"Ilang araw ang nakakalipas, may mga nanloob dito sa Dream High at nakuha nila ang anak ko." Nagtinginan ang lahat sakin. Ramdam ko ang pagkailang sa tingin nila sakin.
"At nang nagpunta sila sa outside world, umatake din ang Phiyr sa kanila," paliwanag ni Dad habang nakatayo sa unahan at palakad lakad. Nakikinig ng mabuti sa kanya ang mga leaders.
"Wala na dapat ang pumunta pa sa outside world. Masyadong delikado. Lalo na sa mga Glamours." Napatingin ang lahat sa nagsalita. Siya ang nag iisang babae sa mga leaders.
"Willa, dapat ay na eexpose sa ganung mundo ang mga Dreamers. Mas madali silang matututo dun." Sagot nung lalaking may nakaharang sa isang mata na bilog na tela na nakatali sa ulo niya.
"Pagkatapos ng nangyari? Hindi na dapat maulit 'yon!" Sigaw nung babae na tinawag na Willa ang nanaig sa kwarto.
"Sigurado akong maraming natutunan at naranasan ang mga Dreamers na pumunta sa outside world." Sabi naman ng isang lalaking mukhang ka edad lang namin. He looks like a detective. Naka suot siya ng suit na pang anime at naka cross ang mga braso niya sa dibdib niya.
"Pero ang kapahamakan na nangyari ay hindi na dapat maulit pa. The Dreamers, especially the Glamours should be protected. They should be trained enough too. Para handa sila sa kung ano mang kapahamakan ang mangyari sa kanila." Sagot ng isang lalaking may usok na lumalabas mula sa katawan niya. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako kung may usok ba talaga na nanggagaling sa katawan niya o ano.
Natapos ang meeting. Madami pang pinag usapan ang mga leaders. Hindi ko nga alam kung bakit dinala pa ko ni Kiel dun. Pero kung mag usap naman kanina ang mga leaders ay wala silang pakialam kung may nakikinig ba sa kanilang iba. Well, sabi naman ni Kiel pwede naman daw na nandun kami kanina at nakikinig sa kanila dahil Dreamer din naman kami dito.
Nalaman ko na lahat pala ng Dreamer na pinapunta sa outside world ay sinundo at pinabalik sa Dream High pagkatapos ng nangyari sa team namin. Nung 'na atake' kami sa bahay namin at napana ako. Iniisip kasi nila ang kaligtasan ng mga Dreamers sa outside world kaya sinundo na agad sila.
Kaya ngayon ay may pasok uli. Hindi ako nakapasok dahil nga sa kondisyon ng paa ko. Kasama ko ngayon si Kiel at naglalakad kami papunta sa rooftop. Ang rooftop kung saan ako na kidnap.
May kirot pa rin akong nararamdaman sa binti ko pero okay lang. May elevator naman paakyat dun kaya konting lakaran lang.
"Baka iwan mo na naman ako dito, Kiel?" I asked Kiel when we arrived at the rooftop.
"Hindi. Bakit naman kita iiwan dito?" Okay. Hindi naman na siguro gagawin uli ni Kiel 'yun.
Naalala ko kasi ang nangyari dati. Iniwan niya ko dito sa rooftop at dumating ang mga Phiyr na sina Harry at Red kaya na-kidnap ako.
Nag-indian seat kami at tanaw na tanaw mula dito ang Dream High. Ang buhok ko din ay hinahangin dahil sa malakas na hangin dito.
Mula dito ay nakikita ko ang mga leaders na naglalakad.
Itsura pa lang nila ay mukhang malalakas na sila.
"Tama ka, malakas nga sila." Oo nga pala. Nakalimutan kong nakakabasa nga pala ng isip ang kasama ko ngayon.
"Ang lalaking may usok na lumalabas mula sa kanyang katawan ay si Heat. Napaka init ng katawan niya na kahit anong klaseng bakal ang dumikit ay matutunaw." Whoa. Napaka lakas niya. Kung bakal ay agad natutunaw madikit lang sa katawan niya, tao pa kaya?
"Ang lalaking naka suit naman ay si Prinz. Napaka talino niya. Nakakabasa din siya ng isip, lahat ng kayang gawin ng Secrets ay expert siya." Halata nga sa itsura niya na sobrang talino niya.
"Ang pangalan nung babae ay Willa. Ang mahaba niyang buhok ay nakakapatay ng tao. Kasing tibay ito ng bakal pag natali ka nito."
"Ang lalaking may takip ang kaliwang mata ay si Wayn. His body can be a weapon. Ang kamay niya ay kaya niyang gawing baril. Kaya ng katawan niyang maging kahit anong klaseng armas."
Grabe yung mga kapangyarihan nila. Sa lakas nilang yan, nagbabalak pa ang mga Phiyr na umatake dito sa Dream High?
"Bakit wala sila nung nilusob ng mga Phiyr ang Dream High?" Wala sila dito noong araw na na-kidnap ako kaya nakakapagtaka.
"They went out for a mission. Kaya si Sir Zane lang ang nandito noong araw na 'yun. Sir Zane is in charge here in Dream High. Kaya hangga't maaari, hindi siya umaalis dito para mabantayan ang Dream."
Kamusta na kaya si Red? Ano na kaya ang ginagawa ng mahangin na 'yun?
"Why are you still thinking about him? Siya ang rason kung bakit nangyari ang nasa binti mo, Yza. Hindi ka mapapana at magkakasugat kung hindi tayo naatake ng mga Phiyr. At dahil yun sa kanya."
"Huh?"
"You're thinking about Red." Nalimutan ko na naman na nakakabasa pala siya ng isip.
"Naniniwala ka rin bang... Siya nga talaga ang dahilan kaya tayo naatake ng mga Phiyr? Na siya ang nagsabi sa mga ka grupo niya na aatakihin at tinuro niya ang bahay natin?"
"Eh sino pa ba? Yza, nakita mo naman ang tattoo niya. That means he's a Phiyr! Siya ang dahilan kung bakit tayo naatake!" Patukoy niya sa tattoo ni Red sa wrist. Pag may tattoo na kulay pulang araw ay ibig sabihin miyembro siya ng Phiyr. Ayun ang simbolo nila.
"Anong nangyayari dito? Ba't mo sinisigawan si Boss?" Biglang sumulpot si Blaster sa tabi ko. Nanahimik ako. I don't want Red to be our topic anymore.
"Hello? Yuhoo! May kausap ba ko dito?"
"Boss, kamusta na yang binti mo? Nailalakad mo na ba?" Blaster asked.
"Oo. Kaya ko ng ilakad."
"Buti naman. Hindi ko hahayaang mangyari uli sa'yo yan boss. Hinding hindi ako makakapayag. Pag nakita ko uli ang Claude na 'yun, gagawin ko talaga siyang abo!" May nakita pa kong apoy mula sa kamay niya.
"Ano nga pa lang nangyari nung nawalan ako ng malay?" Hindi ko alam ang nangyari nung nagdilim na ang paningin ko nung napana ako.
"Ginawa siyang yelo ni Rylee. Tapos, pinabayaan na namin siya at dinala ka na namin dito. We can't call a police to catch them. Hindi sila normal na tao kaya makakatakas pa rin sila kung sakaling makulong sila." Si Kiel ang nagpaliwanag.
Naiihi ako bigla kaya nagpaalam akong babalik sa kwarto. Sinamahan nila ako pabalik.
Habang naglalakad kami ay lumapit saamin si Miss Bhea at sinabing may kailangan daw silang gawin ni Kiel kaya nauna na si Kiel. Nalaman kong mag ina pala sila.
Kaming dalawa na lang ni Blaster ang naglalakad papunta sa kwarto.
"Boss, pag may kailangan ka, tawagan mo lang ako ha?" Tumango ako.
Nahatid na niya ako sa kwarto. Umalis din siya pagkatapos. Pagkalabas ko sa cr, napakapit ako bigla sa pader. I suddenly feel dizzy. Kaya napapikit ako. Nang pumikit ako ay nakita ko ang sarili kong naglalakad papunta sa likod ng building kung saan kami nagkita ni Red. Pagdating ko dun ay nakita kong kinakausap ko si Red.
Agad akong napadilat. Ano yun? Is that the future? Nakikita ko ang future kahit hindi ako natutulog at nananaginip?
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...