"Ewan sa'yo," inis kong sabi. Napatawa naman siya.
"Aminin mo na lang na gwapo talaga 'ko."
Nanahimik na lang ako. Malamang kapag nagsalita pa 'ko, aariba na naman ang kahanginan ng lalaking 'yan. Nakakasawa na.
"Alam mo ba na may pinatay ang mga ka grupo mo?" Tumingin ako sa kanya at kita ko ang gulat sa mukha niya.
"M-may pinatay?" Gulat na gulat pa din ang reaksyon niya.
"Oo. Hindi mo alam?" He shook his head. Nagtaka ako sa kanyang naging sagot. Bakit hindi niya alam? Sikreto lang ba iyon sa kanila?
"Wala akong alam don. Bakit naman kaya sila pumatay?"
"Well, you're Phiyr. Hindi ba dapat na alam mo 'yun?" Tanong ko.
"Oo nga eh. Dapat alam ko 'yun. Pero hindi. I don't know a thing about that." Kinilatis ko ang kanyang mukha.
Mukha namang nagsasabi siya ng totoo.
"Paano kung gawin kang pain sa mga kalaban, papayag ka?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yun. Hindi pa din ako sigurado kung papayag ako.
"Pain? Delikado 'yon. Dapat ang mga gwapong tulad ko ay hindi nagiging pain lang." Napa-face palm na naman ako. Kahit kailan talaga napakahangin!
"Pero gagawin ka nilang pain? Sa mga Phiyr?" Seryoso niyang tanong.
"Oo nga. Iniisip ko pa nga kung papayag ba ko o hindi," tugon ko.
"Ikaw kung anong gusto mo. Hindi ka naman papabayaan ng dreamers. Gagawin ka nilang pain, oo. Pero sigurado akong hindi ka mapapahamak. Magtiwala ka lang sa kanila." Tiwala. Nagtitiwala naman ako sa leaders. I know that they won't let me die. Hindi nila ako pababayaan.
Ngayon lang uli ako nakakuha ng matinong sagot mula sa lalaking 'to. Puro kasi pagpapahangin ang alam, e.
"But please be careful. Promise me you'll be safe," matigas niyang sabi habang nakatitig saakin. May kung anong elemento ang kanyang mga mata na para bang hinihila ako papalapit sa kanya. I shook my head and came back my senses. Ano ba itong naiisip ko?
Matapos non ay nagpaalam at bumalik na 'ko sa kwarto upang mag-shower. Nilabhan ko din ang jacket na ibinigay ni Red. I'll give this back to him when I see him again. Nakakahiya naman sa mahanging 'yun kung hindi ko iti lalabhan bago ibalik sa kanya.
"Ayie~ Ang sweet naman ni Fafa Red. May pagbigay ng jacket sa'yo!" Parang kabayo si Sun sa kaka 'Ayie' niya nang makita akong hawak ko ang blue jacket ni Red.
"Tumigil ka nga! Kanina ka pa," singhal ko. Nakakainis ang pang-aasar niya. It annoys me.
"Sus! Kinikilig ka rin naman!"
"Kinikilig? Bakit naman ako kikiligin ha?" Naiinis na tanong ko.
"Kasi nagkaka develop-an na kayo ni Red!" Nagkaka develop-an? Sa mahanging 'yun?! Napairap ako.
"Ewan sa'yo! Nababaliw ka na!" Sigaw ko sa kanya.
"Ikaw 'yun! Nababaliw ka na kay Fafa Red~" pakanta-kanta niya pang sabi. Napangiwi ako. Tsk.
Ano na kayang ginagawa ngayon ng Red na 'yun? Kanina kasi bago kami maghiwalay, sinabi niyang may sakit daw ang lolo niya. Hindi daw makausap ng maayos at malala ang sakit kaya problemado si Red at nagpunta sa mahiwagang lugar pinanggalingan namin kanina.
Naisip ko na ang sama ko pala. Ganun ang pakikitungo ko kay Red kahit na may problema siya at binigyan ako ng advice tungkol sa pabor na hinihingi sakin ni Prinz.
Kung bumawi kaya ako sa kanya? Paano naman kaya ako babawi?
"Sun? Ano magandang regalo sa lalaki?"
"Reregaluhan mo si Red? Ayie~" Mukha na namang kabayo ang sunflower na 'to sa kaka 'ayie' niya. Dapat pala hindi na lang ako sa kanya nagtanong.
Kinapa ko ang bulsa ko at nakita ang shell na nakuha ko kanina. Gagawin ko 'tong kwintas. Inilagay ko sa gitna ang shell at natapos ko ng gawin ang kwintas. Ito ang ibibigay ko.
Kinabuksan, pagkatapos ng klase ay bumalik ako sa kwarto para kunin ang kwintas na ginawa ko at ang jacket na nilabhan ko. Tuyo na ito at inamoy ko. It smells good. Tinupi ko ito at dinala. Umalis na ko ng kwarto.
Pumunta ako sa lugar na iyon. Pagkapasok ko sa butas ay walang tao kundi ako lang. Pupunta kaya ngayon si Red dito? Maibabalik ko kaya itong jacket sa kanya?
Umakyat ako sa treehouse at naupo. I can wait here just by looking at this sparkling place. Hinding hindi ako magsasawang tingnan ang mga kumikinang na puno, bulaklak, tubig at buong paligid. Lumipas ang ilang oras, wala pa ding Red na nagpakita. Nasaan ba 'yon?
Nakakainis talaga ang mahangin na 'yun. Hindi ba naman magpakita kung kailan hinihintay ko? Tapos biglang susulpot tuwing hindi inaasahan? Nakakainis. Hindi ko na mabilang kung nakailang irap na ba ko dito.
Bumaba na 'ko ng treehouse at naglakad pabalik sa butas. Ugh! I hate him so much! I hate him for not showing!
Ramdam kong bumigat ang pakiramdam ko. Naninikip ang dibdib ko. Nakakainis siya. Paghintayin ba naman ako sa wala? Sinong hindi maiinis? Ramdam ko ang pagtutubig ng mga mata ko. Nang may tumulo ay agad ko itong pinunasan.
"Ba't ka umiiyak?" Rinig ko ang boses ng taong hinintay ko ng ilang oras. Ba't ngayon lang siya nagpakita?
"Ako? Umiiyak? Asa ka. Ba't naman ako iiyak?" Hinarap ko siya nang buong tapang. Ginawa ko ang makakaya kong hindi mabasag ang boses habang sinasabi iyon.
"Hindi ko alam. Kaya ko nga tinatanong sa'yo kung bakit ka umiiyak eh." Nasapo ko na naman ang aking noo. Seriously? Ba't ganito ang mahangin na 'to? Kung sabagay, hindi pa ba ako nasanay? Red will always be Red.
"W-wala. Napuwing lang," umiiwas sa kanyang mga tingin kong sagot. Lumapit siya at hinawakan ang baba ko. Iniangat niya ito at inilapit sa kanya. Inoobserbahan niya ang mga aking mga mata. Halos hindi na 'ko makahinga sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Hindi ka napuwing. Nakita ko sa mga mata mong hindi ka napuwing. Why are you crying huh?" Tanong niya nang may pag-aaalala sa kanyang mga mata.
Hinawi ko ang kamay niya at humakbang paatras. I can't stand being that close with him. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga at mamamatay kapag nanatili pa kami sa gano'ng posisyon.
"Eto na nga pala ang jacket mo," I said. I handed him the blue jacket. Tinanggap niya ito at nagtatakang tumingin sakin.
"Sige una na 'ko," pagpapaalam ko. Tumalikod na ako at nag umpisa ng maglakad palayo.
Nang maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko. Napatigil ako dahil dito. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng parang nakuryente ang balat ko ng magdikit ang mga aming mga balat.
"Wait. Ba't mo 'to binibigay sakin?" Tanong niya. Hinarap ko siya at sumagot.
"Dahil sa'yo yan. Dapat lang na ibalik ko 'yan sa'yo!" Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko. Naiilang na 'ko sa hawak niyang 'yun.
"Hindi 'ko 'to tatanggapin. Sa'yo na yan." Napanganga ako sa kanyang sagot.
Kinabukasan, pagkatapos ng klase ay palabas na ko ng classroom ng may tumawag ng pangalan ko. Nakita ko si Prinz habang nakasandal sa pader habang na cross ang kanyang mga braso. He looks really cool with it. Bumali ang leeg niya ng tumingin ako sa kanya. Unti-unti akong humakbang at lumapit.
Napansin ko na nakasuot siya ng salamin ngayon. His glasses didn't made him look like a nerd, it makes him look cooler. Mukha talaga siyang detective.
"So... What's your decision? Is it a yes?" He asked.
I slowly nodded my head. Ilang araw ko 'tong pinag isipan at napag desisyunan kong.. pumayag. This is for our school after all. Ang gagawin kong ito ay para sa kaligtasan ng mga Dreamers.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasíaShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...