Nagpaliwanag si Red at ramdam kong kahit papano ay nawala ang tensyon sa pagitan nila Blaster at Rylee kay Red.
"Okay. But that doesn't mean that we still trust you. Ang pagtitiwala namin sa'yo ay hindi basta-bastang naibabalik," seryosong sagot ni Blaster. Napatango si Red.
Sumilip ako sa bintana at nakitang lahat ng dreamers ay nagtatakbuhan sa headquarters. Ang iba ay lumalabas na may dalang armas. Nakita ko kung saan sila papunta.
Papunta sila sa grupo ng mga taong naglalakad papasok sa gate. I can see that they are the intruders, the Phiyr. Ang dreamers na may mga hawak na armas ay pinapatamaan na ang mga Phiyr na pumasok dito.
"May mga Phiyr na nakapasok na. Nagkakaroon na ng labanan. What should we do?" I asked. Tumabi sila sa'kin at sumilip din sa bintana.
"Baka nandito sila para sunduin ka, Red?" Blaster asked. Napatingin kaming lahat kay Red. He looks confused.
"Maaaring hindi lang para bawiin si Red ang pakay nila." Harry uttered. Agad kaming napatingin kay Harry. May posibilidad na tama nga ang sinasabi niya.
Maaaring nandito rin sila para makuha ang librong Dream. Mukhang dapat ay lumabas din kami at tumulong sa mga nakikipaglaban sa Phiyr kung ganun?
"Let's go. We need to help. The clash between us and Phiyr started. We need to go down and help the dreamers to fight. Pero bago 'yun ay kailangan muna nating ibalik sa Red at Harry sa grupo nila ng hindi tayo nahahalata." Rylee said. We thought of a plan. Nang makabuo ng plano ay naghanda na kaming lumabas.
Ang plano ay kami munang apat nina Harry, Blaster at Rylee ang lalabas. Maiiwan muna si Red dito sa kwarto at susunduin namin muli kapag naayos na ang lahat. Dahil hindi siya masyadong makakakilos sa kondisyon niya at kailangan niya muna ng pahinga. Sumang-ayon naman ang lahat sa plano.
Kumuha ako ng betadine at bulak sa aking medicine cabinet habang naghahanda ang aking mga kasama bago lumabas ng kwarto. Lumapit ako kay Red na naka-upo sa dulo ng kama.
Idinampi ko ang bulak na may betadine sa kanyang sugat sa noo. Napapansin ko ang pagtingin niya sa'kin.
"Bakit ba tingin ka tingin? Gusto mo bang ikaw na ang gumamot ng sugat mo?" Pagtataray ko.
"Hindi. Nagagandahan lang ako." Tugon niya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi sa kanyang sinabi.
"O, ba't ka kinikilig dyan? Ikaw ba ang sinabihan kong maganda?" Tanong niya. Halata sa tono niya ang pang-aasar. Natigil ako sa pagdampi ng bulak. Nanliit ang aking mga mata. Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Sa akin siya nakatingin kaya natural iisipin kong ako ang tinutukoy niyang 'maganda'.
"Yung painting ang ganda oh." Sagot niya. Sa inis ay nabato ko sa kanya ang hawak kong bulak. Ang painting na nasa likod ko ang tinutukoy niya. Isa itong landscape painting.
"O ba't ka naiinis? Nag-assume ka 'no? Yie." Ramdam ko ang pagkulo ng aking dugo. I hate him so much! Teka nga, bakit ba 'ko naiinis kung hindi nga talaga ako ang sinasabihan niya ng maganda? Malamang ay mag-aasume ako dahil sa'kin siya nakatingin. But I'm still pissed, agh.
Tatayo na sana ako pero may kamay na humawak sa braso ko. Napatingin ako kay Red.
"Hindi mo pa natatapos ang paggamot sa mga sugat ko, aalis ka na agad dyan. Tapusin mo na." May konsensya naman ako kahit papa'no kaya kinuha ko muli ang bulak at idinampi sa kanyang sugat.
Nang matapos gamutin ang isang sugat ay dinikitan ko na ito ng band-aid. Ang isa pang sugat sa may labi naman ang aking ginamot.
Kahit naiilang sa pagtingin niya sakin ay binaliwala ko na lang ito. Ayoko na mag-assume. Panigurado namang nagagandahan na naman siya sa painting. I should remind myself to remove that painting as soon as possible. Para hindi na ako mag-assume kapag may nagsabi na naman ng ganun.
"Yza, tara na." Idinidikit ko na ang bandaid sa huling sugat ni Red nang tawagin ako ni Rylee.
Tatayo na sana ako nang hinila ako ni Red papunta sa kanya. Ang aking baba ay nakadikit na sa kanyang balikat. Nakadikit ang kanang pisngi ko sa kanyang leeg. I can barely smell his scent in this position.
Magsasalita na sana ako para mag reklamo dahil sa pag-hila niya sa'kin nang bumulong siya.
"Please take care of yourself for me. Para na rin makita mo pa ang gwapo kong mukha." Namilog ang mga mata ko. Bumilis ang tibok ng aking puso. Nanigas ako sa aking puwesto.
Kahit na umiral na naman ang pagiging mahangin niya ay hindi ko alam kung bakit biglang bumilis at lumakas ang pintig ng puso ko.
"Tara na!" Napabalikwas ako ng tayo ng sumigaw si Rylee. Lumapit na ako sa kanila. Pakiramdam ko ay nawala ako sa aking sarili.
"Red, aalis na kami. Wait for us here." Paalam ni Blaster kay Red na nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard upang magpahinga.
Naglakad na kami palabas. Nang palabas na kami ng kwarto ay ramdam ko ang kanyang mga titig sa'kin. Hindi ako makalingon at tumingin sa kanya pabalik. Dahil hindi pa rin mawala sa aking isip ang kanyang pinakawalan niyang mga salita kanina.
Paglabas namin ng kwarto ay halos wala ng tao ang bumungad sa hallway. Malamang ay nakalabas na ang iba at nasa headquarters na.
Sumakay kami ng elevator at bumaba. Pagbaba ay may isang pana ang lumipad papunta saamin na mabuti na lang ay nagawan agad ng aksyon ni Rylee. She made an ice barrier. Kaya doon lang tumama ang pana.
Napatingin ako sa paligid. May mga dreamers na nakikipaglaban sa mga Phiyr. Magulo ang paligid. May mga nakita akong Phiyr na nakahandusay sa lupa.
Nakita namin si Kiel. Pinalilibutan siya ng mga Phiyr. Mga nasa lima ang nakapalibot sa kanya.
Naghanda si Blaster at nagbuga ng apoy sa mga Phiyr na nakaharang kay Kiel gamit ang kanyang mga kamay. Agad na bumagsak ang mga ito. Tumabi kami kay Kiel at pumwesto ng bilog. May mga Phiyr na lumalapit muli saamin.
Naghanda kaming umatake. Hinawakan ko ang mga armas ko at handa itong kunin sa oras na may umatake. Nang sumugod ang isa ay agad umaksyon si Rylee at pinatamaan siya ng yelo kaya ito ay tumalsik.
Naging hudyat ang pagbagsak ng isang Phiyr kaya nagsuguran na ang lahat ng nakapalibot saamin. Nag-kanya-kanya ng atake ang aking mga kasama.
"Yza! Sa gilid mo!" Agad akong naalerto sa sigaw ni Harry. Napatingin ako sa aking gilid at nakita ang isang Phiyr na may hawak na kutsilyo at ambang isasaksak saakin.
Ibinato ko papunta sa direksyon niya ang pamaypay at natamaan siya. Kitang-kita ko ang dugo na galing sa kanya. Unti-unti itong bumagsak. Napaiwas ako ng tingin. Sa talas ng patalim sa pamaypay ay malamang ganun ang mangyayari sa kung sino man ang tamaan nito.
Ilang beses pang sumugod ang mga Phiyr saamin. Tuwing may bumabagsak ay may dumarating na bago. Ilan kaya ang mga Phiyr? Siguro ay sobrang dami nila.
Habang may kinakalaban ako ay may umaatakeng isa pang Phiyr mula sa gilid ko. Mabuti na lang at nandyan ang mga kasama ko upang patumbahin ito.
Nang mapabagsak ang isa ay may sumugod muli. Agad kong inilabas ang pinindot ang aking relo at may lumabas na bala mula dito. Bumagsak ang Phiyr na sumugod nang matamaan nito.
Isa ang relong suot ko sa mga secret weapons na ginawa ng Dream High. Magagamit ito bilang baril.
Nang makitang wala ng Phiyr ang nakatayo ay agad kaming kumilos. Tiningnan ko ang aking bracelet at pinindot ang button. May lumitaw na hologram sa ibabaw nito. Nakikita namin ang buong Dream High gamit ito. Pinakita at pinaliwanag na saamin ng guro dati ang gamit nito.
"Nandun ang leaders sa rooftop." Utas ni Rylee.
Kita namin sa hologram na nandun nga ang mga leaders. May malaki silang creature na kalaban. Tumakbo kami papunta doon.
BINABASA MO ANG
Dream High
FantasyShe never thought that a dream she had would change her life. Yzabella Braelynn Miller is just simple girl but when she turned sixteen, everything changed. She had a weird dream. It is a very realistic dream. She thought that it was just a simple d...