Chapter 24 : Promise

133 5 0
                                    

"Yza! Anong ginagawa mo dito? I thought you can't attend classes because of your wound?" Bungad ni Heavenly nang papasok na ko ng classroom.

Napagpasyahan kong um-attend na ng klase ngayon. Wala naman na kasi ang sugat ko. At pakiramdam ko ay nawala ang sugat dahil sa tubig na iyon.

"Magaling na ang binti ko." Namilog ang mga mata niya. Hindi pa rin siya naniniwala sa sinabi ko kaya pinakita ko sa kanya ang binti kong wala ng sugat.

"E-eh? Pa'no nangyari 'yun? Ba't ang bilis naman gumaling, Yza?" Gulat na gulat pa rin ang mga mata niya sa nakikita niya.

"Basta gumaling na eh. Tara?" Pumasok na kami sa loob.

Bumungad si Issey at ang dalawa pa naming kaklase. Tumitirik na naman ang mga mata ni Issey sakin. Galit na naman siguro. Ano bang kasalanan ko sa kanya at galit na galit siya sakin?

"Nagbalik na naman ang isa dyan. Sana hindi ka na lang bumalik. Ang saya saya na dito eh. Panira ka lang," Pinagsasabi nito? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah? Napatingin kami sa pinto nang pumasok ang teacher namin.

Pumasok na si Ms. Delavin. She started the class. Nagulat din siya ng makita ako at nagtataka kung bakit nawala agad ang sugat ko.

Natapos ang klase namin. Sabay kaming lumabas ni Heavenly.

Habang naglalakad, nakita ko si Rylee na naglalakad din papunta sa direksyon namin. Naalala ko na ang huling beses na nagkausap kami ay na bad trip siya. Nang nagkasalubong kami ay tinawag ko siya.

"Rylee!" Napatingin siya saakin. Lumapit ako sa kanya. Nagpaalam na aalis muna si Heavenly.

"Are you still mad?" Napabuga siya ng hangin.

"Nakaka bad trip ka kasi! Sabi ng layuan mo na ang Red na 'yun dahil Phiyr siya, pero ayaw mo makinig!"

"Sorry na..."

"Basta promise mo hindi ka na makikipagkita sa kanya ha?" Namilog ang mga mata ko. Hindi na ba talaga dapat akong makipagkita sa kanya? What if he comes here again? Anong gagawin ko? Should I avoid him?

"Promise!" Napangiti si Rylee.

Tinanong niya kung bakit biglang gumaling ang sugat ko. Sinabi ko na lang na siguro dahil mabilis talaga gumaling ang mga sugat ko. Mukha namang naniwala siya.

We seperated ways and I went to my room to change my clothes. Gusto ko uling pumunta sa maganda lugar na iyon. Gusto ko muling makita ang napakagandang lugar na 'yun. Kahit bawal ang mga dreamers dun, hindi na lang ako magpapahuli.

Pumunta uli ko sa dulo ng Dream High. Hinawi ko ang damong nakaharang sa butas at pumasok doon.

Kahit na nakita ko na ang napaka gandang lugar na ito kahapon, manghang mangha pa din ako ngayon. I can still see the sparkling water. Gusto kong magtampisaw sa tubig.

Dapat pala'y nagdala ako ng pamalit na damit. Para makalangoy ako sa ilog na nagpagaling sa sugat ko.

Pumunta ako sa treehouse. Sa loob ng treehouse, may medyo mahabang upuan. Naupo ako doon at mula dito ay tinanaw ko ang buong kapaligiran.

I can stay here all day just looking at this beautiful view.

Isang tanong ang biglang pumasok sa isip ko at aking ipinagtataka. Bakit kaya ipinagbabawal puntahan ang lugar na 'to?

May narinig akong kaluskos. Agad akong naging alerto at tumingin sa paligid.

Dali-dali akong nagtago ako sa likod ng upuan. Wala dapat ang makaalam at makakita na nandito ako. I'll be dead for sure!

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon