Chapter 34 : Traitor

110 4 0
                                    

"So what should we do? Are we going to launch that canon against him?" I asked. That's the only hope that we've got. Hindi na dapat namin palampasin pa ang pagkakataon.

Oras ang kalaban namin dito. Kailangan naming kumilos ng mas mabilis dahil maraming buhay ang nakasalalay. If we don't move quickly, more and more lives would be gone. Naisip ko sina Rylee, Red, Kiel, and Blaster with the leaders. They are risking their lives for Dream High.

"That's the problem. We don't have someone to assemble and get the canon ready. Lahat ng leaders ay abala sa pakikipaglaban ngayon." Kumunot ang noo ko at napatingin sa malayo habang nag-iisip. So someone has to get the canon. And if the leaders can't do that...then who will? Isang tanong ang namuo sa aking isip.

"Pero susubukan ko." Agad akong napalingon kay Prinz. Seryosong seryoso ang kanyang mukha.

Inalalayan at tinulungan ko si Prinz maglakad papunta sa headquarters, kung nasaan ang canon. Mabigat man sa aking loob ay kailangan muna naming pansamantalang iwan sina Red at Blaster.

"Yza!" Napalingon ako at nakita si Rylee na tumatakbo papunta saamin. Nasa likod niya si Kiel na papunta na rin dito. Nagtataka akong tumingin sa kanila. Anong ginagawa nila dito?

"Anong ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong ko. Hinihingal na dumating sila sa harap namin.

"Pinapunta kami ng leaders dito. They told us about the canon," naghahabol ang hiningang sambit ni Rylee. Napatango ako. Parehas pala ang pakay namin dito.

"Nasa'n sila?" Tanong naman ni Kiel.

Binanggit ko sa kanila na si Red at Blaster ang kaharap ngayon ni Tyrant, ang Hari ng Phiyr. Kita ang gulat at pag-aalala sa kanilang mukha nang marinig iyon.

Alam nila kung gaano kalakas ang kalaban nina Red ngayon. Makakatulong lang kami sa kanila sa pamamagitan ng canon. We need to set that up as soon as possible. Buhay at kaligtasan nina Red at Blaster ang nakasasalalay dito. Pati na rin ng mga Dreamers.

Sabay-sabay kaming pumasok sa library. Bumaba kami ng hagdan at nakapasok sa headquarters. Bumungad saamin ang mahabang mesa kung saan palaging nagkakaroon ng meeting ang mga leaders.

Napadaing si Prinz na kaakbay namin ngayon ni Kiel. Napalingon kami sa kanya.

"I-I need to open the secret door..." Nanghihinang saad ni Prinz. Napalingon kami sa direksyong itininuturo niya.

Wala kaming nakitang pinto doon. Painting ng Dream High lang ang aming nasilayan. Nagkaroon kami ng ideya na maaaring doon nakatago ang secret door.

Unti-unting kumalas si Prinz sa aming hawak sa kanya. Nahihirapan man ay dahan-dahan siyang naglakad papunta sa painting.

Inilahad niya ang kaniyang palad at idinikit ito sa painting. Sa isang iglap, nagkaroon ng pinto ang puwesto ng painting. Napanganga kami sa aming nakita. Unti-unti itong bumukas kaya naglakad na kami papasok dito.

Namilog ang mga mata ko nang makita ang isang canon sa aming harap. Hindi lang ito basta isang simpleng canon. Kakaiba ang itsura nito. Kumikinang ang kapaligiran nito at talaga namang napakagandang titigan.

Hindi mo rin aakalain na nakakamatay pala ito sa kanyang mahiwagang itsura. Masyado itong maganda sa paningin at hindi mo aakalain na isa pala itong napakadelikado at nakakamatay na canon.

"Wow. Nakakamatay ba talaga 'yan? Grabe, sobrang ganda," 'di makapaniwalang sambit ni Rylee na hindi maalis ang tingin dito.

Humakbang si Prinz papalapit dito. Pinadausdos niya ang kanyang palad dito. Tila ba sinusuri ito nang mabuti.

Dream High Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon