Chapter 12 : Keep It A Secret

182 7 0
                                    

Nandito na kami ni Rylee sa kwarto namin. Tapos na kong mag shower at naka pantulog na 'ko.

"Yza, anong balita? Nalaman mo na ba kung sino ang papatay sa'yo at ang dahilan kung ba't ka niya balak patayin?" I shook my head.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya sa kung sino at ano ang dahilan kung bakit niya ako papatayin. Hindi ko na uli iyon napapaginipan.

Mas lalo akong nag-aaalala at napapaisip kung sino nga ba ang taong iyon. Kilala ko kaya siya? Kailan niya ako papatayin? At bakit niya ako gustong patayin? May nagawa ba akong masama sa kanya.

Matagal akong nag-isip sa mga taong nagawan ko nang mali. Ngunit wala ni isa ang aking naiisip. Hindi ako pala-away kaya wala akong maisip na may galit saakin. Pwera na lang kung nagpapakitang-tao iyon kaya hindi ko alam na nay galit siya sa'kin.

Nang araw na pinatulog ni Rylee si Kiel gamit ang powers niya, dinala namin si Kiel sa pagamutan ng school at sinabing bigla na lang siyang bumagsak. Malamang ang alam din ni Kiel ay bigla na lang siyang bumagsak nung araw na yun.

Nang magkita kami sa school kahapon ay tinanong ko pa siya kung maayos na ba ang pakiramdam niya dahil bigla na lang siya bumagsak nung nasa kwarto ko siya. He said he's fine. Sinabi niyang hindi niya rin alam ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang bumagsak. Mabuti na lang. Hindi rin kasi alam ni Rylee kung paano siya hihingi ng tawad sa kanya. Nahihiya siya sa kanyang ginawa at hindi kayang panindigan ang kanyang sinabi na mag-ssorry siya kay Kiel.

Kinabukasan ay maaga kaming nagising. Nag-aya kami ni Rylee na mag jogging. Pumayag naman sila kaya eto kami ngayon, nag jojogging sa kalsada.


"Di ba galing ka dito sa outside world? Why not visit your place again?" Rylee asked. Napaisip ako sa kanyang sinabi.


Miss ko na bahay namin. Miss ko na si Lola, Lolo, Mommy at Tita. Ilang araw na din ang nakalipas simula nung huli ko silang nakita. Pwede kaya akong dumalaw dun? Papayagan kaya ako ni Ms. Hermosa?

Pagbalik namin sa tinutuluyan naming bahay ay kumain kami ng breakfast. Pagkatapos ay naligo na ako.

"Nagamit na po namin ang powers namin. Si Blaster kasi muntik ng bugbugin ng mga lalaki dun sa eskinita Ma'am." Narinig ko ang boses ni Rylee habang pababa ako ng hagdan.

"Oh Ms. Miller, come here," pag-aaya ni Ms. Hermosa. Bumaba ako at nakita siyang may ngiti sa labi.

"You guys did a great job! You used your powers correctly! Good job!'" Pumalakpak si Miss kaya pumalakpak din kami. Our first day being a team isn't that bad. We did a great job being a team.

"At para kay Ms. Miller na agad nagamit ang lahat ng naituro ko sa kanya kahit ilang araw pa lang siya sa Dream High, great job!" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Boss ko yan! Whoo!" Sabi ni Blaster na pumapalakpak pa. Si Kiel at Rylee ay masaya ring pumapalakpak.

"I went here to check on you. Nakita ko namang maayos kayo. I'm so happy. Babalik na lang uli ako dito. Goodbye and goodluck. Keep up the good work." Naglakad na palabas si Miss. Hinabol ko siya. I need to ask her something.

"Ms. Hermosa, p'wede po bang dumalaw ako saamin?" I asked. Umaasang papayag siya. Unti-unti siyang umiling nang may pagpapasensya sa kanyang mga mata.

"I'm sorry, but you can't do that. Alam kong namimiss mo na ang pamilya mo pero labag sa rules yun. Nandito kayo para mag sa powers niyo, hindi para magpunta kung saan saan. Sorry," sagot niya at hinawakan ako sa ulo. Napatungo ako. Nagpaalam na siya at tuluyan nang umalis.

"Yza! Ano? Pumayag ba si Miss?" Tanong ni Rylee na kadarating lamang. I shook my head. I really missed my family. I want to see them again. Pero bawal.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon