Chapter 18 : Unexpected Visitor

142 5 0
                                    

"Meow." Agad kaming napalingon sa direksyong pinanggalingan ng tunog. Nakita kong may pusang nasa pinto. Bakit may pusa dito?

Sinubukan naming lumapit dito. Ang kulay ng pusa ay puting puti. The cat had a snowy fur. At dahil mahilig ako sa pusa ay nilapitan ko ito. Sinubukan pa akong pigilan ni Blaster. Pero nagpatuloy pa din ako at hinawakan ang malambot na balahibo ng pusa. Ang cute! Nasan kaya ang amo niya? Pusa lang pala. Akala namin nandito na ang mga masasamang taong yun eh.

Wala naman akong nakitang pusa sa panaginip ko. Weird.

Pinagpatuloy namin ang paglalaro ng uno. Binuha ko ang pusa at kinandong sakin habang naglalaro kami. I really like this cat. It's fur was so relaxing to touch. Mukhang may swerteng dala din ito sakin dahil paubos na ang hawak kong cards.

"Uno!" Sambit ko ng isa na lang ang card na hawak ko. At nung turn ko na uli ay nababa ko na ang card dahil parehas ito ng kulay sa huling card na nababa. Tatlo na lang silang naglalaro dahil kami ni Rylee ay hindi na kasali. Si Rylee ang unang nakaubos ng cards.

"Wait lang. Iinom lang ako ng tubig." Rylee got up and walked to the kitchen. Nanonood lang ako sa natitirang tatlo na naglalaro.

"Ito naman ang ibaba mo," Tinutulungan ko na si Blaster. Ang dami niya pa kasing cards na hawak.

Naglilikot bigla ang pusa na nasa hita ko. Nagpupumilit ang pusang kumawala sa hawak ko. Niluwagan ko ang hawak ko dito at bigla siyang naglakad palabas. Anong nangyari dun?

"Boss, anong sunod na ibababa ko?" I helped Blaster with his cards. Kaya hindi ko na nahabol ang pusang umalis. Nagkibit-balikat ako. Siguro bumalik na sa amo niya.

The game ended and Red lost the game. Tuwang-tuwa siya at nagtatatalon nang manalo. Napagdesisyunan namin magumpisa muli ng isang laro.

Nagbibigay na ng cards si Kiel ng bigla siyang napatigil.

"Kasali pa ba si Rylee?" Kiel asked. Napaisip ako.

"Oo nga. Tsaka, ba't ang tagal niya? Sabi niya iinom lang siya ng tubig?" Dugtong ni Blaster.

"Pupuntahan ko na," Tumayo ako at nagtungo sa kusina. Ngunit ni anino niya ay wala akong nakita. Kumunot ang noo ko. 'Asan si Rylee? Baka kaya nasa kwarto?

Umakyat ako at pumasok sa kwarto. Pero wala akong Rylee na nakita. Where did she went? Bumaba ako at silang lahat ay nakatingin sakin.

"Where is she?" Kiel asked.

"Wala siya sa kusina. She's not in our room too. Hindi ko alam kung sa'n siya nagpunta," tugon ko. Napatayo silang lahat. Hinanap namin si Rylee sa buong bahay. Pero hindi namin siya makita. Nasan na siya? Nag-umpisang umakyat ang kaba sa dibdib ko. Marami akong naiisip na maaaring dahilan kung bakit bigla na lang siyang naglaho.

"Nandito siya," We heard an unfamiliar voice. Lahat kami ay agad na napatingin sa pinaggalingan ng boses.

"Bitawan mo siya!" I shouted. Hawak ng isang lalaki si Rylee at ginawang hostage. Hawak nito ang dalawang kamay ni Rylee, kaya hindi ito makalaban.

"Bibitawan mo siya o gusto mong maging abo?" May apoy na sa kamay ni Blaster. The intruders got here, nang hindi man lang namin namamalayan!

Agad kumilos si Kiel at pinagalaw ang lamesang malapit sa lalaki gamit ang kanyang isip. Tumama sa lalaki ang lamesa kaya bumagsak ito. Agad tumakbo papunta saamin si Rylee ng makawala sa lalaki.

Nang biglang may lalaking sumulpot sa pinto! Buti na lang ay naging yelo agad ang buong katawan niya dahil kay Rylee.

Rylee froze the guy that hostaged her a while ago too. Agad kaming nagyakap ni Rylee. We did it. We saved her.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon