Chapter 28 : Insane

104 5 0
                                    

"Sorry po sa pakikialam pero... Hayaan po muna sana nating magsalita si Yza tungkol sa nangyari kanina." Napatingin ako kay Kiel.

"Tell them. Hindi dapat ikaw ang sinisisi nila sa nangyari," Bulong ni Kiel.

Binuka ko ang bibig ko pero itinikom ko uli. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.

Siniko ako ni Kiel. He nodded and looked at me telling that I should speak.

"Nakita ko po kasi ang mangyayari..makukuha ng Phiyr na yun ang libro. Kaya po ginawa ko 'yun. Ayun lang ang naisip kong gawin para mapigilan ang mangyayaring hindi maganda."

"Ano?! Nakita mong makukuha niya ang libro?!" Napapitlag ako sa sigaw ni Miss Willa na nanaig sa buong kwarto. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. I slowly nodded.

"Pa'no naman kaya 'yun nangyari? Well, atleast you did something to stop what's going to happen." Sagot niya habang tumatango.

"Pero habang hinahabol natin ang Phiyr na 'yun, bigla siyang nawala." Napatingin kami lahat kay Sir Heat sa sinabi niyang 'yun. Biglang nawala?

"That's true. We did our best chasing him, but he suddenly dissappeared. I don't know how that happened." Sagot ni Prinz Skie.

"Nagbato pa 'ko sa kanya ng madaming kutsilyo! Pero bigla siyang nawala!" Sigaw naman ni Sir Wayn.

Pagkatapos ng meeting, lumabas na kami ni Kiel sa headquarters.

"Sa tingin mo, paano kaya biglang nawala ang Phiyr na 'yun?" I asked Kiel while we were walking.

"Hindi ko nga din alam. Iniisip ko din kung ano kaya ang ginawa ng Phiyr na 'yun at biglang nawala."

Posible kayang naging invisible ang Phiyr na hinahabol nila kaya biglang nawala? Tulad ng ginagawa ni Red?

"Yow! Wassup?!" Nakasalubong namin si Blaster.

"Ayos ka lang ba, boss? Ba't ganyan mukha mo? Mukha kang problemado. May problema ba?" Nagkwento kami ni Kiel tungkol sa nangyari kanina.

Maging si Blaster ay napapaisip din kung paano biglang nawala ang Phiyr na hinahabol ng leaders kanina.

Nagpunta ako sa bawal na lugar. I just want a peace of mind by looking at the beautiful place there.

Nauna na sina Kiel at Blaster kaya dumeretso ako dito.

Pagkapasok ko, umakyat ako sa treehouse at naupo. Pakiramdam ko ay nawala ang mga iniisip ko ng makita ang kumikinang na lugar mula dito.

Inikot ko ang mga mata sa paligid. I saw something weird. Sa tabi ng waterfalls, may nakita akong kulay blue ang kinang at may nakatakip na dahon doon. What's with that?

Bumaba ako ng treehouse at nilapitan 'yun.

Habang lumalapit ay mas nakikita ko ang pagkinang nito na kulay asul.

Dahan dahan kong tinanggal ang mga dahong mula sa katabing puno na nakatakip dito. At nanlaki ang mga mata ko ng makita ang nakasulat.

GLEAM PARADISE.

"Gleam Paradise." Wow. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda nito. Maybe it's the name of this wonderful place?

"Yza?" Napatingin ako sa aking likod. I saw two men looking at me. Si Red na nakangiti ang isa. Napatingin ako sa tabi niya at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

At his side, there's Harry smiling at me too. Napayakap ako sa kanya.

Nang mapagtanto ang biglaan kong pangyayakap sa kanya, agad akong kumalas.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon