Yza, pagdating sa tiwala, mararamdaman mo naman kung deserve ba ng taong yun ang tiwalang binigay mo eh. Basta dapat, pag nagtitiwala ka, alam mong karapat dapat na siya ang pagkatiwalaan mo."

Karapat dapat. Wala namang ginawa si Red na nagpawala ng tiwala ko sa kanya. Other may say that he shouldn't be trusted, pero hindi yun ang tingin ko. Siguro nga ay dapat magtiwala lang ako sa kanya. I shouldn't listen to what others say.

Kinabukasan, sinamahan ako ni Rylee. We went outside my room and roamed around the school. Naawa kasi siya sakin, kaya umabsent muna siya at sinamahan ako. Nandito kami ngayon sa field. Umupo kami sa damuhan.

"It feels nice breathing some fresh air." Sabi ni Rylee. Niyakap ko ang mga tuhod ko at dinama ang sariwang hanging tumatama sa katawan ko.

"Kailan kaya uli tayo makakabalik sa outside world?" Rylee uttered.

"Makakabalik pa kaya tayo dun? Siguro kung hindi ako napahamak nung araw na 'yun, tumagal pa sana tayo sa outside world." I said. Siguro kung hindi ako napana, baka hanggang ngayon nasa outside world pa din kami?

"Yza.... Wala ka namang kasalanan dun. Dinala ka agad namin dito sa Dream High nung napahamak ka dahil kailangan magamot ka agad. That arrow has poison and it needs to be treated right away. Don't blame yourself. Dapat nga ay ang taong 'yun ang sisihin natin eh." Napatingin ako sa kanya.

"Si Red?" She nodded her head.

"Oo. Niloko niya tayo."

"Pa'no kung wala naman siyang kinalaman sa pag atake saatin?"

"Oh come on! Wala tayong alam sa lalaking 'yon! We don't know him that much! Hindi ko nga alam kung paano mo siya nakilala! Hindi pa ba sapat ang dahilang siya ang kumidnap at dahilan ng pag atake satin sa outside world?! Ugh! Bahala ka nga!" Tumayo siya at naglakad palayo. Halata sa kanya ang inis.

Hindi talaga siya naniniwala. Siguro nga, ako lang ang naniniwala na mabuting tao si Red. Pero teka nga, ba't ba pinipilit ko silang maniwala na mabuting tao si Red? And why do I care? Agh. Nababaliw na ata ako eh.

May nakita akong sasakyang galing sa langit at pababa. Maya maya at nag landing na ito sa field sa harap ko.

Nagbukas ang sasakyan at may lumabas na mga tao. Nagtaka ako sa mga hindi pamilyar na mga mukhang nakita. Who are they? Sa tindig pa lang ng tayo nila ay sumisigaw ang kapangyarihan nila. Apat sila at ang isa ay babae. Ang mga lalaki naman ay puros malalaki ang mga katawan.

Napatingin ako sa direksyong tinatahak nila. They're going to the library. Ang mga dreamers na naglalakad ay napapatigil sa paglalakad at napapatingin sa kanila.

"Yza?" I saw Kiel beside me.

"Kiel? Anong ginagawa mo dito?"

"I'm going to the library. Nakita kita dito kaya pinuntahan na kita. Wanna go there too?" Tumango ako.

"Anong bang meron? Dun din papunta ang mga bagong dating na 'yun ah?" Patukoy ko sa mga bagong dating na papunta sa library.

"Pupunta sila sa headquarters. May meeting."

"Ah.. sino ba sila?"

"They are the leaders here. Sila ang namamahala ng Dream High. Lahat sila ay malalakas. They are the leaders who take care of Dream High. Sila ang inassign ng Goddess." Leaders?

Pumasok kami sa loob ng building ng library. Bumaba kami sa hagdan sa loob nito. Ito ang hagdan na nakita ko at dito nagpupuntahan lahat ng tao noong bago ako ma kidnap. Pagkababa namin, bumungad ang bakal na pader, salamin na sahig at maraming armas na nasa pader. Iba't ibang klaseng baril ang makikita dito. Malawak ang kwarto. Sa gilid ay makikita ang hagdan pababa. Ang sahig ay nakakatakot tingnan dahil nakakalula. Sa salaming sahig makikita ang mga armas naman tulad ng payong, pamaypay at kung ano ano pang gamit na armas din. May ibang pintuan din ang makikita. Dumeretso kami at nagtungo sa isang pinto.

Pagbukas ng pinto, bumungad ang isang mahabang mesa sa gitna at mga upuan na nakapaligid dito. So this is the headquarters here.

Pansin ko din ang apat na kakarating lang kanina na nakaupo sa kanilang upuan.

Naupo kami ni Kiel sa may bandang gitna. Sa unang upuan sa kanan magkatabing nakaupo ang dalawang lalaki. Sa kabilang side, sa kaliwa, naman magkatabing nakaupo ang lalaki at isang babae. Tumabi ako sa babae. Sa kaliwa ko naman ay nakaupo si Kiel. Sa upuan sa pinaka unahan ay bakante.

May mga ibang tao din ang nagsisiupo na sa kanya kanyang upuan at ang kilala ko lang sa mga ito ay si Miss Bhea, Ms. Hermosa at Ms. Delavin. Ang iba ay mga teachers din pero hindi ko alam ang pangalan.

Nanaig ang katahimikan ng ilang minuto ng biglang bumukas ang pinto. Bumungad si Dad na taas noong naglakad at umupo papunta sa upuan sa pinakaunahan.

"Kiel? Si Dad ba ang pinaka leader? Ba't siya naupo sa pinaka gitnang upuan sa unahan?" Bulong ko kay Kiel.

"Oo. Siya nga." Ngayon ko lang nalaman na Dad ko pala ang pinaka leader dito sa Dream High. How powerful he was.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon