"Now you're scared huh," natatawang sambit ni Heavenly. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na ang babaeng pinagkatiwalaan ko ay isang traydor. Hindi ko akalain na sa likod ng isang mabait na Heavenly, ay may nakatago pa lang ganitong side sa kanyang maskara. Isang side na matapang, nakakakot, at mapanlabang Heavenly. Ibang-iba ito sa nakikita kong masiyahin, palangiti, at mabait na Heavenly na nakakasama ko noon.
Sa maikling panahon na nagkasama kami ay pinagkatiwalaan ko siya. Itinuring ko siyang isang kaibigan. Kaya hindi pa rin ako makapaniwala na isa pala siyang kaaway.Nakatutok pa rin saamin ang baril niya. Hindi pa rin kami gumagalaw sa aming kinatatayuan sa pangangambang maaari niyang paputukin ito anumang oras.
"Hindi ka siguro makapaniwala na isa akong Phiyr ano, Yza? Do you feel like a fool? For trusting a Phiyr like me?" Nakangising tanong nito. Nakagat ko ang aking labi at kumuyom ang kamao ko.
Tumalikod si Heavenly at nagsimulang humakbang. Akmang susugod si Kiel at Prinz nang biglang humarap si Heavenly at itinutok ang baril sa kanila. Napaatras kami nang bahagya. Unti-unti siyang humakbang papalapit saamin. Kada hakbang niya at napapaatras kami.
"May importanteng bagay pa kayong hindi alam," sabi nito. Hawak niya ang kanyang baba tila ba nag-iisip.
"Stop saying nonsense things!" Sigaw ni Prinz. Sumugod muli siya ngunit napatigil ito nang biglang paputukin ni Heavenly ang kanyang baril. Lahat kami ay napapitlag. Napatingin kami kay Prinz. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang hindi ito natamaan.
"It's not a nonsense thing. Isa itong bagay na napakaimportante para sa inyo. Tsaka, hindi dapat kayo magalit sa'kin nang ganyan. Dapat nga ay matuwa pa kayo dahil binibigyan ko kayo ng impormasyon. I'm giving you a clue," tugon nito. Kumunot ang noo ko sa sinabi niyang 'clue'. Clue saan?
Tumingin siya sa bawat isa saamin. Nang dumako ang tingin niya saakin ay hindi ko maiwasang bigyan siya ng nakakamuhing tingin. Hindi ko maiwasang magalit sa pagta-traydor na ginawa niya. Napairap siya bago muling magsalita.
"Hindi lang ako ang traydor! Kaya 'wag niyo akong titigan na para bang ako na ang pinakamasamang tao sa mundong 'to. Mayroon pang traydor!" singhal niya. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. M-meron pa? Kung ganon, sino iyon?
Pansin ko ang mga titig niya saakin. Pagkatapos ay ngumisi siya nang pagkalaki-laki.
"And that traitor is close to you too, Yza." Napatingin siya saakin. Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Pilit kong inisip kung sino ang kanyang tinutukoy. Ngunit bigo ako. Wala akong maisip kung sino man iyon. I can't think of anyone that has a possibility of being a traitor.
Humalakhak si Heavenly. Lahat kami ay nakatitig nang masama sa kanya. Kung nakakamatay lang ang titig ay malamang inilibing na siya kanina pa.
"You should be careful from the people around you. Hindi mo alam kung ano ang nasa likod ng maskara nila. People might always be kind to you. But, the question is... Sila ba talaga ay totoong gano'n kapag nakatalikod sila sa'yo?" She said. Leaving me a riddle to think of.
Sa isang iglap ay bumagsak si Heavenly. May nakadagan sa kanyang poste. Napatingin ako kay Rylee na ang nagpabagsak ng poste sa pamamagitan ng pagbato niya ng yelo galing sa kanyang kamay.
Nawalan ng malay si Heavenly. Nagkatinginan kaming lahat. Pansin ko ang pagkabalisa ni Prinz, na malamang iniisip kung sino anf traydor na tinutukoy ni Heavenly. Maging ako ay hindi rin matukoy kung sino man iyon.
"Ano nang gagawin natin ngayon?" Matamlay na tanong ni Rylee. Napabuntong-hininga siya.
Madami kaming problemang kinahaharap ngayon. Ang pagkawala ng canon, ang traydor na hindi namin matukoy kung sino at ang buhay ng mga Dreamers na nanganganib ngayon dahil sa mga Phiyr na sumugod sa Dream High ngayon.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasíaShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...