Sumugod din si Kiel papunta sa likod ng halaman. Aatakihin na niya sana ang taong nasa likod nang halaman nang bigla namin itong narinig na magsalita.
"Whoa. Chill lang. Hindi ko naman kayo sasaktan." Namilog ang mga mata ko nang may marinig na boses. Was that Harry's?
Tumakbo kami papunta sa kabilang parte ng halaman. Nalaglag ang panga ko nang makita si Harry.
"H-Harry?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko. Anong ginagawa niya dito?!
Unti-unting binitawan ni Kiel ang pagkakakulong niya sa leeg ni Harry. Si Blaster na nasa tabi nito ay tumayo.
"Hi, Yza. Uhh..nice to see you again?" Sambit niya. Tila ba hindi siya sigurado sa kanyang sasabihin.
"Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo kong tanong. Paano siya nakarating dito? At anong pakay niya sa lugar na ito?
"Para gawin ang dapat gawin? Hehe," nagkakamot sa ulo niyang sagot. Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanyang sagot. Ano ang ibig niyang sabihin?
"Stop right there." Nagulat kaming lahat sa sinabi at ikinilos ni Rylee. Nakalahad ang kanyang kamay at handa nang umatake. Pansin ko ang pagtingin niya nang masama kay Harry. Nagtaka ako sa kanyang ikinilos.
"R--Rylee? Anong ginagawa -----" Tanong nang bigla siyang nagsalita.
"Oo kilala ko siya. Tinulungan natin siya noon. But not this time. Nasa kalagitnaan tayo ng ating misyon sa ngayon. Hindi p'wedeng magtiwala at makipag-usap tayo sa ibang taong hindi natin lubos na kilala, lalo na ang mga Phiyr. Ano bang malay nating...sila pala ang kumuha ng Dream?" Seryoso niyang saad. Hindi ko maiwasang humanga sa Rylee na kaharap namin ngayon. Napakaseryoso at devoted siya sa aming misyon. Hindi niya hinahayaang magkabutas ang aming mga galaw na maaaring maging sanhi ng pagkabigo ng aming misyon.
"Sorry," dugtong ni Rylee. Napatango naman si Harry at sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi na ikinagulat ko.
"Ayos lang. Alam kong napakaimportante ng misyong ito sa inyo. I don't mind. Pero gusto ko lang nilawin... I didn't steal the book," nakangiting tugon ni Harry. Wala namang kaduda duda sa kanya at sa kanyang katawan kaya naniwala kami sa kanyang sinabi.
"If you didn't, then who? Sabihin mo saamin kung sino," maawtoridad na sabi ni Rylee.
Nagkibit-balikat lamang si Harry at sumipol habang iginagalaw ang paa.
"Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Hindi naglalagan ang magkakagrupo. Kaya bakit mo naman sasabihin saamin, 'di ba? Tsk, what an idiot." Sambit ni Rylee sa sarili habang umiiling.
Maya-maya pa ay napagdesisyunan naming isama si Harry sa aming paglalakbay. Hindi inaalis nina Rylee, Kiel at Blaster ang kanilang mga mata sa bawat galaw ni Harry. Nakatingin lang ang mga ito sa kanyang likod habang siya ay naglalakad.
Wala pa din kaming progress sa paghahanap namin sa taong kumuha ng Dream. Wala kaming makitang tao, o kahit sino bukod saamin sa lugar na ito.
Hanggang sa unti-unting dumilim ang langit at nagsimulang mawala ang sinag ng araw. Natakpan na ito ng mga ulap at ang buwan naman ang nagpakita saamin. Napapasyahan naming tumigil muna at magpahinga. Ni-set-up namin ang mga dala naming tent at gumawa ng bonfire. Nang maging komportable kami ay napag-usapan naming magsalitan sa pagbabantay ng lugar at manatiling gising ang naatasan habang natutulog ang iba.
Si Kiel at Rylee ang unang naatasang magbantay kaya naiwan siya sa labas ng tent. Si Harry naman ay kasama rin ni Kiel sa labas. Isa rin sa mga babantayan ni Kiel ay si Harry. Nangangamba kasi ang aking mga kasama, lalo na si Rylee na baka bigla itong tumakas. Pumasok na kami sa kanya-kanya naming tent at nagpahinga.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...