Chapter 9 : It's Him Again

289 11 1
                                    

Naglalakad na kami ngayon ni Rylee papunta sa classroom namin. Sasamahan daw niya ko papunta sa classroom ko kaya sabay na kami pumasok.


Buti dito, hindi na sobrang layo ang lalakarin. Dahil nasa school naman na kami nakatira. Sa kabilang building lang naman ang building ng mga classrooms kaya konting lakad lang.

Marami na ding estudyante or I should say dreamers na naglalakad din papunta sa kani-kanilang classrooms.

Nasa second floor ang classroom ko kaya sumakay kami ng elevator.

Naglalakad na kami sa hallway nang magpaalam na si Rylee na hanggang dito na lang daw siya.

Tinuro niya naman ang room na papasukan ko. Pansin ko lahat ng pinto dito sa floor na 'to ay puro red. Sabagay, dahil para 'to sa mga Glamours.

Pagbukas ko ng pinto ng classroom ay tumambad saakin ang mga dreamers na nakatayo at napatingin sakin. Ano ba yan nakakahiya naman. Pinag tinginan tuloy ako ng lahat dito!

"Ms. Miller?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita na sa tingin ko ay ang teacher dito.

Tumango ako sa kanya.

"Come in," she motioned her hand. Pumasok ako ng classroom at sinarado na ang pinto. Lumapit ako sa kanya.

"It's your first day today right?" Tanong niya.

"Opo." Tugon ko.

"Tumabi ka na sa kanila." Sumunod ako sa sinabi niya at tumabi na ko sa mga estudyanteng nakatayo din.

Sa tingin ko ay mga ka edad ko rin ang mga 'to. Bale, lima kami ngayong magkakatabi. Sila siguro ang mga magiging kaklase ko.

"You're here to learn how to defend yourself. May kapangyarihan ka. Alam mo naman na siguro yun 'di ba? Pero dapat ay matuto ka ding protektahan ang iyong sarili. Hindi natin masasabi kung kailan dadating ang kapahamakan at ang masasamang loob kaya dapat ay matuto kang lumaban." Patukoy niya sakin. Panigurado ay alam na ito ng mga kaklase ko ngayon. Ipinapaliwanag niya ito sakin dahil bago lang ako dito.

"Here are the things that you can use as weapons." May tinuro siya sa table.

"Ito ang bagong mga weapons. Kahit ang mga kasama mo, Ms. Miller ay ngayon lang nakita ang mga gamit na ito dahil bago ito." Ang mga nasa table ay pamaypay, payong at bracelet. Kinuha niya ang pamaypay. Ang pamaypay na ito ay yung pabilog na pwedeng itupi.

"You can use this as a knife. Kapag ito'y pinalipad nyo na parang flying saucer ay automatic na magkakaroon ng matalim. Paniguradong ang matatamaan nito ay mapuputol." Pinalipad niya nga ito na parang ipinapahabol sa aso at may nakita kaming bakal na matalim na parang sa kutsilyo ang biglang lumitaw at tumama ito sa papel na nasa dulo ng kwarto at ito napunit. Ang galing!

Pinakita niya din ang paggamit niya ng bracelet. Isinuot niya ito sa wrist niya at may button na bilog ang nandun na pinindot niya. Biglang may nakita kaming building na ang Dream High pala! Para siyang nasa screen na hindi nahahawakan at hindi solid! Hindi ko alam kung screen ba ang tawag dun pero parang ganun!

"This is like a CCTV camera. Makikita niyo ang mga nangyayari sa paligid gamit ito. Pwede mo ding tingnan ang sa ibang lugar ng Dream High. Tulad nito." Pinindot niya uli ang button at nakita kong lumitaw ang screen at nandun din kami. Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto para hanapin ang parang CCTV camera. Ayun! Nakita ko ito. Kaya pala.

"Lahat ng lugar ng buong Dream High ay merong camera. Ang gagawin niyo lang para malipat ang lugar na nasa screen ay isipin ang lugar na gusto mong makita at pindutin ang button at lalabas ang lugar na gusto mong makita."

Sunod naman ay ang payong. Nang binuksan niya ito, biglang lumipad pataas ang payong! Ang cool!

"Marami pang ibang gamit na ginawa naming weapons Ms. Miller. Kapag nagkaroon ng gulo, pumunta lang kayo sa Weapon's Room dahil nandon lahat ng magagamit niyo kasama ang mga pinakita ko sa inyo ngayon para ma protektahan ang mga sarili niyo." It's so cool to think that they made ordinary things to have a weapon to protect ourselves.

Marami pang ipinaliwanag saamin ang teacher. Pinasubukan niya din saamin ang paggamit ng weapons na pinakita niya samin. Nag training din kami. Ang pinapagawa na niya saamin ngayon ay ang pag iwas sa mga suntok na pinapakawalan niya ngayon. Isa isa kami at nang maiwasan ko ang ilang mga suntok niya ay natuwa ako. Ang galing ko daw dahil first time ko pa lang nag-training ay nagagawa ko na ito. Hindi ko maiwasang mamangha sa aking sarili.

Kailangan pala talagang mabilis at alerto ka lalo na pag may kalaban ka. Para maiwasan mo ang mga atake niya at magamit mo ang weapons mo sa kanya. Dapat din daw ay hindi ka magpakita ng takot o kaba dahil sa kalaban mo. Dahil pag pinakita mo yun, maaaring matalo ka o mamatay. Kapag takot at kinakabahan kasi ay hindi ka makakapag isip ng maayos at hindi ka magiging mabilis.

Nang matapos ang klase ay lumabas na kami ng room. Habang naglalakad ay napansin ko ang isang babaeng masamang nakatingin saakin.


"Yung isa dyan kabago-bago, nagpapakitang gilas agad. Tsk! Masyadong mayabang. Akala mo naman kagaling." Sabi nung kaklase kong masama ang tingin. Unang araw pa lang ng klase may galit agad? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah. Ba't ganyan siya?

Naglakad na sila palayo. Kasama niya ang dalawa naming kaklase. Ang isa naman ay naiwan at tumunghay saakin.

"Pagpasensyahan mo na yun. Ganun talaga yung si Issey." So Issey pala ang pangalan nung babae.

"Okay lang. Teka, bakit ikaw ang humihingi ng sorry?" Nakakapagtaka dahil siya pa ang nag so-sorry sa ginawa ng iba.

"Matagal ko na kasi siyang kaklase. Ganyan din siya saakin noon pero ngayon ay kahit papano nag-uusap na kami ng maayos. Ako na ang nagso-sorry sayo dahil panigurado hindi naman niya gagawin yun. Nakakahiya naman sayo. Bago ka pa lang dito tapos ganun agad ang dinatnan mo dito," Ang bait naman pala niya. Tulad ko ay red din ang buhok niya dahil syempre, dahil isa din siyang Glamour.

"Sige, bye na. Bukas na lang uli." Magsasalita pa sana ako kaso tumalikod na siya. Naglakad na siya palayo. Anong problema nun? Ba't biglang umalis?

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Wala akong nakitang ibang tao. Ang tahimik naman dito. Nasa'n na kaya si Rylee? Tapos na rin kaya ang klase niya?

Naglakad ako at bumalik muna sa kwarto ko. I opened my laptop. Manonood muna siguro ako ng anime.

Episode 826 na 'ko sa One Piece. Pinindot ko 'to at pinanood. Eto talaga ang favorite anime ko. Ang cool kasi tsaka ang galing ng bida, si Luffy. Lahat ng kalaban natatalo niya.

Nang may marinig akong mga katok sa pinto.

Napangiwi ako nang maistorbo sa panonood. Sino kaya yun? Tumayo ako at pumunta sa may pinto. Binuksan ko 'to. Nagtaka ako nang makitang walang tao. Wala namang tao ah. Sino yung kumatok?

Sinarado ko muli ito at bumalik sa panonood ng One Piece.

"Panget! Did you miss me?" Napatalon ako sa gulat nang marinig iyon. Pamilyar ang boses na yun ah! Sa'n galing yun? Dito sa loob ng kwarto?!

"S-sino ka? Nasa'n ka magpakita ka!" Naninigurado kong tanong. Kahit kailan bwisit talaga siya! Nananakot pa!

"Hulaan mo."

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon