Grabe ang sarap talaga ng mga pagkain dito! Lalo na yung pasta. Ngayon lang ako nakakakain ng ganto kasarap na pasta!
"It's delicious right?" Tanong ni ate Yvonne.
"Oo nga, ngayon lang ako nakatikim ng ganto kasarap na pasta! School ba talaga 'to? Ang sasarap kasi ng mga pagkain eh! Wala namang gantong pagkain sa canteen sa school. Parang nasa restaurant tayo!" Manghang banggit ko.
"Hahahaha! As expected, mamamangha ka talaga sa school na 'to. Yes, this is a real school. A school that you've never imagined before," Ate Yanna said.
"Hayaan mo mamaya, ipapasama kita kay Kiel para i-tour ka dito sa school," Dad said.
"Kiel? Who's that?" I asked.
"You'll know later," singit ni ate Yanna.
After eating lunch, nagpaalam akong babalik sa kwarto at mag-cr muna ako dun. Sasakay ako ng elevator para makapunta dun. Pagbukas ng pinto ng elevator, nadatnan kong may lalaki sa loob. Nagkasalubong ang aming mga mata. Hindi ko maiwasang titigan ang kanyang perpektong mukha na mapapatingin ang lahat ng babae kapag nakita. Ang ganda ng mapapupungay niyang mga mata, mahahaba ang kanyang mga pilikmata at ang labi niya'y mamula-mula pa. Nakasuot din siya ng bonnet na lalong nagpadagdag sa good appeal niya.
Pero s'yempre, hindi ko siya tinitigan ng matagal para matitigan ang mukha niya. Dahil mahahalata niya ako pag tinagalan ko ang titig ko sa kanya. Isang tinginan lang yun at nakita ko na agad ang magagandang features ng mukha niya.
May powers din kaya siya? Ano naman kayang powers niya?
"What floor are you going to?" Natigil ako sa pag-iisip ng bigla siyang nagtanong. Nakakagulat naman to. Kung makapag salita parang may galit sakin eh.
"Ummm...." Hindi ko nga pala alam kung anong floor yung kwarto ko! Ba't kasi hindi ko tiningnan kanina eh.
"Tsk." Pinindot niya ang 5 button. So ibig sabihin nasa 5th floor pala ang kwarto ko. Pero...pa'no naman kaya niya nalaman na dun ang kwarto ko?
Hindi kami nag-imikan nung lalaki at nung nagbukas na ang pinto ay nagpasalamat na lang ako sa kanya at lumabas na.
Nagtungo ako sa CR sa kwarto ko. Pagkatapos ay lumabas na muli ako dahil wala naman akong magawa sa loob ng k'warto.
Naglalakad ako sa hallway ng biglang may narinig akong may nagsasalita.
"Yes. I'm here. Ginagawa ko na ang trabaho ko." Dinig kong sabi nung lalaking narinig kong nagsasalita.
That voice seems familiar to me. Sino kaya yung nagsasalita? Tsaka ano kayang trabaho ang tinutukoy niya?
Siguro ay may kausap siya sa phone. May narinig akong yabag ng mga paa na naglalakad din sa hallway. Agad akong nagtago sa may pader para hindi niya ko mapansin na narinig ko ang sinabi niya.
Baka kasi mamaya ay magalit sakin yung taong yun kung sino man siya pag nakita niya ko nandito at narinig ang sinasabi niya sa kausap niya sa phone.
"Hey! What are you doing?" May narinig akong boses sa aking tabi. Halos mapatalon ako at napahawak sa may dibdib ko nang biglang may nagsalita sa tabi ko.
"Opps..sorry kung nagulat kita," sabi nung babae. Napatingin ako sa kanya. Kulay asul ang buhok niya. Sa tingin ko ay kaedaran ko lang siya.
Totoo nga siguro ang sinabi sakin ni ate. May kapangyarihan nga ang mga nag-aaral dito. Ano naman kaya ang kapangyarihan niya?
"Wow! You've got red hair! Halika, pasok ka sa room ko." Hinila niya ako papunta sa kung saan. Mabuti na lang ay wala na yung taong nakikipag-usap sa phone kanina sa hallway.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...