Ilang saglit ang lumipas ay nagtaka ako nang hanggang ngayon ay wala pa rin akong nararamdamang apoy sa aking katawan. Unti-unti akong dumilat at nanlamig ako nang makitang nakalahad na ang palad ng mga robot na nakatutok saakin at handa ng magbuga ng apoy! Thank God! Akala ko ang mamamatay na ako dito.
Maingat akong gumalaw at binuksan ang box na tumalbog kanina. Bumungad ang isang susi sa loob nito. A big smile flashed on my face. Finally!
Kinuha ko ito at nagtungo sa harap ng pinto. I used the key to open the door. Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas mula sa kwartong iyon.
"Sun! Nagawa natin!" Sigaw ko habang niyayakap si Sun. Hindi ko maiwasang magsisigaw dahil kanina ay ni hindi ako makapagsalita dahil maaari ko iyong ikamatay kung sakali. Nagtatalon ako sa tuwa. Maging Sun ay nagsisigaw din. Napahinto ako nang makitang paparating sina Blaster, Rylee at Kiel. Pansin ko ang salubong na kilay ni Rylee nang magkasalubong ang aming mga mata. Napatingin ako kay Blaster na ganoon din ang tingin saakin. Maging si Kiel ay ganoon din. Seryoso ang kanyang at napahinto sa harap ko.
"I'm glad you made it too," bati ni Rylee.
"Yeah, I'm really happy I did. Akala ko nga ay mamamatay na 'ko kanina e! Grabe, nakakatakot na baka hindi na ako makalabas dun kanina," tugon ko.
"Ikaw pa Boss. Alam kong kayang-kaya mo 'yon," nakangiting sabi ni Blaster. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali sa ngiti niyang 'yun. Something's wrong.
"Mabuti na lang at nalampasan ko. Nagulat ako nang malaman na ako na lang mag-isa kanina. Nasaan kayo kanina?" Nagtataka kong tanong.
"We were sent individually inside a puzzled room too. Like you, we also need to solve and think of a way to get out of that room," Kiel uttered.
Napa-ahh ako habang tumatango. Kung ganun ay pare-parehas pala kami ng pinagdaanan kanina. Siguro ang pagkakaiba lang ay ang challenge na ginawa naman sa bawat kwartong nakaatas saamin.
"We were separated from each other to test out our individual skills," pagpapaliwanag ni Rylee ng may walang ganang tono. What's with them today? Bakit kakaiba ang ikinikilos nila ngayon?
"I guess, you need to tell us something. May aaminin ka ba?" Mapanuring wika ni Kiel. Nakakunot ang noong napalingon ako sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?
"We trusted you. You had a promise, right? Pero bakit? Bakit ginawa mo pa din 'yon? And why were you secretly going at that place?" Naguguluhan akong tumingin kay Rylee. May bahid ng pagkadismaya ang kanyang mga mata. Anong ibig niyang sabihin? Place? Promise?
"What do you mean? May problema ba? Please tell me. Sasabog na ang utak ko sa kakaisip kung anong problema," I exclaimed. But I can already see a hint of what she's pertaining to. Gusto ko lamang makasigurado.
"Oh come on, Yza. It's about 'that' secret place. Sa lugar kung saan ipinagbabawal ang mga Dreamers pero pilit ka pa ding pumupunta doon at nakikipagkita sa isang manloloko! Fudge, nangako ka 'di ba?" Rylee bursted out. Namilog ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Paano niya nalaman 'yon? Sigurado naman akong walang nakakita saakin sa tuwing pumupunta ako doon. I always make sure that there's no one around that area before going inside that place.
"I-I'm sorry. Sinubukan ko namang tuparin ang pangako ko.. I tried ignoring him.. Pero siya itong lumalapit and he keeps annoying me. Kaya hindi ko na napigilan.." I explained with my eyes on the ground. I can't stand seeing her eyes with anger and dissapointment staring at me. She's my friend.
Alam ko namang mangyayari din ito. Na malalaman nila ang ginagawa ko. But I didn't expect it to happen this early. Alam kong ako ang nagkamali sa pagkakataong ito. I know it's my bad. And I felt so stupid. I broke my promise for that stupid jerk who used and betrayed me.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...