Chapter 37 : You and Your Team

109 5 0
                                    

"May hula ako kung sino 'yon," saad ni Blaster habang nakataas pa ang kamay. Tumingin kami lahat sa kanya at naghihintay sa sasabihin niya.

Nandito kaming apat ngayon sa kwarto at nagdidiskusyon tungkol sa nakita namin kanina. Tungkol sa sinapit ni Heavenly. Kumirot ang puso ko nang banggitin sa isip ang pangalan niya.

Yes, she betrayed me. Pero para saakin ay isa pa rin siyang kaibigan na pinagkatiwalaan ko. At isang tanong ang iniisip naming lahat dito sa kwartong ito.

Kung sino ang pumatay sa kanya.

"Pakiramdam ko si Issey 'yon," dugtong nito. Nagulat ako nang marinig ang pangalan ni Issey. Kung iisipin, may posibilidad ngang tama ang kanyang sinabi. Simula nang dumating ako sa Dream High at pumasok sa klase, masama na ang tingin niya saakin. Nagagalit siya saakin sa hindi malamang dahilan.

"I also have an idea who did that," Rylee said. Napatingin kaming lahat sa kanyang sinabi.

"Sino?" Tanong ni Blaster.

Huminga nang malalim si Rylee bago nagsalita.

"I don't know if I should say this.. Masamang mangbintang..."

"Just spill it. Tayo-tayo lang naman ang makakarinig," seryosong saad ni Kiel.

"S-Si..."

"Si?"

"S-Si R-Red..." Bumagsak ang balikat at nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi ko akalain na maiisip iyon ni Rylee. Sa lahat ng tao, bakit si Red pa ang naisipan niyang may gawa non?

Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Why?" Tanong ni Kiel nang nakakunot ang noo. Humugot nang malalim na hininga si Rylee at sumagot.

"Look, hinala ko lang naman 'yon. At nakuha ko ang hinalang 'yon nang maalala ang huling ginawa at sinabi saatin ni Heaven nang huling beses natin siyang nakausap. Sinabi niyang hindi lang siya ang traydor dito sa Dream High. At sinabi niyang malapit tayo sa taong iyon. Lalo na sa'yo, Yza. But, don't mind what I said. It's just a hunch... Kahit papaano naman may tiwala ako sa kanya.. Alam kong hindi siya masamang tao. It's just that you can't tell who among the people around you is the traitor. Eh kung si Heavenly nga na mabait ay isa pa lang traydor," pagpapaliwanag ni Rylee.

Hindi ko naman siya masisisi kung 'yon ang naging hinala niya. Pero...hindi ko pa rin maiwasang sumama ang loob dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko maatim na mapagbintangan ng ganon si Red. Bumigat ang loob ko at hindi ko napigilang magsalita.

"Pero hindi siya masamang tao. Hinding-hindi niya magagawa iyon. Kung alam niyo lang kung gaano karaming beses na niya akong natulungan. He had saved me many times before. He even risked his life without hesitating just to save Dream High!" Hindi ko namalayang sumisigaw na pala ako. Kita ko ang gulat sa mga mata nila. Agad naman akong napatungo at nagsisi sa aking naging reaksyon at sinabi. I should have atleast control myself before saying anything. Dapat ay ikinalma ko muna ang aking sarili bago nagsalita. 

"Why?" Napatingin ako kay Rylee sa kanyang sinabi. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Napakaseryoso ng kanyang mukha ngayon. Ibang-iba sa Rylee na masiyahin at palabiro. Ganito pala siya kapag nasa napakaseryosong sitwasyon.

"A-Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong.

"Why are you like that? Bakit galit na galit ka nang sabihin kong si Red ang naiisip kong may posibilidad na gumawa no'n kay Heavenly? Why are you so pissed?" Nagulat ako sa kanyang tanong.

"D-Dahil.." Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Maging ako ay hindi rin alam ang idudugtong do'n.

"Because you like him?" Namilog ang mga mata ko sa kanyang tanong. Maging ang mga kasama namin ay nagulat dito. Lahat ay seryosong nakatingin at naghihintay sa aking isasagot.


Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon