Maayos kaming nakapaglakad sa k'weba. Maraming traps ang nakatanim na aming iniiwasan. May taling kapag tinapakan mo ay patiwarik kang itataas, mga batong biglang mahuhulog at kung ano-ano pa. Kalahating oras na ang nakakalipas simula nang maglakad kami. Rylee's life in line so we need to move fast.
Hanggang sa makarating kami sa harapan ng isang bakal na pinto. We need a passcode to open it. The passcode consists four numbers. Lahat kami ay nag-isip kung saan at kung paano namin malalaman ang passcode na ito. Ito ba ay mga numerong makikita sa namin k'weba? Were they hidden around this area?
Iginala ko ang paningin sa paligid. Napahinto ako nang may makitang kakaiba. Isang kakaibang perlas ang nakita ko sa kumpol ng mga bato. Nilapitan ko ito at napansin ang isang numerong naka-engrave rito.
5.
"Guys," bumaling ako kina Blaster at Kiel na abala sa pag-iisip ng passcode. Sabay silang napalingon saakin.
"Nasa paligid lang ang bawat numero para sa passcode. Kailangan nating mahanap 'yon." Naintindihan naman nila ang aking sinabi at nagsimula nang halughugin ang paligid.
"I got number one!" Masayang saad ni Blaster habang hawak ang isang patusok at magaan na bato kung saan nakalagay ang numero.
"I got number six," utas naman ni Kiel at ipinakita ang isang sanga ng punongkahoy. Naka-engrave rin dito ang numero. Nagtulungan kaming lahat hanapin ang pang-apat at huling numero. Ngunit dalawampung minuto na ang nakakalipas at wala pa rin kaming nakikitang bagay na may numero.
Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala pa rin kaming nakitang ibang numero. Isang oras na ang dumaan ngunit nasa labas pa rin kami ng bakal na pinto at hindi makapasok. Where could be the last number? Napatigil ako nang makitang ahas papunta sa aming direksyon. Ramdam ko ang panginging ng aking katawan habang hindi maalis ang mga mata sa ahas na gumagapang. Walang lumalabas na salita sa aking bibig. Sino ba namang hindi matatakot sa ahas? Even a friend like that is something you need to be scared of.
Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtingin ni Kiel sa aking direksyon. Paniguradong narinig niya ang nasa isip ko.
"Boss!" Sa isang iglap ay nag-aapoy na ang ahas na ilang metro ang distansya saakin, dahil kay Blaster. Napayakap ako sa kanya dahil sa takot.
"Nako Boss, tsansing ka pa ha," he chuckled. Agad akong kumalas at mahina siyang hinampas. Sa takot ko lang kanina! Mabuti na lang at naagapan niya ang ahas kanina.
"Para kang kasali sa mannequin challenge kanina, boss. Hahahaha!" Nanliit ang mga mata ko sa kanyang pang-aasar. Tsk.
Nang may mapansin akong kakaiba habang nasusunog ang ahas. May kakaibang papel ang nakalagay sa buntot nito. Number three! Iyon ang huling numero!
Dali-dali akong nagtungo sa tapat ng bakal na pinto at ni-type ang passcode. Bahagya akong napaatras nang unti-unti itong bumukas. Nagpunta sa aking tabi sina Blaster at Kiel at naka-abang rin sa pagbukas ng pinto. Isang mahabang hallway ang bumungad saamin. Hahakbang na sana ako nang biglang hawakan ni Kiel ang aking kamay na aking ikinatigil.
"Be careful. I am sure more traps ang planted in here," seryosong saad ni Kiel. Nakaramdam naman ako ng kilabot sa kanyang sinabi. More traps?
"Wag kang mag-alala Boss. Akong bahala sa'yo." Naunang maglakad si Kiel at sumunod naman si Blaster. Ako ang naglalakad sa hulihan.
Pagkatapos ng ilang hakbang ay biglang may lumabas na mga laser sa hallway. Bahagya kaming napaatras dahil dito. Sa dulo ng hallway ay may isang pinto. Sa tingin ko ay kailangan naming makatawid sa hallway na ito nang hindi natatamaan ng laser ang aming balat. Kailangan namin itong iwasan. May nakita na akong ganito sa palabas noon at hindi maganda ang mangyayari kapag natamaan ng laser ang aming balat. Maaaring maraming dugo ang dumanak rito kapag nangyari iyon.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...