Chapter 15 : The Deal

159 7 0
                                    

"Sila? You mean may isa pa? O lahat sila? Akala mo lahat ng Phiyr mabait?" I shook my head.

"No. Pero ramdam ko na walang masamang intensyon ang mga nakilala ko." Alam kong hindi yun gagawin ni Harry at Red.

"Yza naman. Alam mo naman na ang Phiyr ay gustong makuha ang Dream Book di ba? Gagamitin ka nila para makuha nila yun! Kapag nangyari yun mamamatay ang Goddess! Kaya layuan mo na siya!" Alam ko naman yun. Pero kung ganun nga ang balak nila Red, bakit hindi pa nila ako ginamit 'di ba?

Bakit hindi pa rin nila pinpakuha ang Dream Book sakin kung yun ang balak nila? Yun ay dahil mabubuti silang tao. Pero, ang team ko ay hindi naniniwala sakin. Ilang beses kong sinabi na hindi ganung tao si Red pero ayaw nila maniwala sakin.

Kinabukasan, lumabas ako ng kwarto at agad nagtungo sa kusina. I need to cook breakfast. Kinuha ko ang pancake at niluto ito.

Naghahain na ako sa lamesa ng may marinig akong pababa ng hagdan.

"Handa na ang breakfast," I uttered. Bumaba na din sa hagdan sina Kiel at Blaster. Umupo na sila at nag umpisang kumain.

"Sana hindi ka na sundan ng lalaking 'yun. Ang sabi ni Kiel ayun daw ang nakita niyang kasama mo nung kinidnap ka. Siya pala mismo ang kumidnap sa'yo," Napatigil ako sa pagkain. Eto na naman sila.

"Yza, if you're mad, sorry. Pero kasi galing ang lalaking yun sa Phiyr. You should be careful when he's around, I guess. At kung may masama man siyang gawin, just call us. We can help."

"Oo nga boss, pero wag kang mag-alala hindi namin hahayaang lumapit na naman sayo ang lalaking yun," utas ni Blaster.

Kinabukasan, napapasyahan naming tumambay muna dito sa bahay. Wala naman kaming ibang gagawin eh. Pinadala kami dito para tumulong, sa pamamagitan nfmg paggamit ng kapangyarihan, hindi para mag-gala o magsaya.

After mag breakfast ay nagdilig ako ng halaman sa labas. Maraming magagandang bulaklak at halaman ang nasa yard kaya ako na ang nag-presentang magdilig.

"Pst!" Napatingin ako sa paligid. Ako ba ang tinatawag nun?

"Pst! Oy!" Dinig kong pagtawag ng boses. Sino ba 'yon? Nagpalinga-linga pa ko sa paligid. Wala namang tao. Maliban na lang kung 'yung halaman dito ang nagsasalita.

"Hoy! Panget!" Boses pa lang alam na. Ano na namang ginagawa ng mahangin na 'yun dito? Nasa stalker mode na naman ba ang mokong?

"Nandito kasi ako." Nakita kong tumayo siya galing sa pagtatago sa bakod.

"Ano na namang kailangan mo?" Nagpatuloy ako sa pagdidilig. Feeling ko tuloy isa akong sikat na artista at isa siyang die hard fan ko na sunod ng sunod saakin eh.

"Kailangan mong sumama sa'kin," saad niya. Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Yung babae. Kailangan nating iligtas," sagot niya. Nagtaka ako sa kanyang sinabi. Babae?

"Sinong babae? Iligtas? Bakit? Anong nangyari?"

"Yung babaeng nakita natin sa mall. Yung minamaltrato ng lalaking kasama niya. Mahabang kwento eh. Basta nanganganib na ang buhay ngayon ng babae 'yun." Naaalala ko na. Ayun yung babaeng ang kasama niya ay ang sumuntok kay Red.

"Sandali, tatawagin ko din sila," Ng bigla kong naalala na gusto nga pala nilang layuan ko na si Red. Pa'no na 'to? Wala naman akong kapangyarihang magligtas ng buhay ng tao. I can see the future but.. I don't have a power to fight or to save people.

"Pero... alam kong pinaniniwalaan nila na masama akong tao. Baka nga gusto na nilang palayuin ako sa'yo eh. At kapag nalaman nilang kasama mo na naman ako---"

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon