Chapter 3 : Undiscovered Powers

389 19 0
                                    

"Dahil nag sixteen na ko? Bakit? Anong meron kung sixteen na 'ko?" Nagtatakang tanong ko habang inaayos na namin ni ate ang mga gamit ko. Inilalabas mula sa maleta at isinasalansan namin ang mga ito. 

"Your real ability starts to show off when you reach the age of sixteen," paliwanag ni ate. Napahinto ako at napatingin sa kanya ng nakakunot ang noo.

"Real abililty?"

"Yes. You have a special ability. Hindi ka normal na tao Yza." Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi.

Hindi ako normal na tao? May kapangyarihan ako? Totoo ba yon? Parang napaka imposible naman nun?Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o ano sa nalaman ko na hindi ako normal na tao. I don't know how to react after hearing those things.

"Isa ka sa mga taong may kapangyarihan. Inaaasahan na namin na lalabas na din ang ability mo kaya napaghandaan na namin ito. Dito ka na mag-aaral sa Dream High," utas niya. Ibig sabihin, school pala 'to? Buong akala ko ay isa itong hotel.

"Ano? Eh pa'no yung pag-aaral ko sa normal na mundo? Gaga-graduate pa naman na ako sa taon na ito?" I asked. Grade 10 na ko ngayon at gaga-graduate na dapat ako. Pano na ang pag-aaral ko?

"Dito ka na lang mag-aral. Kinakailangan na dito ka mag aral lalo na ngayong lumabas na ang tunay mong abilidad. Sa totoo lang, nanggaling ka na dito noon dahil alam na namin na may kapangyarihan ka na nung bata ka pa lang."

"Oo nga daw sabi ni Miss Bhea. Nanggaling na daw ako dito kaya kilala niya ko. Bakit nga ba ako nandito dati?" Tanong ko. Naalala ko ang pag-uusap namin kanina ni Miss Bhea. Sabi niya ay kilala na niya ako noon pa man.

"Dinala ka na dito ni Dad nung 4 years old pa ka. Dito ka na dapat niya pag aaralin pero hindi pumayag si Mommy. Gusto niya kasing marananasan mo ang mamuhay sa normal na mundo. Kaya nag deal sila ni Dad. Once na mag-16 ka na at lumabas na ang tunay mong kapangyarihan, dadalhin ka na namin dito. Kami kasi ni Yvonne, simula bata kami ay nandito na kami sa Dream High kasama si Dad. Kaya hindi namin naranasan ang mamuhay ng normal sa mundo. Namulat na kami sa kapangyarihang meron kami. Maswerte ka at naranasan mo ang magkaroon ng normal na mundo," mahabang paliwanag niya.

Kaya pala bumibisita lang sila Dad sa bahay simula nung bata ako. Akala namin noon ay dahil nasa Canada sila dahil doon nag aaral sina Ate Yvonne, Ate Yanna si Dad naman ay doon nagta-trabaho. Yun pala ay hindi yun totoo. Nandito pala sila sa Dream High dahil may kapangyarihan sila.

Pero teka nga, anong kapangyarihan ba ang sinasabi niya? Anong kapangyarihan ang meron ako?

"Anong kapangyarihan ang meron ako, ate? Kanina mo pa kasi sinasabi na may kapangyarihan ako, eh hindi ko nga alam kung ano yun. Pa'no mo naman nalaman na may kapangyarihan talaga ako? Pano kung wala naman talaga?"

Ngumiti lang si Ate at nagsabi na 'malalaman mo din yun' at lumabas na ng kwarto. Sa dami ba namang na absorb na katotohanan ng utak ko na sinasabi niya kanina, pag-iisipin pa ko?

Ano naman kaya ang gagawin ko dito? Tapos na ko mag-ayos ng gamit, natulog na din ako kanina, ano pa kaya pwedeng gawin? Akala ko ba school 'to? Eh bakit walang pasok ngayon? Pero infairness maganda tong school na to. May sari-sariling kwarto ang mga estudyante kaya hindi na kailangan gumising pa ng maaga pag may pasok dahil hindi naman ako male-late dito dahil nasa mismong school naman na ko.

Umupo ako sa kama. Binuksan ko ang phone ko at napatingin ako sa date ngayon. Saturday pala ngayon. Kaya pala walang pasok. 11 am na. Ano kayang pwedeng gawin dito? Hanggang ngayon hindi pa rin naa-absorb ng utak yung mga sinabi sakin ni Ate Yanna.

Ibig sabihin, kaming apat nina Ate Yanna, Ate Yvonne at Dad ang may kapangyarihan 'daw'. 'Di ko talaga alam kung maniniwala ako eh. Baka kasi mamaya pina-prank lang pala ako ni Ate Yanna.

Curious din talaga ako kung anong kapangyarihan ang meron ako. Baka may kakayahan akong maglabas ng apoy sa kamay ko? O kung ano man na lalabas sa kamay ko? Baka may powers ng katulad sa One Piece na isang anime. Yung iba't ibang klaseng kapangyarihan katulad ng elasticity na katulad ni Luffy.

Wala naman sigurong mawawala kung ita-try ko. Tumayo ako at ini-stretch ang mga kamay ko. Pa'no naman kaya lalabas ang apoy o kung ano man dito sa kamay ko? Pumikit pa ko para makapag-concentrate para mapalabas ang powers ko. Pinipilit kong may lumabas na kung anong powers sa kamay ko ng biglang bumukas ang pinto.

"Uhh, what are you doing?" Napatalon ako makarinig ng boses mula sa pinto. Gusto ko ng magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Anong gagawin ko?

Hindi pa rin ako dumidilat. Hindi naman ako kilala ng lalaki kung sino man yun. Ayos lang naman sigurong ituloy ang pagko-concentrate ko dito.

"Inaalam ko ang powers ko. Wag ka maingay nagko-concentrate ako," lakas loob kong sagot habang nakapikit pa din.

"Tsh, whatever. I'm here to tell you that you need to go downstairs to eat lunch," tamad niyang sabi at narinig ko ang pagsara ng pinto. Narinig ko ang mga yabag ng paa niyang palayo.

Dumilat na ko at napatingin sa pinto. Ano ba yan! Napaka istorbo naman nung lalaking yun! Nagko-concentrate ako kanina eh ta's biglang eepal. Pero...sino naman kaya yun? Ibinulsa ko ang phone ko at lumabas na ng kwarto. Naglakad ako sa hallway at mukhang walang tao. Ang ingay na nanggagaling lang sa paa ko dahil sa paglalakad ang naririnig ko sa sobrang katahimikan dito.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang G button na ibig sabihin ay ground level. Sabi kasi nung lalaki kanina ay 'downstairs' kaya pupunta akong ground level. Ako lang mag-isa sa elevator kaya nanaig na naman ang katahimikan. Grabeng school naman to. Walang katao-tao. Parang nasa sementeryo ako sa katahimikan eh.

Tumunog ang elevator at nagbukas na ang pinto. Lumabas na ako at nagtitingin sa paligid. May nakita akong arrow sign at may nakalagay na 'canteen'. Siguro don ako dapat pumunta? Sinundan ko ang direction ng arrow at may nakita akong pinto. Sa taas ng pinto ay may 'canteen' sign. Pumasok ako at napa-wow. Grabe! Ang gandang canteen naman nito. Para siyang isang restaurant! Ang ganda! Inilibot ko ang mga mata ko at nakita ko si Dad na naka-upo sa lamesa kaya lumapit ako doon.

"Yza! Let's eat," salubong sakin ni Dad. Nandun na rin sa table si Ate Yanna at Ate Yvonne.

Ang sasarap din ng mga pagkain! Parang nasa restaurant talaga! Wow ang ganda talaga ng school na to. Ka-level ng BRENT. O baka mas maganda pa to dun sa Brent eh. Magkano kaya tuition fee dito? Malamang sa malamang sobrang mahal ng tuition dito. Sa ganda ba naman ng school eh. May sari-sarili pang kwarto. Tapos yung canteen na mala-restaurant. Mas gugustuhin ko ng mag-aral dito eh. Ay mali, mas gugustuhin kong tumira dito.

Sa pangalan pa lang na school na 'Dream High', ibig sabihin ay ito ang pinapangarap na school ng mga studyante.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon