Chapter 44 : For The Second Time

105 4 0
                                    

"Don't hold back. Just fight. And the showdown begins, now!" Sigaw ng Goddess na pumalibot sa buong k'warto. Ang Goddess ay komportableng naupo sa kanyang upuan na nakadisenyo para sa matataas na tayo gaya niya. Kaming apat ay nakatitig lamang sa isa't isa at hindi malaman ang gagawin.

"What are you guys waiting for?" Nakangising sambit ng Goddess. Wala kaming choice kun'di ang sumunod sa gusto niya. It's a part of our mission. Lahat ng Dreamers ay nakaasa saamin ngayon kaya kailangan namin gawin ang misyon. Even if it means having a showdown with my teammates.

Nagtungo sina Blaster at Kiel sa isang k'warto upang doon ganapin ang kanilang laban. Ang Goddess ay nakaupo sa isang mataas na upuan kung saan kita niya ang kaganapan sa dalawang k'warto.

"Sorry...Yza..." Nangungusap na sabi ni Rylee. She tried to shoot me using the ice from her hand. Agad ko namang binuksan ang isa sa aking mga secret weapon, the umbrella.

I used my fan and threw it to her direction. Lumabas ang patalim nito habang lumilipad sa hangin. Sa bilis ng paglipad ay hindi niya agad ito nailagan. Nadaplisan ang kanyang pisngi.

Nang bigla na lamang niyang pinagyelo ang lupang tinatapakan ko. Hindi ko na ito maigalaw. Naalala kong nakita ko ito kanina sa aking isip. Nakita ko kanina na ipagpapatuloy niya iyon hanggang sa magyelo ang buong katawan ko. Napailing ako. Hindi ko dapat hayaang mangyari 'yon.

Napatingin ako sa paligid. Nagkaroon ako ng ideya nang makita ang isang flower vase. May tubig ang loob nito.

Agad kong inilabas ang isang secret weapon na kailanman ay hindi ko pa nagagamit, ang aking belt. Inilabas ko ang tali nito at inihagis papunta sa vase. Ipinulupot ko ang tali sa vase at hinila pabalik ang tali. Nang makuha ang vase na may lamang tubig ay ibinuhos ko ito sa aking paang nagyeyelo. Unti-unting natunaw ang yelo.

Nang bigla na lamang akong may nakita sa aking isip. Na may pababagsaking bloke ng yelo mula sa taas ko si Rylee.

Tumingala ako at nakita roon ang yelo. Umiwas at lumihis agad ako ng direksyon bago pa ito mapabagsak saakin ni Rylee. Ginamit ko ang pagkakataong iyon upang tumakbo at sipain ang tuhod ni Rylee upang tumumba siya. Dumapa ito at inupuan ko ang kanyang katawan habang hawak ang kanyang kamay para hindi na ito makagalaw pa.

"Great! Now, get up," pumapalakpak na sabi ng Goddess. Inilahad ko ang aking palad at tinulungang tumayo si Rylee.

"Sorry.. Ipinakita ko lang ang lahat ng natutunan ko--" Nakatungong sambit ko kay Rylee.

"You really improved, Yza. Congrats," tugon niya at iika-ikang sumunod sa isang tauhan ng Goddess upang gamutin siya.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kiel. May galos din ito sa kanyang pisngi na marahil ay nakuha niya sa pakikipaglaban kay Blaster.

"Congrats, Kent Ezekiel Padilla." Hinarap ko si Kiel na sinalubong ako ng yakap.

"So how's Blaster?" Tanong ko at kumalas mula sa yakap.

"He's being treated."

Nang may isang tauhan ng Goddess ang lumapit saamin. Isa itong babae na sa tingin ko ay kaedaran ko lamang. Nakangiti ito at maamo ang mukha. Sinabi nitong gusto daw akong makausap ng Goddess. Sumunod ako sa kanya papunta sa isang k'warto.

Ang pintong pinasukan namin ay isang malaking k'warto na may mataas na kisame. Sa gitnang dulo ng k'warto matatagpuan ang isang malaking upuan na trono ng Goddess. Napakaespesyal ng pagkakagawa rito at kakaiba. Naupo roon ang Goddess at pinalapit ako sa kanyang tabi.

"You've done a good job, Yza. You went through many challenges and made it here. You deserve something," wika nito nang may ngiti sa labi.

Nakalagay ang Dream sa isang maliit na lamesa.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon