Mapapatunayan kong ayun nga ang future kapag nangyari nga talaga ito mamaya.
Naglakad ako papunta sa kama para kuhanin doon ang phone ko nang may makita akong sticky note sa bedside table mula sa gilid ng aking mga mata. Lumapit ako at kinuha ito. Binasa ko ang nakalagay dito.
'See you again to the place where we talked yesterday.'
Ayun ang nakalagay sa letter. I have a guess that Red sent me this. If so, then Red wants to talk with me again?
Napatunayan kong totoo nga ang nakita ko sa isip ko dahil ang scene na kaharap at kausap si Red. It's the same like what I saw in my mind a while ago.
Ibig sabihin, nakikita ko din ang nangyayari kahit na hindi ako nananaginip? Bakit wala namang nasabing ganito ang guro namin? Wala siyang naiturong ganun. Kaya hindi ko alam na pwede ko pa lang makita pa din ang mangyayari sa future kahit hindi ako nananaginip.
"Hey. Nakikinig ka ba?" Nabalik ako sa reyalidad dahil sa boses ni Red. Nakatunganga na pala ako dito at kung ano ano ang iniisip.
"Sorry. May iniisip lang ako," I uttered. Huminga ako ng malalim at napabuga sa hangin. Pilit kong inalis sa aking isipan ang mga tanong na nabubuo dito.
"Miss mo na siguro ako 'no? Tanggap ko namang minsan ka lang nakakakita ng ganito ka gwapo kaya sige, sulitin mo ng pakatitigan ako." Napabuga muli ako sa hangin sa narinig. Kailan ba nawala ang kahanginan ng lalaking 'to?
"Ewan sa'yo."
"Oo nga pala, bakit kailangang bantayan ako ni Sun?" Tanong ko. Naalala kong siya nga pala ang nagbigay kay Sun saakin.
"Sun?" Nagtataka niyang tanong. Kita sa mukha niyang wala siyang ideya kung sino si Sun.
"Yung bulaklak na binigay mo," I said. Nagliwanag ang kanyang mukha nang malaman ang tinutukoy ko.
"Ah. Napag utusan lang." Kumunot ang noo ko. Napag utusan?
"Nino? Nung lolo mo?" Tanong ko Naaalala ko dati nung na-kidnap ako. Sabi nila ni Harry, sinusunod lang daw nila ang utos ng lolo nila sa kanila.
He nodded his head.
Bakit naman gustong may magbantay sakin ng lolo niya? Did he know me? Isang tanong na naman ang nabuo sa aking isipan.
"Kilala ba ko ng lolo mo?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko.
"I don't know. Ang gwapo ko daw kasi." Napa-iling na lang ako sa kanyang sinabi. Ano connect? Hays.
"Tara," Pag-aaya niya. Tumayo siya mula sa inuupuang bato kanina at nagpagpag ng damit. Inayos niya din ang nalukot na shirt niya.
"At saan naman tayo pupunta?" I asked while raising my eyebrow.
"To an enchanted place," he answered. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Enchanted?
Nagsimula na siyang humakbang. Kahit hindi ko alam kung saan siya pupunta ay sumunod ako. Anong trip nitong mahangin na 'to?
"Baka kidnappin mo na naman ako?" Biro ko at napatigil siya sa kanyang paglalakad. Humarap siya saakin at umiling. He smirked. I crossed my arms.
"Asa ka naman. Ano ka, mayaman na hihingan namin ng ransom? Tsk tsk, feelingera." Nagpatuloy siya sa paglalakad. Napabuga ako sa hangin at sumunod na lang sa kanya. Bahala na. Pakiramdam ko naman, hindi na niya uli ako kikidnappin eh.
Naglakad kami papunta direksyon ng dulo ng Dream High. May isang building di kalayuan saamin ang natatanaw ko mula dito. May natatanaw din akong mga puno at matataas na damo naghuhudyat na nandito na kami sa dulo ng Dream High. Wala na ring masyadong tao ang makikita dito. Ano kaya ang ginagawa namin dito?
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasiaShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...