Pagmulat ng mata ko ay ang puting kisame ang una kong nakita. Akala ko nasa clinic lang ako, pero mukhang nagkamali ako.
"Ma'am, okay na po ba yung pakiramdam niyo?" Tanong ng nurse sakin.
Tumango naman ako.
"Miss, nasaan yung lalaking nagdala sakin dito sa Hospital?" Tanong ko.
Napatingin naman sakin yung nurse na di mapigilan ang ngiti sa mga labi.
"Yung cute guy ma'am? Na may pulang buhok?" Tila kinikilig pang tanong niya.
Tumango na lang ulit ako.
"Bumili lang po siya ng pagkain. Pero sabi niya babalik din daw po siya agad."
As if on cue, ay bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang lalaking may pulang buhok.
Puting long sleeve ang suot at tinernuhan ng itim na pants. May kulay itim din siyang cup tulad ng lalaki sa panaginip ko.
Pero sobrang dismaya ang naramdaman ko ng makitang..
Hindi siya si Grey.
"Miss, okay ka lang?" Tanong niya.
I just nod.
"I-ikaw ba talaga.. yung nagdala sakin dito?" Umaasang tanong ko.
Pero agad siyang tumango.
"Sa clinic lang sana kita dadalhin, e. Pero wala kasing tao dun nung dumating tayo at nung tinignan kita namumutla ka na. Kaya kinabahan ako, dinala na agad kita dito." Nakangiti niyang sabi sakin.
"By the way, I'm Cupid." Pagpapakilala niya sabay lahad ng kamay sakin.
"Cupid? As in.. Kupido?" Parang tangang tanong ko.
Natawa naman siya bago ginulo ang buhok ko.
"Oo. As in si Kupido na nagpapana sa puso ng dalawang taong nakatadhana---
"Stop." Pagpigil ko. "A-ang korni mo na." I frowned.
Hindi ko alam pero bigla na naman siyang tumawa ng dahil sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa dun? Ang OA naman ng lalaking to!
"You're so cute!" Nakangiti niyang sabi sakin bago kinurot ang pisngi ko.
"Aww!" Napahiyaw naman ako sa sakit.
"Sorry! Di ko napigilan. Ang cute mo kase." Nakapeace sign pang sabi niya.
Ang cute ko daw? E siya nga tong cute. Psh.
Weirdo.
______
Nakauwi ako ng maayos sa tulong ni Cupid. Hinatid niya ko hanggang sa bahay ko at laking gulat ko ng kinabukasan ay nasa harap na siya ng bahay ko at sinusundo ako.
"Cupid? Anong.. ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko.
Napakamot naman siya sa batok niya at tila nahihiyang ngumiti sa akin.
"Sabay na tayo." Nakangiting sabi niya.
"Sinusundo mo ba ko?" Nag-aalangang tanong ko at agad naman siyang tumango.
"Bakit? I mean.. bakit mo ko susunduin, e---
"Dyan lang kase ako nakatira." Putol niya sa sinasabi ko. "Magkapit bahay lang naman tayo and same school lang din naman. So, wala naman sigurong masama kung sabay tayong papasok, diba?"
Napatango na lang ako.
Kinuha ko na ang gamit ko sa loob ng bahay at inaya na siyang umalis. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon at hindi ko pa rin mapigilang mailang lalo na tuwing nahuhuli ko ang pagsulyap sulyap niya sakin.