Habang tumatakbo ay nakikita namin ang mga Dreamers na nakikipaglaban sa mga Phiyr. Mabuti na lang at may secret weapons ang mga Glamours kaya nakakalaban pabalik ang mga tulad ko na Glamour din.
Nagmadali kaming pumasok sa building at umakyat ng hagdan. Nang pumihit kami papunta sa isang hagdanan ay may dalawang Phiyr ang sumalubong. Agad kaming naalerto.
"Ako nang bahala dito." Sambit ni Harry. Napatingin kami sa kanya. Hindi naman siguro siya sasaktan ng kanyang kapwa Phiyr. At maaari ding tumulong ang mga ito para makuha nila si Red at maibalik sa kanyang grupo. Tumango ako at nagpatuloy na kami umakyat.
Hinihingal man ay nagpatuloy kami sa pag-akyat. Nang sa wakas ay nakita na namin ang pinto papunta sa rooftop at nagmadali kami lalo.
Pagbukas namin ng pinto ay nakita namin nakikipaglaban si Dad sa isang higante. May isang tao ang nakasakay sa higante na siguro ay amo nito. Nang makalapit kami ng tuluyan sa kanila ay napagtanto kong ang higante ay isang dragon. Napatingin saamin si Dad.
"Yza! Anong ginagawa niyo dito?! Umalis na kayo dito! Mapapahamak lang kayo!" Sigaw niya. Pansin ko ang paglingon saamin ng kanyang kalaban.
"Tutulong lang kami Dad!" Tugon ko. Nakita namin ang mga leaders na nakahandusay na sa sahig. Agad namin silang nilapitan. Naiwan si Kiel at Blaster sa tabi ni Dad para tumulong.
Nang makalapit kami ni Rylee sa leaders ay nakita namin ang pagod sa kanilang itsura. Malamang ay kanina pa nila kinakalaban ang dragon kaya napagod na sila. Ganun kalakas ang higanteng ito at napabagsak niya ang mga leaders?
Napalingon ako sa dragon. Ito ay kulay berde at kita ang matalas nitong pangil sa kanyang bibig. May pakpak din ito at sa itsura niya ay talagang nakakatakot. Habang kinakalaban ito ni Dad ay pansin kong bumubuga ang dragon ng apoy. Mabuti na lang at nakakaiwas si Dad.
"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko kay Miss Willa habang hinahawakan ang kanyang ulo at inilalagay sa aking hita. Tumango ito.
Napalingon ako kay Sir Wayn na napatayo. Rinig namin ang kanyang daing sa masakit niyang katawan. Puro galos na din ito. Sinubukan namin siyang pigilan dahil hirap na hirap na siya pero nagpatuloy pa rin ito. Tumakbo siya at sumugod sa dragon. Naging matalas na patalim ang kanyang braso at naging bakal ang buong katawan niya.
Naalala ko ang sinabi noon ni Kiel na ang katawan ni Sir Wayn ay nagiging armas. This is the first I'm going to witness it.
He hit the dragon. Napaatras ito. Inilahad ni Sir Wayn ang kanyang braso at may lumabas na apoy mula sa kanyang kamay. But the dragon jumped and dodged the fire. Tumalon si Sir Wayn at nakita ko ang pagbabago ng kanyang braso. Naging baril ito na malaki at pinatama ang dragon.
Natakpan ng usok ang kanilang labanan. Ilang sandali ang nakalipas bago ito mawala at nakita namin ang nangyari sa kanila.
Si Sir Wayn ay lumilipad ngayon kapantay ang dragon. May apoy na lumabas sa talampakan ng kanyang sapatos dahilan ng kanyang paglipad.
"Yza." Napalingon ako kay Miss Willa ng tawagin niya ang aking pangalan.
"Please help Prinz and Heat. They need help." Sambit ni Miss Willa. Kumunot ang aking noo.
"Pero..paano po kayo?" Tanong ko.
"Mas kailangan nila ang tulong niyo. Ang hari ng Phiyr ang kalaban nila ngayon. At ang dragon na kalaban naman namin ngayon ay ang kanyang alaga. Kaya na namin ito. Sige na, pumunta na kayo doon. Please."
Nagdadalawang-isip man ay iniwan namin ang mga leaders at nagtungo kami sa lugar na sinabi ni Miss Willa kung nasaan sina Prinz.
Kaming dalawa ni Blaster ang magkasama. Si Rylee at Kiel ay naiwan kasama ng mga leaders para kalabanin ang dragon.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasiaShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...