"Sorry ha. Ayaw lang naman namin na mapahamak ka pa. Baka kasi maulit uli yung nangyari dati eh. Nung na kidnap ka." Rylee uttered.
"It's okay. I understand." I said.
"Mabuti naman pala siyang tao. Hindi naman pala lahat ng Phiyr masama." Sambit ni Rylee. I agreed.
"Let's sleep?" Tanong niya. Humiga na rin ako sa kama ko at pinatay ang ilaw.
Paggising ko sa umaga ay as usual nagluto ako ng breakfast. I cooked bacon and hotdogs.
Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto para manood uli ng One Piece. There's a new episode that was release today. Kaya agad kong kinuha ang aking laptop at nagmamadali itong pinanood.
Buti pa si Nami -- na isang character sa One Piece ay kahit na wala siyang natural na kapangyarihan, atlis may weapon siya kaya kaya niyang makipaglaban. Eh ako? Nananaginip lang ng future pero hindi makalaban. Pero kahit ganun, kami pa rin ang tinuturing nilang pinakamakapangyarihan. Why is that? Ni hindi nga namin maipagtanggol ang sarili namin? Magiging makapangyarihan lang kami kapag nadala namin ang Dream Book sa Goddess kasi magbibigay siya ng kapangyarihan. Anong kapangyarihan kaya 'yun?
Nang may marinig akong mga katok mula sa pinto.
"Come in!" Sabi ko habang hindi inaalis ang tingin sa screen ng laptop. May laptop dito sa bahay na aming nadatnan nung una naming dating dito. Pwede naman namin itong gamitin kaya ito ang ginamit ko.
"Adik ka talaga dyan 'no!" Iniharang niya ang ulo niya sa screen.
"Ba't ba lagi kang sumusulpot pag nanonood ako?" Lagi na lang sumusulpot 'tong mahangin na 'to pag nanonood ako eh. 'Wag na kaya akong manood para hindi na siya sumulpot? Hindi ko kaya 'yun. Hindi ko kayang hindi manood ng paborito kong anime, 'no.
"Mas gwapo kasi ako kaysa sa pinapanood mo." I rolled my eyes. Eto na naman siya sa kahanginan niya.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Naiinis na tanong ko.
"Galit na naman si panget. Gusto ko lang naman tumambay dito eh." Tugon niya. Agad siyang umupo sa malambot sa sofa na pang isang tao. Feel at home ang mahangin na 'to.
"Basta wag kang maingay." I warned him. Tinuloy ko na ang pinapanood ko. Ni-rewind ko pa ang pinapanood ko kasi bigla siyang humarang kanina kaya hindi ko nakita ang nangyari.
"Seriously? Ayan lang ang ginagawa mo maghapon dito?" Ugh. Sabing wag maingay eh. 'Di ko na lang siya pinansin at itinuon ko ang buong atensyon ko sa pinapanood ko.
"Yza!" Pumasok si Rylee sa kwarto.
"Oh Red, nandito ka pala. By the way, Yza pwede ba kitang maabala saglit?" Napatingin si Rylee kay Red.
"Bakit?" Tanong ko kay Rylee.
"P'wede bang bumili ka muna ng mga 'to?" She requested. May ipinakita siyang papel na may nakalagay na toyo, suka, etc.
Kung kailan nanonood ako? Huhu.
"Please." Pagmamakaawa niya.
"Sina Blaster at Kiel na lang utusan mo." I said.
"Hindi pwede. Wala sila. Umalis." Nanliliit ang mga matang napatingin ako sa kanya.
"Sa'n nagpunta? Pagbalik nila pwede na nilang mabili 'yang mga yan." Pagdadahilan ko. Basta ayokong tumigil sa panonood ko dito.
"Baka mamayang tanghalian pa sila umuwi. Eh kailangan natin na nating magluto ng pananghalian." Sambit niya. Naririnig ko pa ang nakaka-asar na halakhak ni Red sa tabi.
"O sige, akong magluluto." I insisted.
"Hindi na. Ako naman. Tinuruan mo naman na 'ko. Hindi ako pwedeng umalis. May niluluto na ko sa baba, baka masunog." She declared. Sumimangot ang aking mukha sa narinig.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...