Kinabukasan, nag ayos na ako ng sarili at nakaligo na. Hindi pa rin ako pwedeng umattend ng klase dahil daw sa kalagayan ko.
Sabagay, mahirap nga naman maglakad papunta sa building namin gamit ang paa kong nasa hindi magandang kondisyon.
I don't know how I'm going to spend this useless day. I can't do anything with my wounded foot.
Napana pa kasi ako ni Claude at ang sugat ay hindi pa din gumagaling hanggang ngayon. Napabuntong-hininga ako.
Kaya kahit masakit at may kumikirot ang binti ko, naglakad ako papunta sa balcony ng kwarto ko. I really love this view. Ang fountain na may magandang tunog sa tenga at maganda sa mata ang pag agos ng tubig. Pati ang cherry blossom trees na ang dahon ay animo'y sumasayaw dahil sa hangin. I guess I'm just going to stay here and look at this beautiful view all day.
I heard some knocks from the door.
"Come in!" I uttered. Hindi ko na kaya pang maglakad papunta dun sa pinto para pagbuksan ang kumakatok.
"Miss Bhea?" Si Miss Bhea, na nagdala sakin dito sa kwartong 'to noong una kong dating dito sa Dream High ay pumasok sa pinto. Medyo matagal na ng huli ko siyang nakita.
Naglakad siya palapit saakin. May dala dala siyang envelope.
"Hello Yza. Pumunta ako dito para ibigay sa'yo ang sulat na 'to." Iniabot niya ang envelope.
"Kanino po 'to galing?" Tanong ko.
"Hindi ko alam eh. Nakita ko lang yan sa table at nakalagay ang pangalan mo. Sige, mauuna na 'ko." She went out and closed the door.
Sinulyapan ko ang aking hawak na envelope. May nakalagay na "To : Yza."
Kanino kaya 'to galing? Hanggang ngayon pala ay uso pa din ang pagpapadala ng letter. Or maybe it's just here in Dream High?
Sa panahon kasi ngayon, puro chat na lang. Ayun ay nung normal pa ang buhay ko... Hindi naman sa hindi na normal ang buhay ko ngayon, it's just that my life became more exciting and adventurous now. Ngayon ay nasa school ako kung saan ang mga tao ay may kapangyarihan. Even me. Nagkaroon din ako ng kapangyarihan.
"Uy, may manliligaw pala si Yza," I heard Sun's teasing voice. Masaya ako dahil kahit papano may nakakausap ako dito. Feeling ko nga tao din ang kausap ko at hindi bulaklak eh. Kung wala siya ay maghapon lang akong nanonood ng anime o tumitingin sa magandang view dito. Hindi ko kasi pwedeng ilakad ng sobra ang paa ko kaya di ako makalabas dito.
"Manliligaw?"
"Yes~ Siguro ay love letter 'yan galing sa manliligaw mo, 'no?" Napangiwi ako sa kanyang sinabi.
"Hindi ah!" Pagtanggi ko. Manliligaw dito sa Dream High? That's so impossible! Masyadong abala ang mga tao dito para unahin ang mga ganung bagay.
"Sus! Kunyari pa!" Ipinagkibit balikat ko na lang ang sinabi niya at binuksan ang envelope.
Kinuha ko ang nakatuping papel na nasa loob nito. I unfolded the paper. Binasa ko ang nakasulat dito.
Yza,
Hey! Let's meet at the back of the main building at 3pm.
Meet? Eh sino kaya 'to? Bakit gusto niyang makipagkita sakin?
"Anong nakalagay?" Ipinakita ko ang letter kay Sun.
"Sino 'yan?" Nagkibit balikat ako. I don't have an idea who sent this letter to me. Hindi ko alam kung sino ang gustong makipagkita sakin."Baka si Red?" Agad akong napatingin sa kanya. Si Red?
"Posible." After all, he likes to sneak and hide. Dati nga ay bigla na lang siyang sumulpot dito sa kwarto ko ng invisible siya. Kaya maaaring siya nga ang nagsulat nito.
I spent the whole day watching anime, eating snacks, looking at the beautiful view from my balcony, and talking nonsense things with Sun.
Tinanong ko siya kung bakit kailangan akong bantayan at dinala siya ni Red dito. Pero wala akong nakuhang matinong sagot sa kanya. Iniiba niya ang topic o minsan ay nagjojoke siya. Siguro ay sikreto lang ang dahilan para bantayan ako kaya ayaw niyang sabihin?
I heard another knock from the door. Pinapasok ko siya. Bumungad si Heavenly na may ngiti sa kanyang mukha.
"Hi Yza!" She gave me a hug. I hugged her back.
"Hello!!"
"Kamusta ka na? Narinig ko ang nangyari sa'yo. I came here to check you out."
"Okay naman. Medyo masakit pa rin ang binti ko pero, kaya pa naman." Nag-usap pa kami ni Heavenly. Nag kuwento siya sa nangyari kanina sa klase. Sinabi niyang tinanong daw ni Issey, ang kaklase kong medyo mainit ang dugo sakin, kung nasaan ako. Ang weird lang na ayaw niya sakin pero nagtataka siya kung nasaan ako?
Binigyan ako ni Heavenly ng iba't ibang prutas. Nagpasalamat ako at nagpaalam na siyang aalis.
Pagtingin ko sa orasan ay 3 pm na pala.
"Oras na! Makikipagkita ka na kay Red!" Sabi ni Sun.
At dahil gusto ko ding makausap si Red dahil sa huling nangyari noong napana ako, lumabas ako ng kwarto. Kakayanin ko kayang maglakad papunta sa building na 'yun?
Medyo kumikirot ang sugat ko pero kaya pa naman. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Walang masyadong tao. Siguro ay may klase pa kaya busy ang lahat.
Nakarating na 'ko sa dulo ng main building, ang building kung nasaan ang kwarto ko at kung saan ako galing kanina. May nakita akong taong nakatalikod at naka upo sa isang bato. His body is well built. Hindi payatot na patpatin ang katawan. Hindi rin naman sobrang laking katawan na puro muscles.
Sa likod pa lang ng kanyang katawan, alam ko ng siya 'to.
"Red?" I called. He slowly turned his head to me.
Kita ko sa kanyang mata ang gulat. Bigla siyang tumayo.
Ilang sandali pa kaming nagtitigan. Minsan ay bumubuka ang bibig niya at isasara uli. He wants to say something, pero pinipigilan niya ang sarili siyang sabihin ito.
"Kamusta ka na? Ayos na ba ang binti mo?"
"May crush ka rin pala sa binti ko," I joked, trying to enlighten the mood. Ginaya ko lang ang joke niyang walang kwenta noon.
"Tsk tsk!" He smiled. Umupo kami sa bato.
"Sorry." Madilim ang mukha niyang sabi. Kumunot ang noo ko. Sorry? You're sorry for suddenly disappearing?
"Sorry for what?" Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit bigla siyang nawala. Gusto kong marinig mula sa kanya na hindi siya ang nag tip sa grupo nila na Phiyr kaya kami naatake. Gusto kong mapatunayan niya na hindi totoo ang sinasabi nina Rylee na kakampi ka namin. Na hindi mali na pinagkatiwalaan kita.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...