Pumunta kami ni Rylee kami ni sa kwarto ko. Naabutan namin doon si Harry. Ipinakilala ko siya kay Rylee at sinabing makakatulong si Rylee saamin kaya siya ay natuwa.
Naghanda na kami at lumabas ng kwarto. Sinigurado naming wala kaming nagagawang ingay para walang makarinig saamin.
Bumaba na kami ng building. Sumunod lang kami kay Harry papunta sa lugar kung nasaan si Red. Palihim kaming naglalakad at agad na nagtatago kapag may tao. We need to get there without anyone noticing us.
Nagderederetso kami hanggang sa makarating sa may bandang dulo ng Dream High.
"Kapag hindi pa rin siya nagsalita, pipilitin natin siya sa paraang hindi niya magugustuhan. Kulang pa ang ginawa natin sa kanya." Nagtago kami sa tabi ng pader nang may marinig kaming boses. The voice is from Sir Wayn, one of the leaders here in Dream High.
Anong paraan ang tinutukoy niya?
Nang maramdaman namin wala na si Sir Wayn at ang kausap niya, dahan dahan kaming naglakad papunta sa maliit na building sa dulo ng Dream High. Siguro ay nasa mga tatlong palapag ang gusaling iyon.
Lumapit kami dito. Sumilip muna si Harry sa pintuan papasok ng building at pumasok kami.
Pagpasok namin, dilim ang sumalubong. I saw a table and a chair. Makikita agad ito dahil ito ang bubungad sa'yo pagpasok ng building. Sa tingin ko ay doon tumatambay ang nagbabantay dito. Harry said this building is for the prisoners. Lahat ng mga pinarurusahan ay dito daw dinadala.
Nasaan kaya ang nagbabantay dito? Pinasunod kami ni Harry sa pangalawang palapag. Bumungad saamin ang hallway na may maraming pinto katulad ng nasa unang palapag.
Nang may marinig kaming kaluskos. Napatigil kami sa paglalakad.
"Go. Akong magbabantay dito," bulong ni Rylee. Tumango ako at nagpatuloy kami ni Harry sa paglalakad. Pansin kong pamilyar ang paligid. This was exactly what I saw in my dream.
Naglalakad kami ni Harry sa hallway. Ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kung mahuli kamo dito. Pati si Rylee ang madadamay kung sakali. At ayokong mangyari 'yun.
"Here's the room Red was in," Harry whispered. I nodded.
He slowly opened the door. At sa pagbukas ng pinto ay gulat ang sumalubong saamin.
Si Red na nakahandusay sa lapag ang bumungad saamin.
Napatakip ako sa aking bibig sa gulat. What have they done? Bakit ginawa nila 'to sa kanya?
"Wala na ang device dito," sabi ni Harry habang iginagala ang paningin sa kwarto. Ang tinutukoy niya ay ang device na nadedetect ang sino mang pumasok sa kwarto na kahit invisible ay nadedetect.
Pumasok kami at sinarado ni Harry ang pinto.
Sinubukan niyang gisingin si Red. Tinapik-tapik niya ang pisngi ni Red at kahit papa'no ay nakahinga kami ng maluwag ng dumilat ang mga mata niya.
"Red! Are you okay?!" Red tried to stand up. Inalalayan siya ni Harry sa pagtayo dahil nahihirapan ito.
Kitang-kita ang mga sugat at pasa sa mukha niya.
"Yza? Anong ginagawa mo dito?" I bit my lip. Hindi ko kayang nakikita siyang ganito. I can't stand seeing him full of wounds like this.
"Paano kung mahuli ka nila dito?! Mapaparusahan ka din nila! See this?" Itinuro niya ang kanyang sarili na puro sugat at pasa. Kita din ang galit sa kanyang mga mata.
Bakit ako pa rin ang iniisip mo Red? Bakit?
"Itatakas ka namin dito," Harry said. Napatingin sa kanya si Red.
Inilagay ni Harry ang braso ni Red sa kanyang balikat. Tinulungan niya siyang tumayo.
"Tara na," sambit ko. Binuksan ko ang pinto. Nagmasid muna kami sa paligid bago lumabas. Nakita namin si Rylee na nasa may hagdan kung saan namin siya iniwan.
I put Red's arms on my shoulders too. Hindi nakalampas sa paningin ko ang patagong pag-ngiti ni Red. Tinulungan kami ni Harry sa pag-alalay kay Red sa paglalakad.
Bumababa na kami ng hagdan ng may marinig kaming boses.
Agad kaming nagtago sa pader. Hindi kami pwedeng mahuli!
"So the heroes came to save the prisoner huh? 'Wag na kayong magtago," dinig naming sabi ng tao. Dahan-dahan kaming sumilip mula sa aming pinagtataguan at nakita namin si Issey. Kumunot ang noo ko. What is she doing here?
"Issey?" She smirked.
Humakbang kami at lumabas mula sa aming pinagtataguan.
"Oh Yza," pagbati niya. Alam kong may galit saakin si Issey sa hindi malamang dahilan. She's always annoyed everytime she see me.
Hindi malabong isumbong niya kami sa leaders na itinatakas namin si Red dito.
Nakita kong may yelong kinokontrol si Rylee sa kanyang kamay.
"Issey, I know you're mad at me. But please, don't tell anyone---"
"Na tinatakas niyo ang Phiyr na 'yan?" Napahinto ako.
Akmang naka-stretch na ang kamay ni Rylee at handa na siyang gawing yelo si Issey pero natigil siya.
"Hmp. Go," utas nito. Tama ba ko ng rinig? She's letting us go?
Lahat kami ay nagulat sa kanyang sinabi.
"O, ba't ayaw niyo pang umalis dyan? Gusto niyo bang--"
"Thank you so much, Issey." Nag-umpisa na kaming maglakad.
Nakalabas kami ng building ng maayos. Malaki ang pasasalamat ko kay Issey. Kahit na may galit siya sakin, hinayaan niya kaming umalis.
Ipinasuot namin kay Red ang sumbrero ni Harry para walang makakilala sa kanyang iba.
Napagpasyahan namin na dalhin muna si Red sa kwarto ko. He needs to rest.
Paakyat na kami ng building ng biglang may marinig kaming tunog ng napakalakas na bell. Napakapamilyar ng tunog nito.
Nang maalala kong ang bell na 'yun, narinig ko nang may makapasok na mga Phiyr dito sa Dream High. So that means the Phiyr are here?
Nagtatakbuhan ang mga Dreamers. Nagmadali kaming alalayan si Red papunta sa kwarto.
Pumasok kami ng elevator at madaliang lumabas upang nang makarating kami sa floor kung nasaan ang kwarto ko.
"Boss? Sino 'yan----" Nakasalubong namin si Blaster habang naglalakad sa hallway.
Nagmadali kaming isarado ang pintuan ng makapasok kami sa kwarto. Sumunod saamin si Blaster.
"Red? Anong nangyari? Anong ginagawa mo dito?" Namimilog ang mga mata ni Blaster habang nakatingin kay Red.
"Nahuli siya ng mga leaders. We went to the prisoner to get him," Rylee explained.
"Bakit? Bakit tinulungan niyo siyang tumakas? Dapat lang sa kanya na mahuli siya! Siya ang dahilan kung bakit muntik ng mamatay si Boss dahil sa pagpana sa kanya ng ka-grupo niya!" Sigaw ni Blaster.
"Hindi siya ang pumana saakin. He's a Phiyr, yes. Pero hindi sapat ang dahilan na 'yun para ibintang sa kanya ang nangyari sakin sa outside world. Hindi niyo pa naririning ang eksplenasyon niya. Dapat ay hayaan muna natin siyang magpaliwanag."
Tumingin ako kay Red. He looked at me too. I want him to tell everything. Gusto kong ipagtanggol niya ang kaniyang sarili. He doesn't deserve all this blame.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...