Nilibot namin ang bahay at meron itong dalawang kwarto. Kaming dalawa ni Rylee sa isa at sa isa ay si Kiel at Blaster. Si Blaster Dela Vega ang ka-grupo namin na Wonder din. Nagpakilala siya saamin kanina. Simple lang ang istura ng bahay. Maayos at komportable ang itsura.
"Dito kayo mag-sstay ng ilang araw. Dito niyo magagamit lahat ng natutunan niyo," sabi ni Ms. Hermosa, ang teacher na kasama namin ngayon. Hindi ba parang ang bilis naman? Ilang araw pa lang naman nagtuturo saamin. Pero sa ilang araw na yun ay marami naman na akong natutunan. Mukhang masaya ngang gamitin ko na ang lahat ng natutunan ko.
"I'm going to check out what's going with you. Titingnan ko kung nagagawa niyo ba ng maayos ang mga itinuro sa inyo. Lahat ng kailangan niyo ay nandito na sa bahay. Goodbye." Naglakad na palayo si Ms. Hermosa. Ibig sabihin, kami ng mga ka grupo ko ang magkakasama ng ilang araw.
Hindi naman sa ayaw ko silang kasama. It's just that.. I'm looking forward about getting to know them more. Mas makikilala at makikita ko ang iba't ibang sides nila sa mga araw na magkakasama kami.
"Guys, may marunong bang magluto sa inyo?" Tanong ni Rylee. I raised my hand. Marunong ako magluto dahil sa pagtuturo saakin ni Lola. Dapat daw kasi ay matuto ako magluto dahil ganun dapat ang mga babae. I guess I can now use my cooking skills huh.
"Buti na lang! Tara na magluto na tayo! I'll help you!" Hinatak na ako ni Rylee papunta sa kusina.
"Hindi ko alam na magaling ka pala magluto," sambit ni Kiel.
"Oo nga! Ang sarap ng luto mo Yza. Buti na lang may marunong satin magluto kung wala...nako," sabi ni Blaster habang kumakain ng adobong manok na luto ko. It's our lunch. Buti na lang at kumpleto naman sa ingredients ang nasa kusina kaya kahit ano ay pwede kong lutuin.
After eating, the boys offered that they would wash the dishes. Kami ni Rylee ay umakyat na sa taas kung nasaan ang mga kwarto.
Pumasok kami sa aming kwarto na may dalawang kama. Binuksan ko ang cabinet at nakitang may mga damit na rin dito. Lahat ng kailangan namin ay nandito na sa kwarto. May CR din ang kwarto namin.
Humiga muna ako sa kama at umidlip.
Bigla akong napadilat ng mata sa napaginipan ko! Si Blaster!
"Rylee!" Ginising ko si Rylee na natutulog. We need to go!
"Hmm? Bakit?" Nakapikit pang sabi ni Rylee.
"We need to go! Wake up!" Agad siyang napadilat at bumangon.
"Ha? Bakit?" Sinabi ko sa kanya ang aking napaginipan. Gulat ang nakita ko sa kanyang muka. Admgad siyang tumayo at sabay kaming lumabas ng kwarto.
Agad kaming nagpunta sa kwarto ng mga lalaki pero wala akong naabutan doon. Nagmadali kaming bumaba at nakita ko si Kiel na nanonood ng tv.
"Kiel? Have you seen Blaster?" Naghahabol ang hiningang tanong ko. Nagtatakang napalingon siya saakin.
"Si Blaster? Lumabas siya kanina. Bibili daw ng snacks."
"Let's go." Binuksan ko ang pinto at lumabas. I can still remember the place where that'll happen. Pero hindi ko alam kung paano makakapunta doon! Hindi naman ako taga dito noon kaya hindi ko alam ang lugar na ito.
"Alam mo ba ang papunta doon?" Hinarap ko si Kiel. Tumango siya at nanguna sa paglalakad. Agad naming siyang sinundan.
Dumating na kami sa isang eskinita. This the same place that I saw in my dream a while ago.
Napaginipan ko kanina na sinasaktan ng mga lalaki si Blaster. Pinagtutulungan nila ang lalaking bawal basta-bastang gumamit bg kanyang kapangyarihan. And we're here to stop that from happening.
Agad kaming nagtago sa gilid ng may marinig kaming nagsasalita. Sumilip ako at may mga lalaking nakaharang kay Blaster.
Si Blaster ay kalmado pa rin ang itsura. Walang bahid ng takot sa mukha niya. Dahil alam niya na mas malakas siya kaysa sa mga kaharap niya ngayon na balak siyang saktan.
Blaster's a Wonder. He can't use his powers in front of this normal people. Hindi kasi pwedeng malaman ng mga tao na may kapangyarihan kami. Isa iyon sa mga paalala na sinabi saamin ni Ms. Hermosa.
Kaya maging kami ay hindi rin pwedeng gamitin ang kapangyarihan namin. Pero, may isa kaming pwedeng gawin. Sabay kami ni Rylee na napatingin kay Kiel.
Tumango si Kiel na nakuha ang ibig naming sabihin. He can read our minds, that's why he already knew.
Nagtitingin ako sa paligid kung may ibang tao. Mabuti naman at wala.
May lumabas na ice crystals mula sa kamay ni Rylee. She's a wonder. Agad siyang tumakbo papalapit at itinapat niya ang mga kamay niya sa mga lalaki habang tumatakbo paikot sa kanila. Si Blaster ay ganun din ang ginawa. They both froze the bodies of the men in front of them.
"Anong--?!" Nakapagsalita pa ang isa pero naging yelo na ang buong katawan nito kaya hindi na siya makagalaw. He's frozen. Lahat ng mga lalaki ngayon ay nagyeyelo na ang katawan.
Lumapit naman si Kiel sa mga lalaki. He closed his eyes. Ginagamit niya ang kapangyarihan niya ngayon. Ang kapangyarihan niya ay may kinalaman sa isip. Isa na don ay ang tanggalin ang isang bahagi ng memorya ng tao. Nagtagal ng ilang minuto at dumilat na siya.
"Thank you. Kung hindi agad kayo dumating, malamang napakitaan ko na ang mga gunggong na yun ng malupit kong powers!"
"Kung hindi dahil kay Yza, hindi agad namin malalaman na ganun na pala ang nangyayari sa'yo." Kiel said.
"Thank you Yza! Paano ba ako makakabawi sa'yo? Ah alam ko na, gagawin ko lahat ng iuutos mo."
"No need. We're a team so we should always help each other." I said.
"Pero gusto ko talagang bumawi eh. Hmmm...." Inilagay ni Blaster ang kamay niya sa baba niya na parang nag iisip.
"Ah! Alam ko na! Ikaw ang boss ko at gagawin ko lahat ng iuutos mo, boss." Nagtataka akong tumingin sa kanya. Boss?
"Wag---"
"Shh.. Hayaan mo na 'ko," he insisted.
"Alam mo Yza, napaka helpful talaga ng powers mo. Nalalaman mo ang nangyayari sa future," saad ni Rylee. She's right. I found my powers really helpful. Nakakatulong ako kahit papaano at nakakagaan ng loob yun.
"Oo nga! Ang galing galing ni Boss!" Sabi naman ni Blaster. Nandito kami ngayon sa sala. Kakatapos lang namin kumain ng hapunan.
"Helpful din naman powers niyo. At mas lalong lalakas ang powers natin pag nagtutulungan tayo." Gamit ang powers ko, malalaman ko ang mangyayari sa future. Si Rylee at Blaster, nagagamit ang kapangyarihan para makipaglaban. Ang kay Kiel naman ay nakakabasa ng isipan ng ibang tao at may kakayahang magbura ng piling alaala ng tao.
We all have powers that can be more useful when we use it as a team.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...