Natatakot ako.
Hindi ko alam kung tama ba tong iniisip ko pero ang alam ko lang sa mga oras na ito ay natatakot ako.
Paano kung iwasan niya na naman ako?
Paano kung layuan niya na naman ako?
Hindi ko na yata kaya kung maulit na naman yung mga hindi magandang nangyari nung nakaraan. Hindi ko na yata kakayanin kung ako'y iiwan niya na naman.
Hays.
"Hindi ka ba talaga sasama, Shaira?" Muling tanong sakin ni Chia.
Nilingon ka naman siya at tahimik na umiling.
"Hindi ka pa kasi kumakain simula pa kaninang umaga. Hindi ka rin sumama nung nagtanghalian kami kanina. Hindi mo rin ginalaw yung pagkain na hinatid ko para sayo. Baka magkasakit ka na niyan." Nag-alalang sabi pa niya.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Okay ka lang ba?"
Sa lahat ng pwede niyang itanong bakit yun pa?
Umiwas ako ng tingin sa kanya ng maramdamang nagbabadya na naman ang mga luha sa mata ko.
At nung yakapin ako ni Chia ay hindi ko na nakontrol ang nararamdaman ko. Bumugso ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan at kahit punasan ko man ay wala ring silbi at paniguradong masasayang lang ang effort ko.
Naramdaman ko ang marahan niyang haplos sa likod ko. At halos hindi na ko makahinga sa tindi ng pag-iyak ko.
Bakit ko ba nararamdaman to?
Bakit ko kailangan masaktan at kabahan para sa iisang tao?
"You don't have to answer my question, Shaira. You're not okay. I know, I know.." Mahina niyang sabi habang hinahaplos ang buhok ko.
"Natatakot ako." Wala sa sariling sambit ko.
"P-Paano kung layuan niya ulit ako? P-Paano kung iwasan niya naman ako at iwanan? C-Chia.. Hindi ko na yata k-kaya.." Umiiyak pa na sabi ko sa kanya.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at inihiwalay niya ang katawan sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at sinubukang punasan ang basang basang mukha ko.
"Stop crying." She said, smiling.
"He'll never do that again. I promised."
~
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli na siyang nag-ayos at iniwan ako. Kahit naman medyo gumaan na ang loob ko ay hindi parin ako sumama sa kanya.
Kasi pakiramdam ko ay hindi pa ko handang makita ulit SIYA.
Hindi ko alam kung paano kikilos ng normal sa harap niya pagkatapos ng nangyari kanina.
Paano kung sigawan niya ulit ako?
Baka galit pa rin siya kaya mas maganda kung hindi muna kami magkikita.
Ilang minuto na ang lumipas ay nanatili lang akong nakahiga. Pumipikit ako kung minsan pero hindi ko magawang umdlip kahit saglit lang.