Chapter 8 : Reasons Untold

299 10 0
                                    

"Yza! Wake up!" Nang may narinig akong boses ay napabangon ako bigla. Mabilis ang pagpintig ng puso at paghinga ko.

"Hey are you okay?" Tanong ni Rylee at napayakap na lang ako sa kanya na nasa tabi ko. Hinaplos niya ang likod ko at sinubukan akong pakalmahin.

"You had a nightmare, am I right? Or am I left?" Tanong niyang may halong pang-aasar. Binatukan ko siya. Baliw talaga 'tong babaeng 'to.

Si Rylee ay ang babaeng nakilala ko noong isang araw nung 'di ko sinasadyang marinig ang pag-uusap nung lalaki sa kausap niya sa telepono.

"Hindi ba halata? Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko. Napatingin ako sa paligid at nandito pala ako sa kwarto ko. So it's just a dream...again.

Magkakatotoo na naman kaya yun? Just like what happened when I dreamt about Lorena? I'm a Glamour. So that means magkakatotoo nga talaga ang panaginip ko?

"Wala lang. Napadaan lang ako dito. Nabalitaan ko kasi na nakabalik ka na matapos kang ma-kidnap. So I went here to see you," she said.

"Ngayong nakita mo na ko, pwede ka nang umalis. Bye," Sinenyas ko ang kamay ko na itinataboy siya. Napanguso siya.

"Ewan ko sayo! Pero buti na lang talaga, hindi ka nila sinaktan. Kasi pag pinatay ka nila, mapupunta sa kanila ang kapangyarihan mo at maaari na nilang kuhanin ang Dream. Pag nangyari yun, mapupunta sa kanila ang pinakamalakas na kapangyarihan ng Goddess. Siguro naman alam mo na yun? May nag kwento na sayo?" She asked. I nodded. Nakwento na sakin yun ni Ate Yanna kahapon. Marami pa siyang kinuwento saakin. She told me all the things that I should know. Mabuti ng may alam ako.

Kapag tinanggal ng hindi Glamour ang libro, ikamamatay ito ng namumuno sa Dream High.

Kapag namatay ang isang Glamour, maaring kunin ng kahit sino ang kapangyarihan nito at magiging Glamour na rin sila. Maaari na nilang kuhanin ang libro.

"Ang daming nagsasabi at nagtataka na hindi ako sinaktan ng mga dumukot sakin." Banggit ko. Mga masasama ba talaga ang mga dumukot sakin? Hindi naman masasamang tao sina Red at Harry ah? They're good people. Maloloko at mahahangin nga lang.

"It's really unbelievable! Nangyari na yan noon at pinatay nila ang Glamour na--- nevermind. Basta nakakapagtaka lang talaga. Di ka man lang nila tinakot?" Halata ang pag-aaalala sa kanyang mga mata.

"No," I answered. Naaalala ko pa nang may pumana kay Red. Kahit na may tama siya, inisip niya pa din ako. At gusto pa nila akong protektahan.

"Weird." Napatingin ako sa buhok niyang kulay asul.

"You're a Wonder," utas ko. Napangiti siya.

"Yes. Mabuti at may alam ka na rin tungkol sa mga Dreamers. So...alam mo na rin ang kapangyarihan mo?" Taas kilay niyang tanong. Naalala ko ang huli naming pag-uusap ay nung sasabihin na niya dapat sakin kung anong kapangyarihan ko kaya lang hindi natuloy.

"Oo. Sigurado na ba talaga na mangyayari ngayon ang napaginipan ko?" Nagtatakang tanong ko.

"Oo. Mangyayari at mangyayari ngayon ang napaginipan mo. If it's something bad, you need to do something to stop it." Mabagal akong tumango. Ibig sabihin ay kailangan kong pigilan ang mangyayari.

Pero, nagtataka pa rin talaga ako kung sino ang lalaking iyon. Sino siya at bakit niya ako papatayin?

Nandito kami ngayon ni Rylee sa kwarto ko. I texted Kiel to come here and that I needed to talk to him. Kailangan ko rin itong sabihin sa kanya at humingi ng tulong. Hindi dapat mangyari ang napaginipan ko. Kailangan kong malaman muna ang rason kung bakit may gustong pumatay saakin at kung sino ito.

Sinabi ko na kay Rylee ang nangyari sa panaginip ko. Maging siya ay hindi makapaniwala sa sinabi ko. Wala rin siyang ideya kung sino ang taong nasa panaginip ko.

May narinig kaming mga katok mula sa pinto. Nagtungo ako papunta dito at pinagbuksan si Kiel.

Dahil kulay green ang buhok ni Kiel, alam ko nang isa siyang Secret. That means, he can read my mind.

Nabanggit saakin ni Rylee na mababasa lamang ng Secret ang nasa isip ng kahit sino kapag nakikita niya ito. Kaya malamang ay mababasa niya ang nasa isip ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad si Kiel nang nakatagilid ang ulo tila ba nagtataka sa aking madilim na mukha ngayon. Sinubukan niyang ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya.


"Pasok ka." Iginaya ko siya at pumasok sa kwarto ko. Sinara ko na ang pinto at humarap sa kanya.

"Thank you so much for helping me, Kiel. Kung hindi dahil sayo, baka may nangyari ng masama sakin." Thankful talaga ako sa ginawang pagtulong niya sakin nung na-kidnap ako.

"It's fine. Nakapagpasalamat naman na ang ate mo sakin," tugon niya.

"Pero gusto ko pa ring mag pasalamat sayo ng personal. Thank you talaga." Isang ngiti ang isinukli niya saakin.

"May hihilingin lang sana ako kung p'wede," nagbabasakaling saad ko. Nagkasalubong ang tingin namin. Kumunot ang kanyang noo at hinihintay ang idudugtong ko. Maybe I can ask for him some help.

"Kasi, may napaginipan ako---" May dinudukot si Kiel sa bulsa niya ng bigla na lang siyang napadapa sa sahig.


Namilog ang mga mata ko. Napatingin ako kay Rylee na nagpatumba sa kanya.

"A-anong ginawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Agad kong nilapitan si Kiel na walang malay sa sahig.

"Wala kang ideya kung sino man ang nagbabalak pumatay sa'yo hindi ba?" Tanong niya.

"Pero sigurado naman akong hindi si Kiel 'yon," sagot ko. Napabuntong hininga si Rylee at agad ding lumapit kay Kiel.

"Hala, sorry! A-akala ko kasi... 'yung kinukuha niya sa bulsa niya ay baril.. Sorry, hindi ko dapat ginawa 'yon."

Napatingin ako sa walang malay na si Kiel. Mahimbing siyang natutulog at mapayapang humihinga. Ang mahahaba niyang pilikmata, makinis na mukha at matangos na ilong ay mga katangian ng kanyang pagiging isang magandang lalaki.

Pasensya na at nadamay ka pa dito, Kiel.

"I'll try apologizing to him when he wakes up," sambit ni Rylee. Pinagtulungan naming buhatin si Kiel papunta sa kama upang hindi sumakit ang kanyang likod sa paghiga sa matigas na sahig.

"Pero, kung sino man ang papatay sa'yo, kailangan mong malaman kung sino at ano ba ang rason niya kaya balak ka niyang patayin, Yza," seryoso niyang saad.

"Oo. Yun na nga ang binabalak ko." Sagot ko.

"Maunahan mo dapat siya sa balak niyang gawin sayo." Tumango ako. Maybe I can ask for some help?

Maaaring hindi pa iyon mangyayari ngayon ngunit dapat ay maghanda na ako. Kailangan kong alamin kung sino ang gagawa no'n saakin at kung ano ang dahilan niya kaya gusto niya akong patayin.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon