Chapter 27 : Disappointments

109 5 0
                                    

Ngayon ay naghahanda na kami para sa misyong gagawin namin. They told me the plan yesterday.

Kahapon, pagkasabi ko kay Prinz na papayag ako ay tuwang tuwa siya. He said that my cooperation to their mission will be a big help for them. They can easily ambush the Phiyr when I'm around.

"Yza, are you ready?" I nodded. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Wag kang mag alala Yza, kung may mangyari mang hindi maganda, nandyan naman ang leaders. They won't let anything bad happen. Huminga ako ng malalim.

Nandito kami ngayon sa headquarters habang naghahanda. Nilagay ko na sa katawan ko ang mga secret weapons just in case I need it. Dapat ay handa ako sa kung ano mang pwedeng mangyari.

Pagkatapos kong isuot ang mga secret weapons, nakita ko si Dad na seryosong nakatingin sakin.

Nung una at tumutol siya sa pagpayag ko sa misyong ito. Pero pinaliwanag ko na kaya ko ang misyon at willing akong tumulong. Para 'to sa Dream High.

Kapag nahuli na nila ang Phiyr, all the dreamers will be safe. Wala ng mawawalan pa muli ng buhay. Naalala ko ang babaeng naabutan namin sa corridor na wala ng buhay.

Mas lalo akong nagkaroon ng inspirasyon na maging parte ng misyong ito.

"Here's the letter." May iniabot na papel sakin si Prinz. Kahapon ay nabanggit niya sakin na kaya niya naisip ang misyon ay dahil nakita niya ang sulat na ito.

It's a letter from the Phiyr. Nakita niya ito sa bulsa ng wala ng buhay na babae sa corridor na nakita namin ilang araw ang nakakalipas.

Binasa ko ang nakalagay sa letter.

'Just give us the book if you don't want to lose another life like what happened to this girl.'

Sa likod ng papel, may nakalagay na '12 pm, sunday @corridor.'

Desperado talaga pala silang makuha ang libro. They want to have the powers that the Goddess will give them if they have the Dream book.

Hindi nila alam na may misyon pa silang pagdadaanan bago makuha iyon.

Pagkatapos ng paghahanda ay nagsimula na kaming lumabas ng headquarters. Walang ibang sinabihan ang mga leaders tungkol sa misyon na 'to, kahit ang mga dreamers ay walang alam dito.

Walang pasok ngayon ang mga dreamers dahil weekend ngayon. Sa corridor gustong ibigay namin ang libro sa mga Phiyr.

It's already 11 am. Kailangan ay magpunta na kami dun ngayon dahil mas maganda kung maaga kami doon.

Pagdating sa unahan ng corridor, ibinigay na sakin ni Prinz Skie ang Dream. Hinawakan ko ito ng mabuti at idinikit pa sa katawan ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa corridor hanggang sa huminto ako sa parteng nakita ang babaeng wala ng buhay.

Ramdam ko ang malakas na pagkalabog ng dibdib ko. Namamawis na din ang mga kamay ko sa kaba.

Nakatago sa tapat na classroom ang mga leaders. Nakasilip ang mga mata nila sa bintana. Nangunguna doon si Prinz na palinga linga ang mata sa paligid sa biglang pagdating ng Phiyr.

Sa isang tingin sa bintana ay hindi agad mapapansin ang mga ulong nakasilip pwera na lang kung titingnan ng matanggal.

Makalipas ang ilang minuto, may narinig kaming kaluskos.

Napaayos ang mga ulo ng mga leaders na naka silip. Maging ako ay napa ayos ng tayo.

Ramdam kong mas lalong lumakas ang hampas ng dibdib ko.

May dumating na naka all black. I don't know if he's a boy or a girl. Dahil naka cap siya at hindi ko makita ang kanyang buhok. Naka mask din siya.

Napatingin siya sakin at dahan dahang naglakad papunta sakin.

Pakiramdam ko ay nakikipagkarera ang tibok ng puso ko sa sobrang bilis nito. I held the book tight while hugging it.

Ang plano ay kapag nasa harap ko na ang Phiyr, biglang susugod ang leaders at huhuliin ang Phiyr na nandito. Tapos, gagamitin namin ang nahuling Phiyr para magsabi ng kanilang mga plano a gawing hostage para ipang-blackmail sa ibang Phiyr.

Nang biglang may mag-flash sa isip ko. Namilog ang mga mata ko nang makita ang aking nasa isip.

Nakita ko sa isip ko na tumatakbo ang Phiyr at wala na sa mga kamay ko ang librong hawak ko!

Anong mangyayari? Bakit hindi nahuli ng leaders ang Phiyr na 'yun at nakuha niya ang libro?

I came back to my senses at agad akong naging alerto ng makitang palapit ng palapit na sakin ang taong iyon.

I hugged the book tight. Kailangan kong gumawa ng paraan para maagapan ang pagkuha ng Phiyr na ito ang libro!

Dalawang hakbang na lang at nasa harap ko na siya! Kumalabog nang pagkalakas-lakas ang dibdib ko. Ramdam ko din ang panginginig ng katawan ko sa kaba. I need to do something!

Kinuha ko sa bulsa ko ang pamaypay at buong lakas itong ibinato sa Phiyr na papalapit!

Narinig ko ang pagkagulat ng mga leaders dahil sa ginawa ko. Nakagat ko ang aking labi. Alam ko, hindi ito kasama sa aming plano. Ngunit kailangan ko itong gawin upang maagapan ang hindi magandang mangyayari. Kailangan kong ibahin ang nakatakdang mangyari.

But the Phiyr dodged the fan that I threw. Biglang lumabas ang mga leaders para hulihin ang Phiyr na iyon kaya nagtatakbo din ito.

Hinahabol na siya ngayon ng mga leaders. Agad na nanghina ang mga tuhod ko at napa upo ako.

H-hindi ko alam kung tama ba ang ginawa 'kong 'yun...

Inagapan ko lang naman ang mangyayari kaya ko ginawa 'yun.

"Yza?" Napatingin ako kay Kiel. What is he doing here?

"Are you okay?" I nodded.

He hugged me while caressing my back.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong.

"Kanina pa 'ko nandito. Baka kasi may mangyaring hindi maganda kaya sumunod ako. The people from Phiyr are dangerous."

Nandito na kami sa headquarters. Nakatungo ako habang nakaupo. Lahat ng leaders ay naka upo. They all looked disappointed from the plan earlier that didn't went well. Ilang segundong nanaig ang katahimikan sa buong kwarto nang basagin ito ni Sir Heat.

"Yza, anong nangyari?! Bakit mo ginawa 'yun?!" Tanong ni Sir Heat bakas ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Mas lalo akong napatungo.

"What happened to you?!" Tanong naman ni Ms. Willa. Halatang sinusubukan niyang magtimpi ngunit hindi niya napipigilan.

"Anak? Anong nangyari?" Napatingin ako kay Dad. I can see the disappointment in his eyes. Nakagat ko ang aking labi at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung paano uumpisahang magpaliwanag sa kanya.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon