Chapter 43 : Well Done

94 6 0
                                    

"Please..ingatan niyo ang mga sarili niyo," saad ko kina Blaster at Kiel. Naghahanda sila ngayon para sa laban nila Red.

And yes. Kasama si Blaster sa laban mamaya. Red and Harry versus Blaster and Kiel. It's a two versus two match. Kasama ni Red si Harry kaya't napagdesisyunan nila Kiel na gano'n ang magiging labanan nila.

"Naku Boss. Iisipin ko na talagang may gusto ka sa'kin kakaganyan mo." Nahampas ko si Blaster sa kanyang biro. Sadyang nag-aalala lang talaga ako para sa kanilang dalawa.

Who knows that the Phiyr has some powerful and dangerous moves that we haven't seen yet? Paano kung mapahamak nang husto sina Blaster at Kiel rito? Ayoko nang mawalan pa ng malapit na tao saakin.

Magkaharap ngayon sina Kiel, Blaster, Red at Harry. Sila ay nasa isang malawak na lupain. Sila ay nasa baba samantalang kami naman ni Rylee ay nanonood mula rito sa tuktok ng burol.

Nagsusukatan ito ng matatalas na mga tingin. Kitang-kita sa mga mata ng mga lalaki ang nag-aapoy nilang ekspresyon. Napalunok ako ng ilang beses. Natatakot akong may mangyaring hindi maganda sa kahit sino sa kanila.

Even Red and Harry. Itinuring ko pa rin naman silang kaibigan.

And there's one rule in this match. Bawal gumamit ng kahit ano. Weapons, special powers are not allowed to be used. Hindi magagamit ni Blaster ang kapangyarihan niya at maging ang mga armas nina Red na may lason. They should fight using their bare hands only.

Naunang sumugod si Kiel at akmang susuntukin si Red na mabuti na lang ay nailagan nito. Ngunit hindi inaasahan ni Red ang isang mabilis na pagsipa ni Kiel sa kanyang tuhod na nagpabagsak rito. Agad namang tumayo si Red mula sa pagkakabagsak at sinuntok sa panga si Kiel. Malakas ang suntok na ito kaya bahagya itong napaatras.

Agad namang umatake si Harry at pinagtulungan si Kiel. Mabuti na lang at nand'yan si Blaster upang tulungan si Kiel.

Hindi inasahan ni Red ang pagtama sa kanyang sikmura ng punongkahoy mula kay Kiel. Napapikit ako nang makita ang dugo mula sa bibig si Red.

Sunod-sunod ito hanggang sa unti-unting siyang bumagsak. Sinnubukan ni Harry salagin ang bawat atake nina Kiel at Blaster gamit ang malaking punongkahoy ngunit maging ito ay bumagsak rin. Iniiwas ko ang tingin. Yes, I hated Harry and Red for betraying me. Ngunit hindi ko pa rin kaya na makita silang ganito. Duguan at sugatan. Hindi ko kaya.

"Stop!" Sigaw ko na nakakuha ng atensyon ng lahat. I can feel their confused glares at me.

"Tama na. Umalis na tayo dito," sambit ko at nagsimula nang humakbang. Ramdam ko ang pagsunod ni Rylee saakin.

"So.. Anong gagawin natin sa kanila? Should we let the leaders give them what those two guys deserve----"

"Wag!" Nagulat si Rylee sa biglaang pagsigaw ko. Nagsisi ako at bahagyang napatungo.

"Pero Yza...paano 'yung tungkol sa panaginip mo? 'Yung taong gustong pumatay sa 'yo? That person was definitely Red. At kung wala tayong gagawin ay papatayin ka niya katulad ng nasa panaginip mo," she uttered with a worried face. Napahinto ako. Ramdam ko ang pagtulo ng mainit na likido sa aking pisngi. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako.

Yes, Red betrayed me. Nainis at nagalit ako sa kanya nang sobra. I felt like a fool. Dahil hinayaan ko lang ang sarili kong magpaloko sa kanya. I trusted him too much. But little did I know that I trusted the wrong person. Pero bakit gano'n? Kahit na niloko niya 'ko, bakit hindi ko kayang makita siyang nasasaktan? Bakit pakiramdam ko ay gusto ko siyang yakapin at ilayo mula sa lugar na 'yon kanina kung saan wala siyang laban kina Kiel?

"I-I don't know what to do...." Niyakap ako ni Rylee at tinapik ang aking balikat.

Nang bigla kaming makaramdam ng isang napakalakas na pagyanig. Unti-unting bumabagsak ang mga puno sa aming paligid.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon