Kent Ezekiel Padilla.
Isang lalaki na akala kong magliligtas saakin ay siya pa lang magdadala saakin sa kapahamakan. Gusto kong iumpog ang sarili ko sa pader para sa katangahang nagawa ko. Siya pala ang traydor saamin pero si Red ang taong sinisi at pinag-isipan ko nang masama. Sa kanya ako nagalit. Sa kanya ko ibinuhos lahat ng hinanakit ko. He doesn't deserve what I did to him. He didn't deserve the trust I took away from him.
Ang sama ko. Ang sama-sama ko. Ang taong akala kong niloko at ginamit lang ako ay narito ngayon sa aking tabi at tinutulungan ako. Ang taong walang ibang ginawa kun'di pasayahin at tulungan ako ay pinag-isipan ko lang nang masama.
I'm a fool.
"Yza? Are you okay?" Bulong ni Red habang nakahawak sa aking balikat. Nakatitig saakin ang kanyang nag-aalalang mga mata. I doesn't deserve this guy. I doesn't deserve his kindness and care for me. I am too bad for him.
"Sorry....." Sunod-sunod ang pagdaloy ng mainit na likido sa aking pisngi. Hindi ko kayang titigan ang lalaking binalewala ko lang. Tumayo ako at tumakbo palayo. Humakbang lang ako nang humakbang kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
"Yza!!" I heard him calling my name but I didn't bother to stop. Hanggang sa napagod ang aking binti at talampakan. Huminto ako sa isang tabi. Naupo ako habang hinahabol ang hininga. Nang aking napansin ang isang pinto ilang metro mula saakin. May nakaharang na iilang halamang gumagapang dito. Ano kaya ang nasa loob ng pintong ito? I tried walking near the door out of curiousity. Unti-unti ko itong binuksan at dilim ang sumalubong saakin sa loob. Wala akong makita na kahit ano dahil sa dilim.
Nang may maalala akong magagamit para makakita rito. Ang aking dark-adaptor goggles. Isa ito sa aking mga secret weapon. Agad ko itong kinuha mula sa bulsa at isinuot. Pagpasok ay makikita ang isang mahabang couch at maliit na tv sa tabi. Mayroon ding maliit na hapag-kainan sa kaliwa. Isa lang itong simpleng bahay. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa mapansin ko ang isang aparador sa sala. Hindi ko alam kung bakit pero iba ang kutob ko nang makita ito.
Sinubukan kong lumapit at dahan-dahan itong binuksan. Nalaglag ang panga ko nang makita ang isang lugar na hindi ako magsasawang balikan. Ang Gleam Paradise.
Hindi ako nagkakamali. Sigurado akong ito ang nasa harap ko ngayon.
"Whoa. So the young lady we're finding is just hiding here huh." May narinig akong boses sa aking likuran. Tumindig ang balahibo ko sa nakakatakot nitong boses. His voice seems so familiar. Nanginginig man sa takot ay unti-unti akong humarap sa kanya.
"K-Kiel." Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Umakyat ang galit sa dugo ko nang makita ang walang ekspresyon niyang mukha. The true face of a guy who's a traitor.
"Bakit mo 'to nagawa? Pinagkatiwalaan kita. Pero niloko mo lang kami. Kami nina Rylee at Blaster. We thought you're a real friend. Little did we know that you're just wearing a mask."
"Because you are fools. Ang dali niyong maloko," he responded with an annoying smirk. Kumuyom ang kamao at kinagat ko ang aking labi sa galit. Wala siyang pinagkaiba kay Heavenly. Mga traydor.
"At kung bakit ko 'to ginawa? Simple. Because I want to seek revenge for my dear little sister you killed." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. I can see a hint of sadness and anger in his eyes.
Dear little sister whom I killed?
"You don't have any idea? Well let me give you a clue. She's my kind little sister who was pushed from a rooftop."
Namilog ang mga mata ko. Bumalik ang mga alaala sa aking isip noong mga panahon na nasa outside world pa ako at namumuhay nang normal.
Si Lorena.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...
