Chapter 36 : The Greatest Fight

97 4 0
                                    

Isang napalakas na suntok galing kay Sir Heat ang tumama kay Tyrant. Napadaing ito sa sakit. Bahagyang napaso at namula ang parte ng brasong natamaan ni Sir Heat.

Sunod na umatake si Miss Willa at tumindig ang mga balahibo ko nang makita ang buhok niya. Nakatayo ito at gumagalaw ang bawat hibla nito. Parang mga tentacles. Nakakatakot itong tingnan kaya napaiwas ako ng tingin.

"Ako na lang ang titigan mo, paniguradong hindi ka matatakot. Gwapo eh." Napairap ako sa sinabi ng aking katabi.

"Tse!" Tugon ko. Hindi ko akalain na kahit sa mga ganitong sitwasyon ay nagagawa pa rin naming magbarahan. Napakahangin kasi ng katabi ko. Masyadong mataas ang tingin sa sarili, tsk tsk.

Napalingon ako nang may marinig na pagsigaw. Nakita ko si Miss Willa na hawak sa leeg ni Tyrant. Nakalutang na ito sa ere. Nagpupumiglas ito ngunit unti-unting nanghihina dahil sa pagsakal sa kanya. Nakita ko si Sir Wayn na naging malaking kutsilyo ang buong braso at sumugod kay Tyrant. Hinati nito ang braso ni Tyrant kaya bumagsak si Miss Willa sa sahig at nawala ang pagkakasakal sa kanya.

Isang napakalakas na sipa ang pinatama ni Tyrant kay Sir Wayn na nagpatalsik dito. Ilang kilometro ang itinalsik nito dahil sa napakalakas na sipang kanyang ipinamalas.

Lahat kami ay napalingon sa kanya. Tumama siya sa pader ng library at bumagsak sa sahig. Nasira at nagkaroon ng ito ng crack. Nahihirapang bumangon si Sir Wayn at naupo sa kinatatayuan.

Nawala ang aming atensyon sa kalaban kaya hindi namin napansin ang papalapit na malaking tipak ng debris na galing sa library. Agad kong naramdaman ang paghawak saakin ni Red. Sabay kaming tumakbo at umilag dito. Napadapa kami sa lupa.

Nang bumagsak na ito ilang metro mula saamin, unti-unti kaming bumangon kami para tingnan ang kalagayan ng aming mga kasama.

Nakita ko sila Rylee na nakadapa rin. Tumayo kami at dumalo sa kanila.

May narinig kaming pagsabog mula sa kinatatayuan kanina ni Tyrant. May usok na nakapalibot doon kaya hindi namin makita ang pangyayari.

Unti-unting nawala ang usok kaya naging malinaw saamin ang kapaligiran. Nalaglag ang panga ko nang makita si Dad na nakatayo sa harap ni Tyrant. Magkaharap sila ngayon at nagtititigan nang napakaseryoso.

Kumuha si Tyrant ng isang malaking bato ilang metro mula sa kanya gamit ang hangin. Itinuro niya ang kanyang kamay sa direksyon ni Dad kaya papunta na ito sa kanyan ngayon.

"Dad!" Sigaw ko habang papalapit kay Dad ang batong iyon. Sa isang iglap, nawala si Dad sa kanyang p'westo kanina at nakita namin siya sa likod ni Tyrant. Sa bilis ng pangyayari ay namalayan na lang namin na nasa ere na si Tyrant at pabagsak na dahil sa napakalakas na suntok ni Dad mula sa kanyang likod.

Tumilapon ng ilang metro si Tyrant at bumagsak sa lupa. Nalaglag ang panga ko sa lakas na ipinakita ni Dad. Tama nga ang sinabi nila, si Dad ay napakalakas. Napakabilis niya kumilos na hindi mahahabol ng tingin ang lahat ng mga galaw niya. Napakalakas din ng kanyang mga suntok. He possess an extraordinary power.

Tulad nga ng sabi noon ni Kiel na si Dad ang pinakamalakas sa leaders at sa buong Dream High. No wonder why he became the head of the leaders.

The two men fighting in front of us are the greatest and the most powerful creature indeed. This is a breathtaking scene. Halos hindi na ako makahinga sa tindi ng labanan at pangyayari.

Hindi namin namalayan ang biglaang pagtayo ni Tyrant. Pinagalaw niya ang lupang kinatatayuan ni Dad. Bumagsak si Dad kaya lahat kami ay napasigaw.

Tumakbo papalapit sa kanya si Tyrant at pag-akyat niya muli sa taas ay hawak niya sa leeg si Dad. Napatakip ako sa aking bibig sa nakita. Nanghihina na ito at may tumutulong dugo mula sa kanyang bibig. Pilit itong nagpupumiglas sa pagsakal sa kanya ni Tyrant ngunit hindi naging sapat ang kanyang lakas upang matanggal ang gapos nito sa kanya.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon