Prologue

438 14 0
                                    


Just close you eyes
The sun is going down
You'll be alright
No one can hurt you now
The morning light
You and I'll be safe and sound..

__


For her, Love is complicated.



Paano ba naman? Magmamahal ka, masasaktan ka lang. Magseseryoso ka, lolokohin ka naman.



Mahal mo siya, ang mahal niya naman ay iba. Mahal ka niya, ang mahal mo naman ay hindi siya. Ang weird.



Love is really complicated and weird at the same time.



Kung ganoon na kakumplikado, bakit mo pa papasukin? Isa lang yan sa mga tanong na pumapasok sa isip niya. Simpleng Estudyante lang naman siya noon. Papasok sa school, mag-aaral tapos uuwi. Simpleng tao na may simpleng buhay.


Ngunit ang simple na iyon ay nagbago mula nang makilala niya ang PITO. Pitong lalaki na mayroong malaking impact sa buhay niya.



Nananahimik siya sa isang tabi, ginulo. Kinulit. Pinaniwala sa mga bagay na imposible pala. Umasa, kaya nasaktan..



Napagtripan, naloko, napagpustahan.




Pusta? Ang cliché na diba? Hindi niya nga rin alam, e. Kung paano nga ba siya napaniwala sa isang malaking kalokohan na yan.



Mula nun ay umiwas na siya sa mga tao, mga bagay na may kinalaman sa PITO.



Pinangako niya na sa sarili na NEVER na siyang magtitiwala ulit sa kahit na sino.



But there's a guy na ubod ng kulit.



Ilang beses man niyang sungitan ay patuloy parin siyang ginugulo nito. Sinusubukan nitong kunin ang loob niya at nais maibalik ang dating siya.



Pero hahayaan niya ba yun kung itong si Guy ay isa sa PITO?



At ang mas malala pa ay involve ito sa naranasan niya noong panloloko?


--

SAFE AND SOUND

SAFE AND SOUND [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon