Epilogue

244 7 0
                                    

Malabo na ang mga mata ko dahil sa mga luhang nag-uunahang pumatak mula sa aking mga mata.

Ang lalaking nakahandusay sa aking harap ay walang malay. Pilit ko itong ginigising ngunit wala akong natanggap na sagot. Habang tumatagal ay mas lalo akong nawawala sa sarili dahil sa pag-aalala kay Red.

"Yza!" Mabilis na tumakbo sina Rylee at Blaster nang makita ako. Agad silang dumalo saakin.

Alam kong may galit sila kay Red. Pero sana ay matulungan nila ako kay Red. I don't want to lose him.

"Rylee... Blaster... Please help Red. Please...I don't know what will happen to me if I lose---"

"Sssh. That would not happen Yza. Kapit lang, alam kong magiging maayos din siya," wika ni Rylee habang tinatapik ang aking likod. Sinimulan na ni Blaster ang pagbuhat kay Red. May mga Dreamers ring tumulong sa kanya.

Sa isang banda naman ay nakita ko ang mga leaders na papalapit saamin. Tinitigan nila ako isa-isa nang may nangungusap na mata. Isang titig sa nanghihingi ng paumanhin dahil ngayon lang sila dumating. Tumango lamang ako rito.

Maging si Dad ay nag-aalalang tumitig saakin.

Nang makita nila si Kiel at Tita Rhea na wala pa ring malay sa isang tabi, agad nila itong nilapitan. Kita ko ang pagsiklab ng apoy sa kanilang mga mata. Nasa harapan na nila ngayon ang mga taong nagpahamak sa Dreamers at sa Dream High. The traitors.

"How's Red?" Tanong ko nang hindi naiiwasang mabasag ang boses. Nasa labas kami ng kwarto kung nasaan si Red. Kaharap ko ngayon ang doktor dito sa Dream High na nagpapagaling sa kanya. Isa itong Secret. Ngunit mayroon siyang espesyal na kapangyarihan. At ang abilidad niya ay gawing maayos ang katawan ng kanyang pasyente.

"I-I'm sorry. His heart is not beating anymore," sagot ng doktor saakin.

Naramdaman ko ang pagpisil ng kamay si Blaster sa aking tabi.

"Doc, kaya niyo pa naman po 'yun gawan ng paraan hindi ba?" Nagbabakasakaling tanong naman ni Rylee.

Napatingin ako sa doktor. Nasa kakaibang mundo kami. Sa mundo kung saan may kapangyarihan at mahika. Alam kong kaya niyang pagalingin si Res.

"I'm sorry. But his situation is in a different case. His body was drained so bad. Lahat ng enerhiya sa kanyang katawan ay nagamit niya. Kaya maging ang puso niya ay tumigil na sa pagtibok. Sorry. Excuse me." Sumubsob ako sa dibdib ni Blaster nang marinig ang sagot ng doktor.

"Yza... Let's go." Inalalayan ako nina Blaster at Rylee papasok sa k'warto.

Sumunod na pumasok ang mga leaders. Kasama na rin sina Ate Yvonne at Ate Yanna bitbit si Sun. Nakita ko rin si Harry na namumugto ang mga matang nakatingin sa direksyon namin.

Nasilayan namin ang lalaking nakahiga sa kama at walang kamalay-malay sa mundo. Nakapikit lang ito at mapayapa ang mukha.

Kumalas ako sa hawak saakin ni Blaster at lumapit rito.

I could even hear his voice telling me that I am lucky to be in front of a handsome guy like him.

"Red.." Pinadausdos ko ang aking palad sa kanyang maamong mukha. I whispered his name for a few times but I didn't even got a respond from him.

Kasalanan ko 'to! Nang dahil saakin kaya wala na ang Red na napakahangin. Ang Red na ubod ng g'wapo ang tingin sa sarili. Ang Red na palaging pumupuslit sa Gleam Paradise para inisin ako. Ang Red na Diyos ng Hangin.

"Red... Please wake up. Kahit ilang beses pa 'kong mainis sa kahanginan at kayabangan mo, wala akong pakialam. Basta nandito ka lang sa tabi ko. Basta marinig ko lang ang boses mo..." Gumagaralgal ang aking boses habang nakabaon ang ulo sa kanyang dibdib. Halos mabasa na ang kanyang damit dahil sa aking mga luha.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon