On our way to school, nobody spoke. Kapwa kami tahimik na naglalakad na tila pinapakiramdaman ang bawat isa.
Nasa pagitan nila kong dalawa. Si Chance ay nasa left side ko, Si Grey namang ang nasa right. Pareho silang tahimik na para bang ang daming iniisip.
Si Chance. Normal lang naman na maging tahimik siya. Sadya naman siyang ganyan talaga. Kahit noong kami pa, kapag magkasama kami ay palaging ako ang dumadaldal. Tahimik lang siya pero once na bumukas na ang bibig niya ay mapapamangha ka na lamang sa sasabihin niya.
At kung normal lang na tahimik si Chance. Si Grey naman ay ABNORMAL------ AY ESTE! Hindi Normal. Hindi na ako sanay na tahimik siya at walang imik. Dahil kapag magkasama kami ay walang tigil sa pagputak ang bibig niyan kahit puro kalokohan lang naman ang alam. Minsan nga AKO na lang din ang sumusuko dahil sasakit talaga ang ulo mo sa kakulitan niya.
Inshort, kasalukuyan akong nasa isang AWKWARD na atmosphere.
Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko na para bang kinakabahan ako, hindi ko nga lang alam kung saan.
Nakarating kami sa sakayan ng tricycle. Nauna akong pumasok sa loob at susunod na sana si Chance pero pinigilan siya ni Grey. Nag-uunahan pa sila sa pagsakay at sa huli ay walang gustong magpatalo kung kaya ang ending ay walang nakapasok sa kanilang dalawa.
Lumabas ako ng tricycle at kapwa namang napalingon sakin ang dalawa.
"Sumakay na kayong dalawa." Naiinis nang sabi ko.
"Hindi na, Shaira. Ikaw na lang ang------
"WAG NA KAYONG MAARTE! SUMAKAY NA KAYO! MALE-LATE NA TAYO! PUTRAGIS NAMAN!" Putol na sigaw ko sa kung anong sinasabi ni Chance.
Agad namang nagmadaling sumakay ang dalawa ng marinig ang sigaw ko. Natataranta pa nga na parang mga tanga. Psh.
Ayan! Matuto silang sumunod! Langya, para ako naging instant mother nito, e. Virgin pa ko pero may dalawa na kong pasaway na anak? What the F.
Sumakay na rin ako sa tricycle. Dun na ko umupo sa likod ni kuyang driver para wala nang gulo sa pagitan nung dalawa. Parang mga sira, e.
Agad namang pinaandar ni Kuyang driver yung tricycle. At ilang saglit pa ay nakarating na kami sa sakayan ng Jeep. Huling sasakyan na sasakyan namin bago makarating sa school.
"Kuya, eto na pong bayad."
Napalingon ako sa dalawa at nakitang so Grey ang nag-abot ng pera sa driver ng tricycle.
"Ay! Pasensya na ho kayo. Wala po akong panukli sa ganyan." Napapakamot naman sa ulo na sabi nung driver.
Nang tignan ko ang value ng pera na iniaabot ni Grey ay napairap na lamang ako. Sino ba naman kasing tanga ang magbabayad ng isang libo sa isang tricycle driver?! E magkano lang pamasahe dyan! Siraulo talaga.
Naiiling na lang na kinuha ko ang wallet ko sa bag. Kukuha na sana ko ng pamasahe pero naunahan na ko ni Chance. Agad naman siyang nasuklian ni Kuyang Driver bago umalis kasama nung tricycle niya.
Naiwan kaming tatlo rito na gaya kanina ay tahimik parin. Nabasag nga lang iyon ng marinig kong nagsalita si Chance.
"Sa mga pampasaherong sasakyan na tulad ng tricycle at jeep. Hindi nagbabayad ng perang may malaking halaga. Yan ang wag mong kalilimutan, Grey." Maangas na sabi nito bago nauna nang lumakad palapit sa jeep.
Ngunit bago siya tuluyang sumakay ay nilingon niya pa kami.
"One point for C." Nakangising sabi nito bago sumakay ng Jeep.
Ako naman ay parang nag-hang ang utak nang dahil sa sinabi niya.
One point for C?
Ano yon? Ano bang.. Sinasabi niya?
Nang nilingon ko si Grey ay parang naguguluhan din siya. Ngunit ang kunot sa noo niya ay agad na napawi at napalitan ng ngiti na para bang nagets na niya ang sinasabi ni Chance.
"One point. Hahahaha!" Natatawang sabi nito.
"Ano bang one point ang sinasabi niyo?" Tanong ko.
Nilingon niya ko nang hindi parin natatanggal ang ngiting nakapaskil sa kanyang mukha.
"Wala yon. Isipin mo na lang na minsan talaga dumarating yung araw na.. Ang childish ni Chance! Hahaha! Tara na."
Niyaya niya na kong sumakay sa Jeep. Pinauna niya kong sumakay, siya naman ay sumunod sakin. Hanggang sa makaupo kaming dalawa sa tabi ni Chance ay di parin nawawala ng ngiti niya na lalong nagpagulo sa isip ko.
Shet. Curiousity kills the cat.
Hahaha tama ba?! I dont know. Pero langya naman. Ayoko sa lahat yung ginaganito ako, e.
Alam niyo namang dumadaloy sa ugat ko ang pagiging chismosa at hindi titigil ang utak ko sa pag-iisip hanggat may isang bagay akong hindi alam.
Napuno na ang jeep. Nagkasiksikan. Si Grey ay nakaupo malapit sa driver. Katabi niya naman ako bago si Chance sa kaliwa ko.
"Manong bayad ho."
Narinig kong sabi ni Grey. Nang tinignan ko ang perang inaabot niya ay pinigilan ko talaga ang sarili kong mabatukan siya.
Kung kaya't hinampas ko na lamang siya.
"Hindi nga sabi pwedeng magbayad ng ganyan kalaking pera sa ganito. Ano ba! Kung wala kang barya sabihin mo lang." Bulong ko sa kanya.
Paano ba naman kasi!? Isang libo na naman ang binabayad. Bwisit!
"Ay wala po akong isusukli dito."
Narinig kong sabi nung driver bago pilit na ibinabalik kay Grey ang pera pero hindi yun tinanggap ni Kulit.
Sa halip ay nilibot niya na lang ang kanyang tingin sa mga nakasakay sa loob ng jeep. May dalawang matanda na parang galing sa palengke dahil may dala silang basket na may lamang isda. May tatlong office girl na nagchichismisan sa gilid at ang iba naman ay gaya rin namin na estudyante hindi nga lang same school-----
"Bayad na na naming lahat yan. Keep the change, Manong."
Napatigil ang lahat sa sinabi ni Grey. Ngunit ang katahimikan na iyon ay napalitan ng sigawan ng magsink in sa lahat ang sinabi niya.
Pero pucha! Ang slow ng process ng utak ko ngayon! T-tama bang narinig ko? Tama bang nasa isip ko?
Nilibre ni Grey ang lahat ng nakasakay?
Just.. WOW.
As in WOW.
Hindi ko alam kung hahanga ako sa kanya o mayayabangan, e.
Nang nilingon ko si Chance ay para rin siyang nagulat sa ginawang kalokohan nitong si Grey.
Pero agad na nabalik ang tingin ko kay Grey ng marinig kong bumulong siya.
Shet. Unti unti na namang nabubuhay ang kyuryosudad sa isip ko ng marinig ko ang sinabi niya.
"All one." nakangising ulit niya.