"Well, that's good. Kaya dito namin pinapadala sa outside world ang mga dreamer na tulad niyo dahil magagamit niyo dito ang kapangyarihan niyo kapag tumutulong kayo sa ibang tao." Sabi ni Ms. Hermosa ng ikuwento ni Blaster ang pagtulong namin kanina kay Claude na na-lockan. Maya maya ay umalis na si Miss.
Umakyat na ko sa kwarto at nag shower. Pagkagaling ko sa cr ay bumungad saakin si Rylee.
"Do you know the man that's following you earlier?" Tanong niya. Napakamot ako sa ulo. Pa'no ko kaya malulusutan 'to?
"Hindi. Hindi ko 'yon kilala. Tsaka, hindi ko din masyadong nakita ang mukha nung lalaki kaya hindi ko siya nakilala kung sino man siya," pagpapalusot ko.
"Hmm. Well, I guess we shouldn't go anywhere from now on. Baka may masamang balak ang sumusunod sa'yo. He can be from PHIYR. Alam mo naman siguro na masasama sila 'di ba?" Banta niya.
"Oo. Nasabi na samin yun ng teacher." Ang Phiyr ay ang mga taong sumalakay noon sa Dream High noong bago pa lang ako. They are the intruders. Ayun yung araw na na-kidnap ako. At sila ang kumidnap sakin. Red and Harry are one of them. Sinabi nila na masasama daw ang Phriyr pero...hindi ako naniniwala na masama sila Red at Harry.
Mababait naman sila. I know that they won't do anything bad at me. Alam kong hindi nila ako sasaktan.
Ang Phiyr ay gustong kunin ang Dream Book para makuha ang pinakamalakas na kapangyarihan sa Goddess. Kapag nakuha nila yun, mamamatay ang Goddess. That's why we should protect the Dream Book.
After eating lunch, we decided to go to a mall to buy groceries. May pera naman na iniwan si Ms. Hermosa kaya makakabili kami ng mga kailangan namin.
Si Kiel at Blaster ang nagtutulak ng cart. Kami ni Rylee ang taga kuha ng bibilhin at taga lagay sa cart. Nasa snacks section na kami.
"Alin kaya mas masarap dito?" Tanong ni Rylee habang hawak ang dalawang pringles at pumipili.
"Sour cream o pizza flavor?" Dagdag ni Rylee.
"Pizza," I answered. I like the pizza flavor more. Mas trip ko lang yung lasa nun kaysa sa sour cream.
"Sakin sour cream." Sagot naman ni Kiel. So the decision is on Blaster now. We all looked at him.
"Original flavor," sabi ni Blaster.
"Masarap nga din naman yun." Kinuha ni Kiel ang original flavor ng pringles na nakalata.
"Iba't ibang flavor na lang bilhin natin," I said. Kinuha ko ang dalawang pringles na hawak ni Rylee at inilagay na sa cart.
"Ay! Nakalimutan nating kumuha ng pancakes!" Rylee uttered.
"Ako nang kukuha," sabay naming sabi ni Kiel kaya nagkatinginan kami.
"Ako na. Kayo ng bahala dito," I insisted. Naglakad na ko para hanapin ang pancakes.
Ginala ko ang mga mata ko at ng makita ang pancake na nasa pinaka taas ay tumingkayad ako para abutin ito. Pero hindi ko ito makuha.
Ugh. Bakit ba kasi nilalagay pa nila sa hindi maaabot na lugar! Hindi naman sa pandak ako, sakto lang naman ang height ko. Sadyang hindi ko lang talaga abot kahit tumingkayad pa ko! Hays! Anong gagawin ko?
Nang may kamay na kumuha ng pancakes. Napatingin ako sa mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang napakapamilyar na mukha.Siya na naman?! Ba't ba lagi siyang sumusunod sakin?
"Oh, panget. Nandito ka din? Sinusundan mo ba 'ko?" Kainis! Ako pa talaga ang tinatanong niya. Eh siya nga 'tong sunod ng sunod sakin!
"Ba't naman kita susundan? Artista ka ba?" I rolled my eyes.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasiShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...