"Darn! Take care of her! I'll chase him!" Sigaw ni Kiel at tumakbo papunta sa direksyon na tinatakbuhan ni Red. Hanggang ngayon ay naninigas pa rin ako sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw. Hindi maalis ang tingin ko sa jacket ng taong tumatakbo. Napatingin ako sa hoodie na suot ko. Walang duda, kaparehas ito ng sa kanya. Ibig sabihin, hindi nga ako nagkakamali. Siya nga talaga si Red. Pero...bakit niya ginawa 'yun kay Rylee?
"Boss!" Bumalik ang diwa ko nang tawagin ni Blaster ang aking pangalan. Napalingon ako sa kanya na tinatapalan ang sugat na natamo ni Rylee dahil sa bala. Agad akong tumakbo papunta dito at dumalo kay Rylee na namimilipit sa sakit.
Pansin kong nawala si Harry sa aming tabi. Did he went away with Red?
Kumuha si Blaster ng panyo mula sa kanyang backpack at itinali ito sa sugat ni Rylee upang tumigil ang pagdudugo. Mabibigat ang paghinga niya at dumadaing dahil sa kanyang sugat. Napatulala lang ako at napatingin sa kung saan. Hindi matanggap ng isip at katawan ko ang ginawa ni Red. Hindi ko akalain na magagawa niya iyon.
Hindi ko akalain na maging siya ay magagawa kaming traydurin. Hindi ko inasahan 'yon...kung sabagay, sino ba namang umaasang tatraydurin ka ng taong malapit sa'yo hindi ba?
Kumikirot ang puso ko at bumigat ang aking paghinga. Naramdaman ko ang mainit na likido mula sa aking mga matang nagbabadyang tumulo.
Bakit? Bakit mo nagawa saamin ito, Red?
"Yza!" Nabalik ako sa wisyo nang tawagin muli ni Blaster ang pangalan ko. Pinagtulungan naming ilagay sa komportableng lugar si Rylee. Pinaupo namin siya saaming foldable chair. Pinakuha saakin ni Blaster ang first aid kit sa bag. Inabot ko ito sa kanya at sinimulan na niyang gamutin at bendahan si Rylee. Ako ang taga-abot ng bagay na kailangan niya sa paggagamot.
Maya-maya pa ay natapos si Blaster sa paglilinis at paggagamot sa sugat ni Rylee at tinapalan na ito ng benda. Pinagpahinga muna namin si Rylee sa tent upang manumbalik ang kanyang lakas.
Nanatili kami ni Blaster sa labas para magmatyag at magbantay sa paligid. Nakakabinging katahimikan ang nanaig at ilang minutong walang nagsasalita saaming dalawa. Nakatulala lang ako sa lupa at hindi mapakali ang isip. Siguro, hindi ko talaga lubos akalain na magagawa yun ni Red saamin.
Hindi ko akalain na magagawa iyon ng taong pinagkatiwalaan ko nang lubos. Naniwala akong hindi siya masamang tao. Nagtiwala ako sa kanya kahit na sinasabi na ng lahat saakin na huwag na akong makikipagkita at makikipag-usap sa kanya. Nagtiwala at naniwala ako sa kanya kahit masamang tao ang tingin ng lahat ng tao sa kanya.
Isang pakiramdam na harap-harapan kang binaril at hinayaang mamatay ng taong kasama at pinagkatiwalaan mo nang lubos.
"Boss, ayos ka lang? Alam ko, masakit ang traydurin. Pero...siguro nga, sarili mo lang talaga dapat ang pagkatiwalaan mo nang sobra-sobra. Kasi pag nag-expect tayo sa ibang tao ng sobrang taas, magiging malaki rin ang pagka-dissapoint mo sa taong 'yon kapag hindi niya naabutan ang expectations mo," malumanay na sabi ni Blaster. Napatingin ako sa kumikislap niyang mga mata. Napabuga ako sa hangin.
Naintindihan ko ang punto ng kanyang sinabi. Katulad na lang ng pagtitiwala mo sa ibang tao. Kapag nagtiwala ka sa iba at alam mong hindi siya gagawa ng masama sa'yo, malaki ang magiging pagkadismaya mo rito kapag nagawa ka niya ng masama. At iyon ang pagtatraydor.
"Siguro nga naniwala akong hinding-hindi siya gagawa ng masama. Na hindi niya tayo sasaktan. Pero anong ginawa niya? Sinira niya ang tiwala ko. Siguro dapat nga ay nakinig ako sa inyo noon pa lang. Hindi ko na dapat pinagpatuloy ang pakikipagkita at pakikipag-usap sa kanya. I shouldn't trust him. Dapat ay naniwala ako sa inyo," nababasag ang boses kong sabi. May ilang patak ng luha ang tumulo mula sa aking mata na agad kong pinunasan. Hindi ko dapat iyakan ang traydor na lalaking iyon. He's a traitor. He doesn't deserve my tears. Baka nga pati ang pagpapakita niya ng espesyal na nararamdaman niya saakin ay parte din ng panloloko niya. Siguro ay ginawa niya lang iyon para makuha ang tiwala at malinlang ako.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasíaShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...