Chapter 6 : Don't Just Trust

318 12 0
                                    

"Lady, I think you shouldn't continue what you're trying to do if you want to live." Umakyat ang kaba sa dibdib ko. Sa takot ko ay para bang ayaw ko nang harapin pa ang nagsalita.

Unti-unti akong humarap sa likod at nakita ang isang lalaki na may nakakatakot na aura. Parang kaharap ko na si kamatayan dahil sa presensya niya.

Umakyat ang kaba sa aking dibdib at halos mahimatay na ko sa takot dahil baka mamaya ay bigla na lang akong patayin nito. The way he looks at me seems like he's the scariest person I've seen. Pero mukha namang bata pa siya sa itsura niya. I think his age is in early 20s. He also got good looks but I'm still scared when he looked and talked to me.

"K-kuya!" Narinig ko ang pamilyar na boses sa papararating.

"Kung gusto mong mabuhay pa, wag mong hahayaang makatakas ang biktima. Palalampasin ko to at hindi malalaman ni Dad ang tungkol dito," Sabi ng lalaking nakakatakot at nag-umpisa ng maglakad palayo.

"Hey you! Anong pumasok sa utak mo at naisipan mong tumakas sa poder namin?!" Eto naman tong mahangin na lalaking 'to. Si Red. Parang kanina lang, takot na takot siya dun sa lalaki. Tapos ngayon, balik na naman siya sa nakakainis niyang ugali.

"It's your fault. Ni-kidnap kidnap mo ko tapos aalis ka at hahayaan mong nakabukas ang pinto!" Sigaw ko. Binatukan ko siya. Napaka-engot naman kasi eh.

"Maybe you just want to see me that's why you got out of the room?" He smirked.

"Hmp! Napaka hangin talaga! FYI, gusto kong makatakas kaya ako umalis dun! For pete's sake, my eyes hurt whenever I see your ugly face!" Sambit ko. Even though he's got good looks with long eyelashes, kissable lips, thick eyebrows and other good features on his face, naiinis pa rin ako sa pagmumukha niya lalong lalo na sa pagiging mahangin niya 'no! Kaya hinding hindi ko sasabihin sa kanya na kahit papaano ay may good looks siya, baka mas lalong magyabang pag sinabi ko. Ngayon ko lang kasi nakita ang mukha niya ng malapitan at malinaw. Kanina kasi ay walang ilaw sa kwarto at medyo madilim kaya hindi ko makita ng maayos ang mukha niya kahit wala na siyang mask kanina.

"Your eyes hurt? Then why are you staring at me like that? Nakita mo na ba na gwapo talaga ko? Hahahaha." I rolled my eyes. Tumawa siya nang nakakasar. Ugh. Nakakainis talaga. Bakit ba kasi ni kidnap kidnap pa ko ng lalaking 'to eh.

"Anyway, I need to take you back," Utas niya.

"Ibabalik mo na ko sa Dream High?" Tanong ko. Buti naman at ibabalik na niya ko. Gustong gusto ko nang bumalik sa school na yun. Ayoko na dito. Ni hindi ko nga alam kung bakit nila ako ni kidnap eh.

Hindi naman nila tinatawagan ang family ko para sa ransom. So what's the reason?

"Nah. Sa kwarto kung saan ka nanggaling kanina, dun kita ibabalik." Gumuho ang mundo ko sa kanyang sinabi. Hay nako Yza. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Mahirap talaga umasa.

Dahil sa inis ko, hinayaan ko na lang ang sarili kong sumunod sa kanya sa kwarto.

"I know you don't want to stay here. I have no choice but to obey my Lolo's command. I'm in no place to disobey." Halata sa tono niya ang lungkot. Nandito na kami sa kwarto at umupo na lang uli ako sa kama ko.

"Wala akong pake sa lolo mo. Basta gusto ko ng bumalik sa Dream High," I said.

"Gusto mo na talagang makabalik dun huh?"

"Of course. I hate seeing your face here," I rolled my eyes again. Iritang irita na ko sa pananalita niyang napaka hangin.

"Ikaw lang ang kilala kong ayaw makakita ng gwapo kong mukha. Weird. Kung gusto mo talagang makaalis dito, I'll help you." Agad akong napalingon sa kanga. Napahalakhak siya nang makita ang reaksyon ko.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon