Napatingin ako sa dinadaanan namin ngayon. Mukhang hindi ko pa 'to nadadaanan noon ah. Hindi kasi familiar.
"Ate? San ba tayo pupunta? Anong lugar?" Tanong ko kay Ate na busy din sa pagtingin ng tanawin na dinadaanan namin habang kami ay nakasakay sa taxi.
"Malalaman mo rin pag nandun na tayo. Hintay ka lang, medyo malapit na tayo," sagot niya. Curious man ay ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Halos isang oras na kaming bumabyahe at buti na lang, hindi traffic. Kaya hindi hassle bumyahe at tuloy-tuloy.
After 15 minutes, ramdam kong huminto ang taxi. Bumaba kami dala ang gamit ko at napatingin sa paligid. I can feel mouth widened when I saw the surroundings. Ang cool naman dito.
Maraming damo sa paligid. Mapuno din ang lugar ngunit hindi ito magkakatabi at ilang metro ang layo nito sa isa't isa. May mga bundok din akong natatanaw mula dito at sa taas ay ang ganda ng view sa langit. Maganda at kakaiba ang ayos ng mga ulap. Halos hindi ko na maalis ang paningin ko sa magandang tanawin nang tawagin ako ni Ate.
"Tara na Yza!" She called. Lumapit ako sa kanya ng tawagin niya ko. Umalis na rin ang taxi na sinakyan namin kanina.
"Wow ate! Ang ganda dito. Masarap nga magbakasyon dito. San tayo mag-iistay? Asan yung hotel dito?" I asked.
"Mas maganda pa sa hotel ang pupuntahan natin." Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Nagtataka akong napatingin kaya Ate. Sa isang puno malapit sa tinatayuan niya, may pinindot siya dun at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.
Unti-unting lumitaw ang isang building sa aming harap. Ito ay dahil sa pagpindot ni Ate yung parang patusok dun sa puno. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasaksihan. Was that some kind of....magic?
Tapos dun sa taas ng gate, may nakalagay na Dream High. It seems weird to see a hotel named 'Dream High' but oh well, ayos lang ito dahil mukha naman itong isang magandang hotel.
"Tara na!" Hinawakan niya ako sa pulso at hinila. Wala akong nagawa kundi ang magpahila na lamang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakita.
Grabe! Ang ganda ng building! Para siyang mansyon. Tapos parang magical rin ang loob nito. Hindi pa rin nagsi-sink-in saakin na ito ang hotel na aming tutuluyan. Parang nasa langit ako sa ganda ng building na to.
Huminto kami sa tapat ng gate at kusa itong bumukas. Nalaglag na naman ang panga ko. Was it really some kind of magic? Wala naman kasing nagbukas nang gate pero kusa itong bumukas. Ni wala kang pinindot yung kasama ko para bumukas yun eh kaya pa'no nangyari yun? At nung nakapasok kami, kusa uling sumara ang gate. Namilog ang mga mata ko. May magic talaga sa lugar na ito. I am sure of it, no doubts.
Napatingin ako sa harap namin at nanlaki uli ang mata ko. Sobrang ganda at ang aliwalas ang paligid na sumalubong saamin. Nasa isang daanan kami at sa gilid ng daanan ay may mga pink ang dahon ng puno. Yung katulad ng mga puno na makikita sa Japan. Ganun ang nakikita ko ngayon sa aming harap. Tapos may fountain sa harap ng building.
Ngayon lang ako namangha ng ganto ka-sobra buong buhay ko. This is the first time I saw a magical place like this. Mas lalo akong nagulat sa mga taong sumalubong saamin. Si Daddy at Ate Yanna. Nagtataka at 'di makapaniwala akong napatingin sa kanila. Anong ginagawa nila dito? Ang alam ko nasa Canada sila kaya bakit sila nandito?
"Yza! We miss you!" Dad and Ate Yanna hugged me so tight. Halos hindi na ako makahinga sa higpit nito. Kumalas sila sa yakap at ngumiti.
"Miss ko na po rin kayo. Pero.. Bakit po kayo nandito? 'Di ba sa Canada kayo?" Nagtataka kong tanong.
"Mamaya ipapaliwanag namin sayo. Sa ngayon, pumasok na tayo sa loob at pumunta sa designated area para sayo," Dad said and we started walking.
Pagpasok namin sa loob ng building, may guards na nakatayo sa dalawang gilid. Napatingin sila saakin. Isang makahulugang tingin. Kumunot ang noo ko sa tingin na ipinakita nila. Bakit ganun sila makatingin sakin? Kilala ba nila ako?
Sumalubong saamin ang isang babaeng base sa itsura ay mga nasa mid 30s o late 30s ang edad. Naka-bun ang buhok niya at maamo ang mukha niya. Mukha naman siyang mabait.
"Sir Zane, siya na ba yon?" Tanong niya kay Dad habang sinusuri ako. Nang makita niya ang buhok ko, napangiti siya. Ano bang meron sa red kong buhok at bigla siyang napangiti nung makita niya yun? Ni hindi ko nga alam bakit naging red na ang color ng dating black kong buhok eh. Tumango si Dad sa kanya.
"Iha, sumunod ka saakin," alok nung babae.
"Yza, sumunod ka muna sa kanya. Pupuntahan ka na lang namin mamaya," sabi ni Dad kaya sumunod ako sa babae. Sumunod ako sa babae na sumakay ng elevator. Pumasok din ako. May pinindut siya na floor level at nagsara na ang pinto.
"Ako nga pala si Bhea. Ako ang secretary ng president dito sa Dream High. Ako ang inatasan ng president na ihatid ka sa dorm nyong mga Glamours."
"Ako naman po----"
"You're Yzabella."
"Teka, panong---"
"Hindi mo na siguro naaalala, pero nanggaling ka na dito noon." Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Ako galing dito? Bakit wala naman akong maalala? Mamamangha pa ba ako ng ganun kanina nung nakita ko tong Dream High kung nakita ko na to noon 'di ba?
"Siguro hindi mo na naaalala. Masyado ka pa kasing bata nun kaya baka hindi mo na matandaan." Bumukas na ang pinto ng elevator at lumabas na kami.
Hanggang ngayon ay nagtatataka pa rin ako sa sinabi niya. Ano namang ginagawa ko dito noon? Bakit nandito sila Daddy na dapat ay nasa Canada? Ano bang pagbabakasyon ang gagawin namin dito? Madaming tanong ang nasa isip ko na kapag inisip ko pa lalo ay baka tuluyan na kong mabaliw.
Naglalakad na kami ni Miss Bhea sa hallway dito. May mga nakikita akong mga pinto. Napapansin ko sa mga pinto ay may iba ibang kulay. Sa kaliwa ay puro asul ang kulay ng pinto. Sa kanan naman ay puro kulay pula ang mga pinto. Lumiko kami sa kanan na puro red ang pinto. Kinuha ni Miss Bhea sa bulsa niya ang susi at binuksan ang isang pinto sa dulo ng palapag na iyon. Bale yung pinto na yun ay ang pinaka huli na pinto doon.
Nabuksan ang pinto at bumungad ang ang malaking kwarto. Nasa kanan ang queen size bed at sa kaliwa naman ay may pinto na siguro ay ang CR. May closet din sa kaliwa katabi ng pinto ng CR. Habang iginagala ko ang mata ko sa buong kwarto ay nagsalita si Miss Bhea.
"Ito ang kwarto mo. Magpahinga ka muna at lumabas ka na lang pag may kailangan ka," paalam ni Miss Bhea at lumabas na siya ng kwarto. Ako lang mag-isa dito sa hotel room na to? Bakit hindi pa kami sama-sama sa isang kwarto nila Dad?
Inilagay ko ang maletang hila-hila ko kanina sa tabi ng kama. Siguro mamaya ko na aayusin ang mga gamit ko. Iginala ko uli ang mata ko sa buong kwarto at nakita kong may glass door na kitang-kitang ang magandang view sa labas. Binuksan ko ang glass door at lumabas sa balcony. Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko. Ang ganda talaga dito. Ang magical ng itsura ng lugar na to. Yung fountain ay kitang kita mula dito.
Ang galing naman ng gumawa ng hotel na 'to. Mala-magical kaya malamang marami talagang magche-check in sa hotel na to. Pumasok uli ako sa kwarto. Sinara ko ang glass door at nahiga sa kama. Nagising ako sa narinig kong katok mula sa pinto. Nakatulog na pala ako. Tumayo ako mula sa kama at binuksan ang pinto. Bumungad si Ate Yanna na naka-ngiti.
Si Ate Yanna ang panganay saaming magkakapatid. Ako ang bunso. Si Ate Yvonne ang pangalawa. Pinapasok ko si Ate at iginala niya ang tingin sa kwarto ko.
"Tutulungan kita mamaya mag ayos ng mga gamit mo," she uttered.
"Sige Ate," sambit ko. Nagulat ako ng makita ko ang buhok niyang may kulay.
"Kailan ka pa nagpakulay ng buhok? 'Di ba bawal yan sa school?" Tanong ko. Humalakhak naman siya sa tanong ko. May nakakatawa ba sa tanong kong yon? May joke ba don? Pa-inform naman ako guys kung meron haha joke.
"Hindi ako nagpakulay ng buhok. Bakit ko naman gagawin yon? Adik ba ko? Hahaha," At tumawa na naman siya.
"Eh pano naging red ang color ng buhok mo?" Nagtatakang tanong ko. Light red ang color ng buhok niya. Naka-ponytail kasi siya kanina kaya hindi ko ito napansin nang magkita kami.
"Kusang naging ganyan ang buhok ko. Look at your hair. Nagiging red na din. Pagkatapos ng ilang araw o linggo, magiging red na lahat ng buhok mo. Sa ngayon, kalahati pa lang ang pagiging red ng buhok mo dahil kaka 16 mo pa lang," paliwanag niya. Kumunot ang aking noo.
Dahil 16 na ako? Anong ibig sabihin nun?
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...