Chapter 10 : Going To The Outside World

233 6 0
                                    

"FYI, Hindi ako manghuhula para manghula kung nasa'n ka 'no! Kung ayaw mo magpakita, e'di 'wag!" Inis kong sambit.

Pinindot ko uli ang play button at nagpatuloy sa panonood. Kainis siya! Ba't ba siya nandito? Ba't ba nandito sa kwarto ko ang mahangin na 'yon? Anong ginagawa niya dito? Kumunot ang noo ko.

"Ayaw mong makita uli ang gwapo kong mukha? Sayang naman. Pero sabagay, baka kasi ma-speechless ka uli." Pagmamalaki niya. Napairap ako. Speechless daw? Speechless niya mukha niya! When did I get speechless because of seeing his face?! Never!

"Ano ba 'yang pinapanood mo?" Feeling ko ay lumapit sakin ang naririnig kong boses. Ngunit, nasa'n siya? Ba't wala siya dito? Invisible ba siya?

"Sige ka, pag di ka sumagot ihuhulog ko 'to." Namilog ang mga mata ko sa narinig. What the?!

Nang may marinig akong kaluskos at may narinig akong pagbukas ng pinto. Napalingon ako sa direksyon sa pintuan ng veranda at nagulat sa nakita ko. Nakita kong bumukas ang pinto sa veranda. Tapos yung cellphone ko ay lumulutang! Pa'no nangyari yun?!

Mag powers ba siya na kayang palutangin ang mga bagay bagay?! 

"Hoy! Anong ginagawa mo?! Akin na yan!" Sigaw ko. Umakyat ang kaba sa aking dibdib.

"Hanapin mo muna kung nasa'n ako~" Sambit niya sa nang-aasar na tono. Napairap ako. Mukha siyang ewan.

Nang gumalaw ang cellphone at nakita ko itong nakalutang na sa labas ng rail ng veranda! Mahuhulog na!

"Hindi nga kita makita! Nasan ka ba?" Tumingin ako sa ilalim ng kama, sa CR, at sa loob ng cabinet pero wala naman siya. Nasan ba siya? Wala namang ibang pagtataguan dito.

"Pa'no ba yan? Mukhang hindi mo ko mahahanap. Bye bye na lang sa cellphone mo hahaha!" Lumakas ang pintig ng puso ko at umakyat ang kaba sa aking dibdib sa kanyang sinabi.

Sa isang iglap ay biglang lumitaw si Red na hawak ang cellphone ko. There he is!

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya at nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang nakikita ko siya.

"Teka! Akala ko 15 minutes ang tagal nito?! Bakit ang bilis naman mawalan ng epekto?!" Mukha pa siyang ewan na kinapa-kapa ang katawan niya.

Agad akong tumakbo papunta sa kanya. Nang aabutin ko na sama ang cellphone ay agad niya itong itinaas sa ere. Mahaba ang kanyang braso kaya medyo mahihirapan ako sa pagkuha nito. Sinubukan kong tumingkayad kaya napadikit ang katawan ko sa kanya.

Tumalon ako at hinabaan ang braso ko. Sa wakas, nakuha ko din ang aking cellphone. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang maayos at walang basag ang screen nito. Buti na lang naabot ko ito at nakuha! Phew! Buti na lang nakuha ko na to! Muntik na!

Tumingin ako ng masama kay Red na mahangin. Nagtataka ko siyang pinagmasdan. Anong nangyari sa kanya? Nakanganga ng konti ang bibig niya at nakatulala sakin. Hala? Nabaliw na siguro siya ng tuluyan. Natawa ako sa sariling naisip.

"Bakit ka ba nandito? Para lang maging invisible at ihulog ang phone ko?" Inis kong tanong. Naghintay ako ng ilang segundo pero wala akong natanggap ng sagot mula sa kanya. Balak na naman nya ba akong kidnappin? Naalala ko ang sinabi saakin ni Kiel na wag akong basta basta magtitiwala. Ngunit naalala ko ang nangyari noon. Napana pala siya dati sa kanyang binti.

Tumingin ako sa binti niya at wala na itong bahid ng sugat. Mukha namang ayos na.

"Maayos na binti mo? 'Di ba may pumana dyan?" I asked.

"Uy~ Nag aalala siya yie," Pang-aasar niya. Pinalo ko ang braso niya.

"Sa binti mo ako nag aaalala. Hindi sayo, " sagot ko.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon