Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanyang magkabilang mga mata. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanyang sinabi.
"Ugh!" Narinig ko ang boses ni Prinz papunta sa direksyon namin.
Agad akong hinapit ni Red papunta sa kanya at iniwas sa tumalsik na si Prinz. Napalingon ako sa kanya. Nakahandusay siya ngayon sa lapag. Agad kaming napatingin sa kanyang pinanggalingan.
Nakita namin ang lalaki na nagpatalsik kay Prinz papunta sa aming direksyon. Base sa ekspresyon ng kanyang mukha ay isa siyang kalaban.
May tahi ito sa kanyang kaliwang mata kaya ang kanang mata niya na lamang ang nagagamit niya. He also have this scary aura that you'll get scared just by looking at him.
Wala siyang hawak na kahit anong armas pero sa tindig niya ay masasabi mo na agad na napakalakas niya. Dahil hindi niya naman mapapabagsak si Prinz kung hindi siya malakas.
Agad akong napatingin kay Blaster nang tumakbo siya papunta sa kalaban.
Habang papalapit siya sa kalaban ay patuloy siya sa pagbabato ng apoy. Kahit natatamaan ang kalaban ay wala man lang itong karea-reaksyon. At doon ko napagtanto na sobrang lakas nga niya dahil maging ang malalakas na pag-atake ni Blaster ay walang epekto sa kanya.
Agad kaming dumalo ni Red kay Prinz na nahihirapang tumayo.
"Prinz!" I called. Nang makalapit ay sabay namin siyang itinayo. Napa-ubo si Prinz ng ilang beses. Ang kanyang mukha ay nakabalot katulad ng sa mga ninja. He's also wearing an all black suit. Doon ko napagtantong isa siyang ninja.
Halata rin sa kanyang itsura ang pagod at na nahihirapan na siya. Maaaring kanina pa nila kinakalaban ang hari ng Phiyr kaya pagod na siya.
Napansin namin na mas lalong lumala at dumami ang dugo na nanggagaling sa balikat niyang may sugat. Halos mapuno na ng dugo ang kanyang shirt dahil dito. Red hurriedly get his handkerchief in his pocket. Itinali niya ito sa balikat ni Prinz. Napadaing pa siya sa sakit habang itinatali ito sa kanya.
"Ugh. Thanks." Pagpapasalamat ni Prinz ng mahimasmasan na siya kahit papano sa kanyang sugat.
Tatayo na sana siya pero agad namin siyang nahawakan sa braso at pinigilan.
"Pero kailangan kong tumulong.." He uttered. Bakas din na nanghihina na siya dahil sa kanyang sa boses. Nahihirapan na siyang magsalita at gumalaw.
Sinubukan niyang tumayo pero dahil sa kanyang sugat ay nawalan siya ng lakas at napaupo muli. Inalalayan agad namin siya.
"Yza, ikaw munang bahala sa kanya. Tutulong ako kay Blaster." Napatingin ako sa mga mata ni Red. He's looks so serious about what he had said. Ramdam kong bumilis ang pintig ng puso ko. Umakyat ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko maiwasang mag-alala sa gagawin niya.
"But..." Hinawakan niya ang aking braso at hinila ako papalapit sa kanya. He hugged me. I felt the warmth of his body. Makalipas ang ilang segundo ay unti-unti na siyang kumalas. Tumango siya saakin at tumayo.
Tumalikod at nagsimula na siyang humakbang nang magsalita si Prinz.
"What are you going to do? Kakalabanin mo ang hari niyo?" Tanong ni Prinz. Napalingon si Red sa kanya.
Ako naman ay napatingin sa magiging reaksyon ni Red. I tried to read his eyes but I saw nothing. Walang ekspresyon ang kanyang mga mata.
"Kung kailangan, gagawin ko. Basta maging ligtas lang ang mahal ko," he responded. Bumilis ang pintig ng puso ko sa narinig.
Bumaling si Red saakin at tinitigan ako sa mga mata.
"Don't worry I'll be back. I promise," he said in a serious tone.
"M-Mag-iingat ka." Pinipigilan ko ang sarili kong lumapit sa kanya para pigilan siyang umalis.
"Of course I will. 'Wag kang mag-alala, pagbalik ko ay gwapo pa din ako," tugon niya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanyang sinabi.
Kahit sa ganito kaseryosong oras ay nagagawa niya pa din akong pangitiin at inisin sa pagiging mahangin niya.
Tumalikod na uli siya at nagsimulang humakbang.
"He'll do everything just for you, huh?" Napalingon ako kay Prinz. Seryoso ang kanyang mukha nang tanungin iyon. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Hindi ko maiwasang pigilan ang aking ngiti.
Naisip kong hindi ko dapat pinapairal ang kilig sa ganitong sitwasyon. Everyone's life is in danger.
Rylee and Kiel are with the Dad, Miss Willa and Sir Wayn fighting the enormous dragon. While Red, Blaster and Sir Heat are risking their lives, trying to defeat the King of the Phiyr.
Ginagawa nila ang mga bagay na iyon para sa Dream High. Handa silang ibuwis ang kanilang buhay para sa katahimikan at kaligtasan ng mga Dreamers.
And here I am, sitting and watching other people risking their lives. Nandito lang ako napapanood ang pagtalsik ng dugo mula kina Red, Blaster at Sir Heat.
Ano nga ba ang magagawa ko? Isa lang akong Dreamer na napapaginipan ang future. Na walang ibang kayang gawin kundi ang umasa sa iba. Na hayaan lang ang ibang magtanggol at lumaban para saakin.
Nakita ko si Blaster na gumagawa ng isang napakalaking bola ng apoy sa kanyang kamay habang nakikipaglaban sina Red at Sir Heat sa kalaban kaya hindi niya ito napapansin.
Ilang segundo ang lumipas ay naging napakalaki nito. Nang makahanap ng tiyempo, ibinato niya ito sa kalaban at ito'y napapitlag.
Bumagsak ito pero mabilis na nakabangon at inunat niya ang kanyang kamay papunta sa harap. Sa isang iglap, tumalsik sina Sir Heat, Blaster at Red dahil dito. Maging ang lupa at mga halaman malapit sa kanila ay tumalsik dahil dito.
"Red!" I shouted. Mula dito ay kitang-kita ko na nahihirapan na siyang tumayo at muling lumaban. Ganun din sina Blaster at Sir Heat.
It breaks my heart seeing the people close to me in pain. Unti-unting tumayo si Red. Sumugod siya ngunit isang napakalakas na impact sa tiyan niya ang kanyang inabot.
"He's too strong. Walang makakatalo sa kanyang abilidad. Hindi lang siya kilala bilang Hari ng Phiyr, isa rin siya sa mga pinakamalakas na Secret. Ang mga Secrets ay kayang kontrolin at pagalawin ang kahit anong malapit sa kanya. But he's so powerful that he can use that to fight. Kaya niyang makipaglaban sa pamamagitan lang ng pagkontrol sa kalaban niya." Napalingon ako kay Prinz.
Nanaig ang takot sa katawan ko. Ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo sa braso ko. Fighting the King of the Phiyr is definitely a life-risking move.
"But, there's still a way to defeat him." Nagkaroon ako ng pag-asa ng marinig iyon. Hindi makapaghintay sa kanyang sasabihin akong napatingin sa kanya.
"Ang kahit sinong may kapangyarihan ay maaaring mamatay dahil sa lason." Huminto siya at lumunok. Nahihirapan man sa pagsasalita dahil kalagayan niya ngayon ay nagpatuloy siya, "Years ago, we made a canon that contains a very dangerous poison. Matagal na namin itong hinahanda para magamit sa ganitong pagkatataon. At ngayon, dumating na ang tamang pagkakataon. Dumating ngayon dito si Tyrant, ang Hari ng mga Phiyr. He's too desperate to get our book called Dream. But little did he know that he came to the place where he can have his last breath." He explained.
Kung ganoon, matatalo namin si Tyrant na hari ng mga Phiyr na gamit ang kanyon na iyon.
Everyone's lives can be saved then. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. We still have a hope.
"And that poisonous canon that we made is called 'Pharmakon Canon'."
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...