"D-Don't do it. Please don't," pagmamakaawa ko. Ngunit ang lalaking nasa harap ko ay itinaas ang kanyang kamay at itinutok saakin ang kanyang baril. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang itutok niya ito saakin. Wala akong magawa. Wala akong magawa para pigilan siya sa kanyang gagawin. Pilit akong nagmakaawa ngunit wala itong epekto sa kanya.
"Goodbye." Dinig kong sabi niya. Hanggang sa iputok niya ang baril at tumama saakin. Unti-unti akong bumagsak at nanghina. Kahit nahihirapan ay sinikap kong tumingin sa kanya. I can't recognize his voice. Hindi ito malinaw sa aking pandinig at maging ang mukha ng aking nasa harap ay hindi ko makita. He's faceless..
Naramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata. Dahan-dahan akong napapikit.
"Yza, tara na." Dinig kong boses ni Rylee. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita siya.
So it's a dream again...
Isang panaginip na magkakatotoo at mangyayari sa reyalidad. Isang nakakatakot na panaginip na hindi ko gugustuhing mangyari. Ang harapin ang kamatayan ko.
"Are you okay?" Tanong ni Rylee na nagpabalik saakin sa reyalidad.
"Napaginipan ko uli..."
"Ang alin? Is it the dream that you had when....oh my god. Don't tell me---"
"Oo. Ayun na nga. Rylee..anong gagawin ko?" Naiiyak kong tanong. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Matagal ko na itong napaginipan. Na may taong gustong pumatay saakin. At ngayong napaginipan ko muli ito ngayon....ibig sabihin ay anumang oras maaari itong mangyari. Anumang oras ay mamamatay ako.
"Shhh... Calm down. We will not let that happen to you. Nandito kami, Yza. Kasama mo kami. Ako, si Kiel, si Blaster... Hindi ka namin hahayaang mapahamak at mamatay ng ganun-ganun lang. We will protect you no matter what happens," sambit niya habang hinihimas ang aking likod. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. I am lucky to have friends like them. I am lucky to have these kind of people around me.
"Goodbye, Sun," pagpapaalam ko kay Sun bago lumabas ng kwarto. Paniguradong mami-miss ko ang kadaldalan ng sunflower na ito. Ni-tap ko ang kanyang ulo at nagsimula ng humakbang papunta sa pinto.
Gagawin na namin ang misyon ngayon. Ako, kasama ang grupo. Ako, si Kiel, si Rylee at si Blaster. Kami ang naatasang gumawa ng misyon. Kami ang inatasang kuhanin pabalik ang Dream mula sa mga Phiyr na nagnakaw nito. At kailangan naming magmadali. Hindi dapat namin hayaang mapunta sa kung sino lamang ang napakalakas na kapangyarihan mula sa Goddess. And that is our mission. We need to do the chase.
"Iiwan mo talaga akong mag-isa dito? Wala kang balak isama ako, Yza?" Napahinto ako sa paglalakad nang sabihin niya iyon. Napalingon ako sa kanya.
"H-Huh?"
Wala akong nagawa kun'di ang dalhin si Sun at ilagay sa aking backpack. I feel sorry leaving him alone so I brought him with me. Wala namang masama kung dadalhin ko siya.
"Goodluck. Alam kong kaya niyo 'yan. Pindutin niyo lang ang button na ito kapag kailangan niyo ng tulong," utas ni Miss Bhea habang inilalagay sa bawat isa saamin ang isang wristwatch. May mga dala din kaming secret weapons kung sakaling hindi maging maganda ang kalalabasan ng pagkuha namin sa Dream ng palihim. Magagamit namin ito sa labanan.
Plano naming hanapin muna ang Phiyr na kumuha ng Dream. Mula do'n ay gagawa kami ng plano at kukuhanin namin ang Dream nang walang nakakakita saamin hangga't maaari. Sinabihan kaming huwag makipaglaban hangga't kaya namin dahil makakasagabal ito sa aming plano at napakadelikado no'n. Alam naman naming lahat kung gaano kadumi maglaro at makipaglaban ang mga Phiyr. They have deadly poisons all over their weapons that can kill us. Kaya kinakailangan naming maging maingat sa aming mga galaw.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasiShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...