Nanatiling tahimik si Red at hindi sumagot sa tanong ni Ms. Willa.
"Ugh!" Narinig ko ang boses ni Red. Anong nangyari? Sisilip na sana ako mula sa bato pero pinigilan ako ni Harry. He looked at me and shook his head.
May narinig akong tunog ng kadena. Siguro ang kadenang 'yun ay galing kay Sir Wayn. He can produce weapon by his body. Baka siya ang gumawa ng kadena na 'yun gamit ang katawan niya at itinali kay Red.
"Sumunod ka sa'min." May narinig akong tunog ng mga yabag ng paa na paalis na. They're taking Red!
Kating-kati na 'kong magpakita sa mga leader at umamin. Ayos lang saaking maparusahan dahil sa pagpunta ko dito sa Gleam Paradise kahit bawal. But Harry is stopping me.
Nang maramdaman naming wala na sila, agad akong tumayo.
"Anong gagawin natin? Paparusahan nila si Red panigurado!"
"Let's go. I'm taking you out of here." Hinawakan ako ni Harry sa braso. Napatingin siya sakin. "Baka mahuli ka rin nila dito, delikado na. Kaya tara na."
"Pero pa'no si Red?" The leaders are definitely powerful! Natatakot ako sa pwede nilang gawin sa kanya!
"Kaya niya 'yun, Yza. He's strong. He can escape from them. Don't worry."
"Pero paano naman siya makakatakas?!" Nag-aalala kong tanong. We need to help him!
"Marami siyang paraan para makatakas. Sa ngayon, kailangan na kitang dalhin palabas dito. Baka may dumating pa at mahuli ka," mahinahon niyang sabi at hinawakan ang pulsuhan ko. Nag-umpisa na siyang maglakad at dahil hawak niya ako ay wala akong nagawa kundi ang sumunod.
Labag man sa kalooban ko, wala akong nagawa kun'di ang sumama sa kanya palabas ng butas. Nang makalabas ay napatigil siya at hinarap ako.
"Sige na, balik ka na dun Miss Beautiful. Baka may makakita pa sa'yo dito." Nagpalinga-linga siya sa paligid.
Nang hindi ako gumalaw at sumunod sa sinabi niya ay nagtatakang tumingin siya sakin.
"Ba't di ka pa umaalis?" I tried to examine his eyes. Wala akong nakitang bahid ng pag-aalala sa kanyang mga mata. He's not worried about Red? How come?
"Hey. Is there any problem?" Nagtatakang tanong niya.
"Nothing. Mag-iingat ka Harry. Baka mahuli ka rin nila dito. Sige," umiiling kong sabi. Itinaas ko ang aking kamay at nagsimula nang humakbang.
Bakit kaya walang bahid ng pag-aalala sa mukha niya? May plano ba siya? O ano? Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Pagkabalik sa kwarto ko, nahiga agad ako sa kama. I closed my eyes. Pagod na pagod ako. I just need some rest...
I saw myself running with Harry in a hallway. Sa itsura ko ay kitang kitang ang kaba at takot.
Ang hallway ay madilim at tanging ang liwanag galing sa labas ang nagsisilbing ilaw dito.
Huminto kami sa tapat ng isang pinto.
Binuksan namin ito at nakita ko ang aking sarili na gulat na gulat sa nakita.
Pagkamulat ko ng mga mata ko ay bigla akong napabangon. Ano ang panaginip na 'yun? Bakit kami tumatakbo ni Harry at bakas ang takot sa'kin sa panaginip na 'yun?
Napatingin ako sa aking orasan. It's 9 pm and I haven't eaten my dinner yet.
Bumangon ako sa kama at isinuot ang tsinelas ko. Pumasok ako ng CR dahil naiihi ako.
"O, gising ka na pala! Kanina ka pa kinakatok ng mga ate mo kaso tulog ka." Sabi ni Sun pagkalabas ko ng CR.
Nagkibit-balikat ako. Siguro ay gusto nilang sabay sabay na kaming kumain pero natutulog pa 'ko kanina nung kumatok sila.
"Sige, bababa muna ko. I'll eat dinner." Lumabas ako at isinarado ang pinto. Kailangan kong bumaba para kumain ng hapunan.
Sumakay ako ng elevator at nang marating ang baba ay lumabas na ko. I went to the cafeteria.
Um-order ako ng sinigang with rice meal. Dito ay libre naman ang pagkain kaya wala ng dapat problemahin. Masasarap din ang mga pagkain dito. Maraming iba't ibang pagkain ang pagpipilian.
Naupo ako sa upuang malapit sa bintana. Nagsimula na akong sumubo.
Siguro ay nauna ng kumain sina ate at natulog na. Hindi man lang ako nagising sa pagkatok nila sa kwarto. I must be really tired kaya hindi agad ako nagising.
Pagkatapos kumain ay bumalik na ko sa kwarto ko.
I took a bath and changed my clothes into pajamas. Humiga uli ako sa malambot na kama.
I closed my eyes. Pero agad akong napamulat ng may marinig na kaluskos kung saan. Tumindig ang mga balahibo ko. Iginala ko ang mga aking mga mata sa paligid. What's that noise?
Nang biglang lumitaw si Harry na nasa may pinto. Napatingin siya sa katawan niya at napatingin sa'kin.
Is he using that invisible drink too? Like what Red did?
"Yza."
"What are you doing here?" I asked. I don't have any clue why he's here.
"I need your help." Kumunot ang noo ko. Help? "Hindi ko maitakas si Red."
"Akala ko ba..." I thought he can get Red out of here? By using that invisible drink?
"Muntik na din akong mahuli. They have a device that makes sound when I entered the room Red was in. Invisible ako nun pero tumunog ang alarm. Nakikita nila ako. May humabol sakin at buti na lang nawala ako sa paningin nila."
"Ano?!" So we can't get Red out just by using the drink that can make us invisible. Paano kaya naman siya mailalabas dito?
"At narinig kong gagamitin nila si Red biglang hostage! Sasaktan nila siya hangga't hindi siya nagsasalita tungkol sa mga plano ng Phiyr! I don't know what to do..." Napasabunot siya sa kanyang buhok at halata ang kanyang pagkabalisa. Lumapit ako kay Harry.
"I'll help you. But, we need help from others too." Nagtataka siyang tumingin sa'kin.
Naiwan muna si Harry sa kwarto ko at nagpunta ako sa kwarto ni Rylee. Kumatok ako ng ilang beses dito. Maya-maya pa ay binuksan niya ang pinto at kita ang gulat sa kanyang mukha nang makita ako.
"What are you doing here, Yza? Do you need something? Wanna come in?" She asked. I nodded.
Pagkapasok sa kwarto niya ay umupo kami sa kanyang kama.
"I need your help. We need to get Red out of here." Bakas ang gulat sa mukha niya ng marinig ang sinabi ko.
"Nandito siya?! Anong ginagawa niya dito?! At bakit gusto mong makaalis siya? He got caught! Dapat lang sa kanya 'yun! 'Di ba at nangako ka sakin na hindi ka na muling makikipag usap sa Red na 'yun dahil sa nangyari sa outside world?!" She looked so pissed.
Napatungo ako. I don't know what to do right now...
"Hay. After this, you promised that you'll never talk to him again. 'Kay?" Napatingin ako sa kanya habang namimilog ang mga mata. Tama ba ko ng rinig? She agreed?
Napatango-tango siya kaya napangiti ako at nakahinga nang maluwag. I hugged her tight.
"Salamat! You're really a good friend!"
"Yeah right. And I hate myself for being a good friend to you. Nang dahil sa lalaking 'yon kaya tayo naatake ng Phiyr. Pero...may mabubuti pa rin naman siyang ginawa sa'tin dati. Kaya babayaran ko lang sa kanya ang utang na loob natin. Pagkatapos nito, wala na 'kong pakialam sa kanya." Bumuntong-hininga siya.
Now that we have someone to help us, I guess we can get Red out of here.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...