Chapter 17 : Ready

161 6 0
                                    

Nagpunta kami sa garden. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Si Rylee na walang malay at nakatali!

"Rylee!" Sigaw ko. Tinanggal ko ang panyo nakatakip sa bibig niya. Nakatali ang mga kamay at paa niya sa isang upuan! Niyugyog ko siya at nagising. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang idinilat niya ang kanyang mga mata.

"Yza! Red!" She responded. Pinagtulungan namin ni Red na tanggalin ang tali niya.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aaalala kong tanong. Bigla niya akong niyakap. Naramdaman ko ang pagyugyog ng kanyang balikat. Hinagod ko ang likod niya ng maramdaman ang paghagulgol niya.

"Anong nangyari? Sinong gumawa nito sa'yo?" Red muttered. Unti unting kumalas si Rylee sa pagyakap niya.

"Someone...someone suddenly entered the house. Ba-babae siya.. Hindi ko siya kilala...." Babae? Is she a Phiyr?

"Sa tingin mo, Phiyr ang babaeng yon?" Seryoso kong tanong.

"Posible." Red uttered. Napatingin si Rylee kay Red. Si Red naman ay napatungo.

"May alam ka ba tungkol dito Red?" Tanong ko.

"W-wala." Sagot ni Red. Naniniwala naman ako sa kanya. Posibleng masasama nga ang mga tao sa grupong kinabibilangan niya pero alam kong hindi siya masamang tao. At alam ko ding wala siyang kinalaman sa nangyaring to kay Rylee.

Pinapasok namin si Rylee at pinaupo sa sofa. Alam kong natakot siya. Kita ko yun sa mga mata niya kahit hindi niya sabihin.

"Bakit hindi mo ginamit ang powers mo? Bakit hindi mo ginawang yelo ang nanloob dito?" I asked. May kapangyarihan siya. Pero bakit hindi siya lumaban?

"Sinubukan ko, Yza. Pero mukhang alam niya ang kapangyarihan ko at tinakot ako. Sabi niya.. Kapag ginamit ko ang kapangyarihan ko, mamamatay tayong lahat. Alam kong seryoso siya at takot na takot ako nun. Hindi ko alam ang gagawin ko... Tapos...bigla na lang akong nawalan ng malay." Nabasag ang kanyang boses. Nag-unahan ang mga luha niya sa pagpatak. Agad ko siya niyakap. Ngayon ko lang siyang nakitang ganitong takot.

"What happened?" I heard Kiel's voice. Biglang pumasok sina Blaster at Kiel na may nag-aalalang mga mukha.

"Boss! Anong nangyari?" Blaster worriedly asked.

Kinuwento namin ni Red ang nangyari.

"Kailangan nating malaman kung sino ang nanloob dito." Sabi ni Kiel.

"Pero sigurado akong Phiyr 'yun." Sabi ni Rylee ng medyo nahimasmasan na siya.

"Baka gusto uli nilang dukutin si Boss Yza?" Napatingin silang lahat sakin.

"Red? May alam ka ba dito?" Tanong ni Kiel. Red shook his head. Kasama ko kanina si Red. Imposibleng may kinalaman siya sa nangyari.

Hindi dumating ngayon si Ms. Hermosa para kamustahin kami. Siguro busy. Kaya wala kaming magagawa para humingi ng tulong sa kanya. Dapat kaming mag-ingat. That girl might come here again. We should always be together. Hindi dapat maghiwa hiwalay ang team namin kung sakaling bumalik na naman ang nanloob dito.

Nag-presenta rin si Red na sa bahay na lang muna tutuloy. Pumayag naman kami.

Agad akong napabangon sa hinihigaan ko dahil sa panaginip ko.

"Yza? Are you okay? Have you dreamt of something?" Tanong ni Rylee na nasa tabi ko.

"I-I saw her...in my dream. Nakita ko ang babaeng may gawa sayo nun." Nagaalinlangang banggit ko. Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"Who is she? Do you know her?" She asked. I shook my head. Hindi ko nakita ang mukha ng babae. Her face was covered. She's wearing a cap, mask and her clothers are all black. Pero alam kong babae siya. Dahil sa hubog ng katawan niya.


"Anong mangyayari mamaya?" Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba. Masyadong masama ang napaginipan ko...

"Yza?" Nagulat siya ng bigla akong yumakap sa kanya.

My dream a while ago...it's so bad. Nakita ko si Rylee na duguan at nakahandusay sa sahig sa panaginip ko.

Nakita ko ding pinipilit nila 'kong kunin ang Dream Book at ibigay sa kanila. Yung babaeng nasa panaginip ko ay may mga kasama. Madami sila. Pinagtulungan nila kami. Si Blaster at Kiel na pawang nakatali at walang magawa.

Ayoko ng alalahanin muli ang napaginipan ko...

Pero wala akong nagawa kundi sabihin ang totoo sa kanya.

"Hindi mangyayari yun 'no. Sisiguraduhin kong magyeyelo ang magtatangkang gawin 'yun." Sagot niya.

Kinuwento ko kay Kiel, Blaster at Red ang napaginipan ko.

"Boss, akong bahala. Sisiguraduhin kong hindi mangyayari ang napaginipan mo."

"We should just stay here, I guess. We'll be safe as long as we have each other at our side." Kiel uttered.

"Oo nga. Di dapat tayo maghiwa hiwalay." Sagot ni Red.

"Pero Yza, ikaw ang target nila. Gusto nilang makuha ang Dream book para magkaroon sila ng napakamakapangyarihang powers mula sa Goddess. You should be protected."

"Kami ang bahala sa'yo, boss."


Kumakain kami ngayon ng lunch. Ang ulam namin ngayon ay sinigang na baboy. Rylee helped me cooking our food. Atleast natututo na siyang magluto dahil sakin.

"What's our plan later?" I asked. All of them suddenly stopped eating and they looked at me.

"We should get ready." Tama si Rylee. Dapat ay handa kami sa kung ano man ang mangyayari mamaya. Sinabi ko na sa kanila ang lahat ng nakita ko sa panaginip ko kanina. They knew what's going to happen later. It's going to happen in the afternoon. Habang naglalaro kami ay biglang may papasok na mga estranghero. They'll scare us. Hanggang sa gawin nila kay Rylee ang nakita ko sa panaginip ko. At kami, walang magawa kundi ang magmakaawa na pakawalan at pabayaan kami. We all looked helpless in my dream.

Hapon na, naglalaro na kami ng Uno sa sala. Nakahanda na ang mga gamit na secret weapons. May nakalagay na din sa katawan ko tulad ng bracelete. I can't do anything to protect myself from those bad guys who wants to hurt me. Kaya dapat ay mas maghanda ako.

Sa salas kami naglalaro ngayon. Lahat ay nakaupo sa palibot ng lamesa. Lahat kami ay alerto sa pwedeng mangyari. Tahimik lang kami habang naglalaro.

"It's your turn Yza," Tumingin ako sa hawak kong cards. Kumuha ako ng isa at inilapag sa gitna ng may marinig kaming kaluskos. Lahat kami ay napa ayos ng upo. Here they are.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon