Chapter 45 : An Unveiled Identity

106 4 0
                                    

"Kiel!" Sa sobrang tuwang nararamdaman, tumakbo agad ako papunta kay Kiel at yumakap. Bahagya itong nagulat.

And for the second time, Kiel is here to save me again. Mabuti na lang at nandito na siya.

Kumalas ako at hinarap siya. Nakatitig lang ito saakin nang may naguguluhang mukha. I wonder why he have a reaction like that. Masyado ba siyang nagulat sa bigla kong pagyakap sa kanya?

"Sorry....masaya lang ako na nandito ka na..." Nahihiya kong sabi at umiwas na lamang ng tingin.

"It's okay. I think we should go now," matigas at maawtoridad niyang sabi. Nag-angat ako ng tingin dahil sa kakaiba niyang ikinikilos. Ang mga mata nito ay walang ekspresyon. Nakatitig lang ito nang deretso.

"Kiel? Ayos ka lang ba? Do you have a problem?" Tanong ko. Pansin kong bahagya itong nagulat sa tanong ko. Agad itong bumawi ng ekspresyon at bumalik sa may malalamig na titig.

"I'm fine. Let's just go. You need to go out now." Tumalikod na ito at humakbang palabas ng pinto. Naguguluhan man ay sumunod ako sa kanya palabas ng k'warto.

Bumungad saamin ang isang mahaba at madilim na hallway. I don't know why but this place reminds me of something.. Pakiramdam ko ay nanggaling na ako sa lugar na ito noon. Ngunit hindi ko lang maalala kung kailan.

Sumunod lang ako kay Kiel sa paglalakad. Nakatitig lang ako sa likod niya dahil masyado akong natatakot sa lugar na ito. 'Wag kang matakot, Yza. Kiel is here with you. He's here to save you.

Nang biglang huminto si Kiel dahilan ng pagkabangga ko sa kanyang matikas na likod. Hinimas ko ang aking ilong na tumama sa kanyang likod.

"B-Bakit? Ba't ka tumigil? Is something wrong?" Nagtataka kong tanong kay Kiel. Nanatili lang itong nakatalikod. Hindi ako sanay sa taong kasama ko ngayon. Masyado siyang malamig. Pakiramdam ko ay hindi na siya si Kiel na kilala ko.

Kiel is a Secret. I know that he can read what's in my mind all this time yet he's still a stone cold. Inilagay niya ang kanyang kamay sa bulsa at akmang may kukunin.

Nang bigla ko na lang naramdaman na hindi na ako nakatungtong sa lupa. I felt someone's hands in my waist and carrying me.

Ang mas nakakapagtaka pa ay hindi ko nakikita kung sinuman ang bumubuhat saakin ngayon. Is he invisible? Tumakbo ito palayo habang buhat-buhat ako. Para akong lumilipad sa hangin dahil doon. Pansin ko ang pagkagulat sa mukha ni Kiel na makita akong papalayo sa kanya habang lumulutang sa ere. Sinubukan kong gumalaw at umalis sa bisig ng invisible na may buhat saakin ngunit hindi sapat ang aking lakas.

Mabilis ang takbo ng kung sinuman ang bumubuhat saakin. Hanggang sa nakarating kami sa labas. Maraming puno ang lugar na ito. Puno ng kulay berde na mga halaman at puno ang paligid.

Naramdaman ko na lang na inilapag na ako ng bumuhat saakin sa tabi ng isang malaking puno. At unti-unting lumitaw ang pigura ng isang lalaki sa aking harap.

Nakasuot muli ito ng mask kaya ang mga mapupungay n'yang mata lamang ang nakikita sa kanyang mukha. Nakasuot ito ng itim na leather jacket at itim na fitted pants.

Nagtitigan lang kami sa mata ng bawat isa nang ilang segundo. I don't know what to say. I don't know how to react now that he's here in front of me. The anger wants to come out of my body and burst it out to him. But something's telling me that I am happy to see him again.

Ginulo niya ang kanyang buhok at tila naguguluhan kung ano ang sasabihin niya.

"Please let me explain," bulong niya ngunit sapat ang lakas nito upang marinig ko.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon